Nakakagulat na pangyayari ang naganap sa isla ng mga kilalang mga scientist, chemist at assassins sa buong mundo.'Di inakala ng iba na lulusob ang kalaban sa loob mismong headquarter nila. Ngunit dalawang tao lamang ang nakakaalam sa mangyayari. Sina Dr. Z at ang asawa nito na isang Legendary Assassin sa kapanahunan niya. Kahit alam ng dalawa na possible na mangyari ang mga bagay-bagay sa kanila ay hinayaan na nila, sapagkat maraming tao na ang madadamay para lang maprotektahan lang sila laban sa mga taong nagtatakang patumbahin silang mag-asawa. Nakasalalay rin sa kanila ang buhay ng kanilang anak kaya minabuti ng dalawa na huwag na lang ipagsabi ang mga napapansin nila sa paligid at ibang kasamahan. Gusto na nilang itama ang mga maling akala ng isang taong minsan ng naging parte ng organisasyon nila. Mas gugustuhin nilang ibuwis ang sariling buhay nila para lang mailigtas sa bangungot ang kanilang anak. Sobrang tagal na rin nilang nilihim ang tungkol sa mga nangyayari sa pamilya nila sa organisasyong nabuo nilang mag-asawa.
Nagkaroon na naman ng malakas na pagsabog sa loob ng headquarter nila at nakakasiguro ang lahat na mismo sa loob sila nilusob at hindi sa labas. Nagulat man ang lahat ay minabuti nilang mag-isip ng mabuti kung anong gagawin nila para depensahan ang mismong headquarter ng organisasyon.
"All of you, move! Ako ang maghahanap kina master!" Sigaw ng kanang kamay ng master ng mga ito na nagngangalang Era.
Siya ang leader ng special group ng organisasyon nila. Master ang tawag ng lahat sa legendary assassin na si Whisperer. Kahit anong mangyari, nakatatak sa isip ng bawat isa na ang uunahin nila ay ang kaligtasan ng master nila na siyang kumopkop sa kanila at nagbigay dahilan para mabuhay at lumaban sa buhay. Utang na loob ng lahat sa master nila at sa asawa nito ang buhay nila kaya as much as possible ay gusto nilang protektahan ang pamilyang meron ang mga ito.
"Sh*t! This is not good, Era!" sabi ng kasamahan niyang si Elion habang nakatingin na sa cctv footage.
Mabilis naman na nagsilapitan ang special group na pinangalanang Alpha. Sapagat bawat miyembro ng special group ay may kaniya-kaniyang kakayahan na mas hihigit pa sa iba. Maihahalintulad ang grupo sa isang mababangis na lobo kaya binansagan ang grupo nila ng Alpha. Ngunit dahil sa biglaang pangyayari ay hindi alam ng ibang miyembro ng Alpha na hati na pala ang grupo nila. Naging dahilan pala bakit nilulusob na sila ng kalaban galing mismo sa loob.
"I know! Group yourself at protektahan ang nasa loob at huwag niyong hayaan na may makapasok muling kalaban sa loob. Lahat nang makikitang kaaway ay patayin. Huwag kayong magtira ng buhay!"
Natigil ang lahat dahil sa sinabi ni Raizor, ang sumunod na leader ng grupo ng Alpha. Hindi nila alam bakit ‘yun ang naisipang iutos ng lalaki. Sapagakat, ang isa sa rule ng organisasyon ay huwag kumitil ng buhay kung walang mabigat na dahilan.
“Nahihibang ka na ba?”
Kumunot ang noo ni Raizor nang marinig ang reaction ng ibang kasama nila. Ang iilang miyembro na nakikinig lang sa Alpha ay nanatiling tahimik na lang.
“Do whatever I say. Lumabas na ang iba dahil kailangan nating depensahan ang headquarter natin. Kung hindi natin gagawin ‘yun tayo ang matatalo.” Rason naman ni Raizor.
