Paano malilimutan ng lalaki ang golden rule kung ang tatay niya ay hindi pa nakalabas ay pinatay na ito nang walang pusong master nina Era na pinagsisihan niyang naging master din niya ito. Naging sarado na ang isip niya sa mga rule ng organisasyong kumupkop sa kanila ng kaniyang ama.
"Hindi ako basta-bastang gumagawa ng gulo nang hindi nakaplano, Era. Nasa akin lang naman ang weakness ng master niyong lahat." Sabay napalitan nang ngiting tagumpay ang labi ng lalaki matapos sabihin ‘yun mismo sa alpha na siyang dahilan para maagaw niya ang atensyon ng lahat.
Nagulat man si Era ay pinatili pa rin niyang maging mahinahon ang sarili dahil sa kaniyang kaharap. Dahil nga sa narinig ng ibang miyembro ng Alpha ang sinabi ng lalaki ay mabilis nilang binawian ng buhay ang mga kalaban na nasa loob para isunod ang kinamumuhian nilang si Leonard.
Napukaw lahat ang atensyon nila nng marinig nila ang mahinang impit na iyak ng bata na parang nahihirapan sa kalagayan nito. Mas lalong umusbong ang galit sa puso ng bawat isa. Isa lang ang nasa isip nila. Ang mahanap kung asan ang bata na siyang dahilan kung bakit wala rito ang kanilang master. Alam naman nila na sa bawat laban na nangyayari laban sa grupong kinabibilangan ni Leonard ngayon ay lagi lang nakaalalay ang master nila. Tumutulong lang pagkinakailangan ngunit napansin nila na wala talaga ito na siyang naintindihan ng lahat. Nakasalalay panigurado sa kanilang tagumpay ang kaligtasan ng bawat isa at ang anak ng master nila na hawak ng kabilang grupo ngayon.
"F*ck you, Leonard! Huwag mong idamay ang bata!" Galit na sabi ni Allena at binalian ng leeg ang kalaban niya dahil ito ang napagbuntungan nang galit niya.
Ganoon din ang nangyari sa iba at ng sabay nilang sugurin si Leonard ay tumakbo palayo si Era para hanapin ang master nila. Gusto niyang hanapin kung saan ang mag-asawa para malaman niya kung nasaan ang heir ng organisayon nila. Kinakabahan man ngunit nagatuloy pa rin si Era sa paghahanap sa mga ito.
Takbo lang nang takbo si Era hanggang mapadpad siya sa isang sagradong pinto na kahit siya mismo ay hindi pa nakakapasok. Pagbukas pa lang niya sa ginintuang pinto ay halos mawasak niya ito nang makita ang taong hinahanap ay nag-aagaw buhay na.
"Mas-master!" nasabi na lang ni Era sapagkat hindi nya alam ang gagawin dahil sa mga nakita niya.
Aalalayan niya sana niya ang master nila. Ngunit umiling na lang ito na waring alam ng master nila ang gagawin niya kasabay ng pagdilat ng mga mata nito na direktang nakatingin sa mga mata niya.
"Iyo-yong ma-mata niyo."
Nautal siya dahil sa gulat. Iba na ang kulay ng mata ng master nila na siyang naging dahilan ng pagkagulat niya. Hindi niya alam anong gagawin niya habang napako pa rin ang tingin niya sa mga mata ng master nila.
"I know... get that box behind you, Era. Give that to her... if you find my daughter..." Mahinang bulalas nito sa kaniya habang nakikipaglaban sa sariling kamatayan.
Agad kinuha ni Era ang kahon na may kombinasyong black at pink ang kulay. Pagbukas niya ay nagtaka siya nang may makita siyang dalawang syringe na may kulay pula na likido.
"Iturok mo sa kanya before it's too late. Bago siya mag labing-siyam na taong gulang. Sana magawa mo ang pinapagawa ko bago mawalan ng bisa ang tinurok ko sa kaniya bago siya nakuha ng mga kalaban. Baka mamatay siya ng tuluyan katulad ko." Tuluyan na ngang kumawala ang mga luha sa mga mata ng master nila na siyang ikinawindang niya.
Ngayon lang niya nasaksihan ang isang mapait na pangyayari na nangyayari ngayon sa master nila. Ang babaeng naging idolo nilang lahat na ngayo’y mahina na. Buong pusong tinanggap ang kapalaran niya ngayon. Kapalaran na tuluyang lisanin ang mundong naging battle ground nito.
"Bakit?" Iyan na lamang ang lumabas sa bibig ni Era habang hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig niya.
"They are getting stronger, Era. Be careful and take care of our alliances." Tuluyan na ngang natabunan na nang kulay abo ang mga mata ng master nila.
Naikuyom ni Era ang mga kamay at nagbitiw ng mga pangako matapos masaksihan ang pagkamatay nito.
***
Sa kabilang banda ay nahihirapan nang makipaglaban ang labing-isang malalakas na kasamahan ni Era at nawalan nang pag-asa ang bawat isa. Alam nilang tuluyan na silang mamamatay sa kamay ni Leonard. Alam nilang lahat na si Era at Leonard ay hindi nagkakalayo nang lakas at kakayahan ngunit nasakop na nang puot at ganid ang puso ng dating kasamahan kaya wala silang magawa kundi makipagpatayan dito.
‘Do or die.’
Namimilipit na sa sakit si Allena kaya wala siyang magawa para lumaban pa. Hawak na siya sa leeg ni Leonard.
