3 days after ng nangyari ay hindi na nila ako pinapasok pa sa fighting ground kasi raw, for sure, ako naman ang mangunguna. Baka sa susunod na may makita akong mandaya ay baka mapatay ko na raw. Enough na raw ang pinakita ko. Aangal pa sana ako pero binalaan na ako nina mommy. Hihintayin ko na lang ay iyong final round, kung saan makakalaban ko si mommy sa huling pagsusulit. Ang matagal ko ng hinihintay at pinaghahandaan. "You want?" Nagulat naman ako nang may isang balot ng kisses ang nasa harap ko. Napatingin agad ako kung sino ang nag-alok. "Bakit ngayon mo lang naisipang pumasok sa Hearth?" natanong ko na lang bigla nang makita ko kung sino. Kilala naman siya nina tito and the rest ng Bravo. Pero bakit ngayon lang siya sumali kung kailan pumasok na ako at sumabak na n