Kahit ayaw man gawin ng iba ay sinunod na lang nila ang sinabi nito baka pagkatapos ng lahat ng nangyayari ngayon ay baka mapagalitan pa sila. May punto rin naman ang sinabi ni Raizor sa kanila. Sa mga oras na ito kailangan nilang isipin na depensahan talaga ang organisasyong kinabibilangan nila at ang headquarter nila. Naisip din ng mga ito ang mga pinagdaanan nila at ginawa ng master nila para mapabuti sila at iahon sa bangungot nila sa nakaraan.
"Go! Alpha will stay here!" Ma-otoridad na utos ni Era sa ibang kasama.
"Baliw ka ba? Hindi sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang kanilang kakayahan ngunit hindi ko maatim na tayo ay narito lang habang sila ay nakikipaglaban sa labas." Angal naman ng malaki sa kanila na si Xandro.
Kilala bilang hulk ng grupo dahil sa taglay nitong lakas at sa laki ng katawang meron ito. Ngunit kahit ganoon ay umaapaw pa rin ang kagwapuhan nito at s*x appeal.
Nagsikilos na nga ang iba habang ang grupong Alpha naman ay nagpapalitan pa rin nang katuwiran sa isa't-isa hanggang sa naging sagutin na ang nangyari sa pagitan nila.
“Pero hindi sapat na iutos na patayin ang mga makakasalubong nila. What if napilitin lang ang mga ito kaya nila tayo kinakalaban?”
Nabaling tuloy ang tingin ng iba sa babaeng nagsalita. Walang iba kundi si Allena, tinaguriang Athena ng grupo. Siya rin ang naaatasan tungkol sa pagbibigay ng strategies ng grupo at magiging plano sa bawat misyon na ginagawa nila. Siya rin lagi ang takbuhan ng kasamahan kung may mga bagay-bagay silang hindi maintindihan. Numero uno rin ang babae sa pagsunod ng mga rule ng organisyon kaya niya nasabi ang mga ‘yun sa kasamahan.
Isa lang rin kasi ang pumasok sa isip ni Allena. Inosente rin ang ibang kasama ng kalaban. Alam naman ng lahat kung paano kadumi maglaro ang mga ito para lang mapatumba sila. Mukhang ito na nga ang araw na mangyayari ang lahat ng matagal ng inaasam ng mga kalaban sa kanila.
“Dapat ba talagang isipin ang mga ganiyan sa mga oras na ito? Kilala tayo sa underground. Kilala tayo sa lahat at nagbingi-bingihan ang iilan sapagkat ayaw nilang madamay sa alitan ng organisasyon natin at ng kalaban. Baka bumaling sa kanila ang atensyon ng mga kalaban ng organisasyon.” Mabilis na sagot ni Raizor kay Allena.
“Sa mga oras na ito, alam ng mga taong ‘yan sa labas ang mga ginagawa nila. Nakapagdesisyon na sila at handa na sila sa mangyayari sa kanila. For now, ang isipin natin ay depensahan talaga ang headquarter natin, wala ng iba. O tayo ang mauubos sa huli kung hahayaan pa rin natin na bigyan sila ng pagkakataon na mabuhay.” Dugtong pa niya.
“Kailangan ko ring hanapin sina master. Siguradong sila ang unang pakay ng kabila bago tayo,” nasabi na lang ni Era habang nakatingin pa rin sa cctv footage, nagbabakasakali na makikita niya ang hinahanap niya.
Aangal pa sana ang iba ngunit may isang pamilyar na boses ang narinig nila. Ang isang pamilyar na boses na nanggaling sa isang pamilyar na tao na minsan na rin nilang naging kasama sa organisasyon. Isang taong bigla na lang tumiwalag sa grupo nila sa hindi malamang dahilan ngunit nirerespeto nila ito. Ngunit hindi sila ganoon kamangmang para hindi malaman kung bakit nandito ang lalaki.