"Allena!" Sigaw ng asawa nitong si Jaime matapos makita ang ginaw ani Leonard sa asawa niya.
"Ow! Haha. This will become a tragic love story of yours, Jaime." Sabay ngiting demonyo ni Leonard sa kanila.
Galit na galit na nakatingin si Jaime sa lalaki dahil alam niyang hawak na rin siya nito dahil sa asawa niya. Bago pa matuluyan si Allena ay biglang may malakas na hangin na dumaan sa harap nila. Alam ng Alpha na hindi basta-bastang hangin lang iyon.
"E-era." Mahinang bulong ng Alpha sa bagong dating.
Kinilabutan sila nang makitang putol na ang kamay ni Leonard habang dala-dala ng bagong dating si Allena.
"Argggg! Era!" Galit na sigaw ni Leonard.
Tinanggal ni Era ang kamay ni Leonard na nakahawak nang mahigpit pa rin sa leeg ni Allena kahit kakaputol lang sa may-ari.
"Hala! Kamay mo?" Gulat na patanong nito at mas lalong naging dahilan nang pagkagalit ng kalaban.
"Patayin niyo silang lahat! At iyang babaeng iyan ang akin!" utos nito sa mga alipin niya.
Lumipas ang ilang minuto ay umalingaw-ngaw ang malutong na tawa ni Era kasabay nun ang paghiga niya sa kasamahang si Allena na nanghihina na dahil sa nangyari kani-kanina lang. Kinilabutan ang lahat sa nararamdaman nilang awra na nilalabas ni Era. Ibang-iba sa Era na kasama nila rati at sa Era na kasama nila ngayon.
Kumalansing ang hawak nitong katana na tila matagal na itong hindi tinanggal sa lagayan ng ilang taon at ngayon lang ulit gagamitin. Mas lalong nanginig ang tuhod ng grupo nang pag-angat ng katanang hawak ni Era ay punong-puno na ng sariwang dugo. Tumutulo na nga ang iba sa sahig. Halatang bago lang nadungisan ng sariwang dugo ang hawak ni Era.
"Sino, Leonard? Kasamahan mo ba? Sorry, ha? Kasi nainip na ang katana sa pinaglagyan nito at nadali sila habang papunta ako rito." Sarcastic na sabi niya sa lalaking, halos mapugto ang ugat sa leeg at kamay dahil sa nararamdamang galit sa kaharap.
Nilingon nina Brint ang pinanggalingan ni Era kanina. Halos lumuwa ang mga mata ng lalaki nang makitang nagiging buto na ang mga pinaslang ni Era. Hindi mag-sink in sa isip niya lahat ng nakikita niya.
"The sword of death." Mahina ngunit nakakakilabot na sabi ni Era sa kanila.
Sinugod na ni Leonard si Era pero panay depensa lang ang babae at nanatiling nakabalandara sa mukha nito ang nakakalokong ngiti.
Tumalon nang mataas si Leonard habang pina-ikot ni Era ang hawak na katana. Laking gulat ng Leonard matapos tumilapon palayo kay Era at nasipa pa ito nang malakas sa sikmura. Bago pa bumagsak ang lalaki matapos huling bumangga sa isang pader ay sinipa siya ulit ni Era sa ulo na naging dahilan para mabiyak ang pader. Isang malakas na sipa pa ang ginawa ni Era para tuluyang lumusot ulit sa pader si Leonard. Mukhang alam na ng bawat isa kung gaano kadelikadong maging kalaban ang leader nila at alam rin nila na may kakaiba kay Leonard matapos ng lahat ng ginawa ni Era rito.
Mabilis ang galaw ni Era at pati paghinga ni Leonard na pinapahirapan niya ay kalkulado na niya. Malalakas na combat-attack ang binibitawan niya hanggang tuluyan nang naliligo sa sariling dugo ang si Leonard.
"Tibay mo ah. Buhay ka pa rin?" Manghang sabi ni Ella sa lalaki.
Lahat ng nakasaksi kay Era ay nanlamig sa kinatatayuan nila. Natakot ang bawat isa na gumalaw o magsalita man lang. Baka sila ang susunod kay Leonard na pati mukha ay wasak na wasak na talaga. Alam ng lahat na buhay pa lalaki ngunit kunting oras na lang ay bibigay nang tuluyan ito dahil sa mga natamo niya galing kay Era.
"Yo-u'll never g-get her..." Huling ngiti ng lalaki nang tuluyang bumaon ang katana na hawak ni Era sa puso nito.
Walang nagsalita at walang nakagalaw dahil sa gulat. Paghinga na lang at pagsabog sa labas ang maririnig sa loob.
"Dr. z-Z?" Gulat na reaksyon ni Era sa lalaking bumagsak sa harap nila.
"... ke-keep th-this..." Bago tuluyang nalagutan ng hininga ang bagong dating.
"Dr. Z!" Sigaw ng lahat at ang pinaka-mas nakakagulat ay nang dumaan sa gawi nila ang mapanganib na katanang gamit ni Era.
"Arrrggg!"
"F*cking traitor!" At umalis na si Era kasabay nang pagbuhat sa labi ni Dr. Z.
"I'll keep my promise, master and Dr. Z."
Tuluyan na ngang nilisan ang islang kinagisnan at iniingatan nila noon pa man.
Sa hindi inaasahang pangyayaring iyon ay may uusbong na panibagong panganib para sa lahat at sa susunod na henerasyon.