"Hindi ko aakalain na darating sa punto na mawawalan kayo ng control sa mga bagay-bagay, Alpha." Ngising sabi ng isang lalaki na biglang lumitaw sa madilim na parte ng kinalalagyan nila.
Napako ang tingin nila roon ngunit ni isa ay walang nagpa-apekto kaya medyo nainis ang lalaki sa mga inasta ng grupo. Taliwas sa inaakala niya ang nakikita niya sa mga naging kasama niya rati.
Ang Alpha naman ay nanatili lang neutral ang emosyon nila. Last 2 months ‘yun tinuro ng master nila. Napapansin kasi ng master nila na masyadong nauuna minsan ang emosyon nila kaya nagiging clouded minsan ‘yung iniisip nila na siyang nagiging dahilan kaya napapahamak ang iilan sa kanila.
"Leonard!" Walang emosyong tawag ni Casper sa lalaki.
Siya ang asawa ni Era. Ang rank 3 ng grupo ng Alpha. Kilala siya sa pagiging magaling sa pagmanipula ng tao at sitwasyon. Ngunit dahil nga sa kaharap nila ang tinaguriang rank two rati ng grupo ay alam ng bawat isa na may laban din ang lalaki sa kanila. Nakasama na rin nila ito ng matagal kaya alam din ng lalaki kung anong weakness ng bawat isa. Weakness na alam nilang magiging dahilan para magkaroon ng chance si Leonard na matalo sila. Ngunit habang kaya pa nilang depensahan ang organisasyon ay nasisigurado nilang may pag-asa pa ang grupo.
"You miss me, my ex co-Alpha?" Ngiting demonyong tanong ni Leonard sa kanila.
Malutong na tawa lang ang binigay ni Era bilang sagot sa katanungan ng lalaki sa kanila. Naging hudyat nang pagsulong ng grupo nila para atakihin ang demonyong kaharap nila na may mga kasama rin palang iba. Mabilis na nagpalitan nang malalakas na tira sina Leonard at Era. Halatang may lihim na hidwaan ang dalawa rati palang sa klase ng bawat tira nila sa isa’t isa. Hanggang sa dumating sa punto na nawalan ng focus si Leonard dahil sa biglang sinabi ni Era sa kaniya.
“You will never win against me. Kahit kailan hindi ka magwawagi dahil sa kasakiman mo.” Mahina ngunit nakakamatay na sabi ni Era kay Leonard.
"Argg!" Malakas na daing na lang ni Leonard dahil sa nangyari.
Humigpit ang hawak ni Leonard sa espadang hawak niya dahil sa sinabi ni Era sa kaniya. Kahit anong handa niya sa sarili sa bawat salitang lalabas sa babaeng minsan na niyang naging kaibigan ay hindi pa rin siya handa. Nasasaktan at nasasaktan pa rin siya sapagkat masyadong naaapakan ang ego niya dahil lang kay Era. Ang babaeng lumampaso sa kaniya noon at kailanman ay hindi siya nakabawi rito. Ngunit pinapangako ni Leonard na sa araw na’to ay mababawian niya rin si Era sa lahat ng ginawa nito sa kaniya.
"Ano pa ang saysay ng pagiging kanang kamay ko, Leonard? Siguro nagdidiwang ang budhi mong puso dahil sa malinis na paglusob mo rito. Ngunit parang kinalawang ata ang utak mo at nakalimutan mo ang Golden Rule ng grupong minsan mo ng naging grupo. Pangahas kang pumasok bilang isang kalaban at patay kang lalabas na siyang mangyayari sa iyo ngayon dahil sa iyong ginawa. Sisiguraduhin ko na mangyayari ‘yun. Itatak mo riyan sa matigas mong ulo." Sabay paikot ni Era sa punyal na hawak niya.
Tiimbagang tinignan siya ng lalaki at nanlilisik ang mga mata na sumisigaw ng kamatayan sa kaharap.