CHAPTER 3: MCFLOAT

1593 Words
Kakapasok ko pa lang sa McDo, nginitian agad ako ng mga tao sa loob. Dahil hindi ako snob, I smile at them too. Minsan nakakapagod ngumiti lalo na't nakakangalay ng panga even though hindi mo naman kilala ang mga nginingitian mo pero ginagawa mo pa rin kasi ang awkward naman kung titignan mo lang o babaliwalain. Ang arte lang! Naniniwala rin kasi ako sa sinasabi ng iba na nakakatulong din iyong ngiti ng isang tao para mag-lighten up iyong mood mo, which is true naman. Nakakagaan talaga sa loob pag may isang taong ngingiti sa iyo tapos nasaktong wala ka pa sa mood. Parang maiisip mon a bakit ganiyan ka? Dapat you need to smile kasi sayang ang buhay.   Anyway, kung ano-ano na lang naiisip ko. Gutom na talaga ako kaya kailangan ko ng mag-order baka pati bituka ko ay umakyat na sa utak at kainin ang brain cells ko. Kawawa naman si brain pag nagkataon.   "Same order, Ma'am?" Ngiting tanong ni ate sa akin.   Masyadong excited ata iyong kaharap ako at ‘di pa nga ako nakakapwesto sa counter ay nagtanong agad. Natuto siguro. Wala kasi iyong always na kumukuha ng order ko. Maybe off niya o absent.   "Yes, please." Sabay flash ng precious smile ko sa kaniya.   Nakarinig tuloy ako nang impit na tili galing sa kasamahan niya. As usual, ganiyan ang mga iyan kahit naman palagi nila akong nakikita rito pero hindi gaano katagal dahil umaalis agad ako. Hindi ko naman sila masisisi dahil modelo naman din ako pero mas gusto kong mamuhay ng tahimik. Lokohin ko ang bulag at bingi. Kahit naman mamuhay ako ng tahimik, gulo ang lumalapit sa akin. Kaya heto ako? Binabangga na, minsan pa nga ay kusa kong hinihintay ang gulong lalapit sa akin at makipag sagupaan. Nagkataon lang talaga ngayon na walang nakakakilala sa akin kasi walang nagpapa-picture. Sabagay, iba kasi get-up ko ngayon. Pero kung isa ka sa masugid kong taga-hanga for sure, kahit maging gusgusin suot ko makikilala mo pa rin ako. Fortunately, wala iyong mga iyon dito. Isang lugar na alam ko kung saan ako madudumog.   "Coming up!" Energetic na sabi nito.   Natawa na lang ako sa ginawa niya. Mabilis naman siyang kumilos. Tinulungan na rin siya ng kasamahan niyang katabi lang niya kanina pa bago ako nag-order.   I scan the place at may nakita rin akong vacant table, good for two. Buti na lang talaga at hindi punuan ang McDo ngayon. Sapagkat, ayaw ko pa namang kumain sa food-court at kung saan. Nakakatamad bitbitin ang order ko, sa totoo lang. Nagkataon din kasi na maaga pa kaya wala pang masyadong tao rito which is good for me. Ang ganda talaga ng simula ng araw ko.   "Here's your order, Ma'am." Ngiting saad nito sa akin sabay salute pa kaya natawa na lang ako ulit ako.   Akong kulit ng cashier. Tumango na lang ako nang makuha ko na ang order ko sa kaniya at naglakad na sa table na nahanap ko kanina lang.   ‘Tsibugan na! Chill mga bituka kakain na ako.’   Nasa kalagitnaan ako nang paglamon ng pagkain ko nang may babaeng gumawa na lang ng eksena. Kakasabi lang na maganda ang simula ng araw ko, may kulang naman sa aruga ang sumira. Nakakainis. Wala bang isang araw na walang gulong mangyayari sa buhay ko o wala man lang ma-i-encounter?   "Ano ‘to?! McFloat pa ba ‘to?! Bakit ang liit ng ice-cream nito?! At ‘di pa maayos ang pagkakalagay!" Rinig kong reklamo niya.   Napataas tuloy ang kilay ko dahil sa kaniya. Lahat ng paris ng mata ay nakatingin na sa kanya at hindi naku-conscious ang isang ito at panay dada pa. Ang mga staff naman ay hindi malaman ang gagawin lalo na't kilalang tao ang nagrereklamo sa kanila. Siguradong pagpepyestahan na naman ang fast-food chain na ito. Sa kasamaang palad, ang nagtatrabaho rito ang siyang magiging kawawa dahil sa babaeng may machine gun ang bibig.   Hindi ko alam bakit may mga sikat na ganito ang mga ugali. Hindi pa ba sapat ang kasikatan nila kung bakit naisipan nilang gumawa ng ganitong scandal at dito pa talaga mismo sa maraming tao. Sinisira lang niya ang image niya lalo ng mga sikat. Baka mauso na naman ang pagiging mean sa mga tao ngayon. Minsan, masyadong baliktad ang isip ng mga taong naninirahan dito sa bansang ‘to. Hindi ko mawari kung ang takbo ba talaga ng buhay ng bawat isa ay nakasalalay sa kung anong uso sa kasalukuyan. Ano pa kaya ang magiging future ng mga henerasyon sa susunod kung magpapatuloy ang ganito sa lipunan? I think, hindi talaga maganda. Hindi kasi talaga uso sa karamihan ang hanapin ang sariling identity nila. Mas madali for them na manggaya lalo na sa idol nila which is not good talaga.   "Seriously? Mcfloat lang, nagkakaganiyan pa siya?" Pabulong na sabi sa sarili ko.   Naiiling na lang ako. Maliit na bagay pinapalaki. Pwede rin naman siguro kausapin ang staff ng maayos iyong ‘di dinadaan sa trouble. Hays! Ginagawa niya lang komplikado ang lahat. Okay lang sana kung siya lang ang mapapahiya o pag-uusapan ngunit panigurado talaga na pati ‘yung kaharap niya mapapahamak talaga. Minsan kasi kung sino ang mali basta sikat iyon ang kinakampihan ng karamihan. So sad but true.   "Miss, ‘wag po kayong gumawa ng eksena rito." Sabay kamot sa batok ng staff ng McDo.   Nilingon ko ang mga ito at nakita ko ang kaba at takot sa mga staff dahil sa kaharap. Agaw pansin na rin sila dahil sa nangyari. For sure, nagpapalitan na ng kuro-kuro ang ibang narito. Halata ring mas maraming pumapanig sa babae kaysa sa staff sapagkat minsan nakatatak sa isipan ng karamihan na ‘the costumer is always right’ kahit ‘yung totoo, lamang ‘yung costumer sa pagkakaroon ng mali.   "I have a right because I am your costumer for my sake! Bakit sa kaniya?! Mas malaki iyong ice cream niya tapos hindi puro ice lang ang laman ng sa kaniya! Ano to, ha?! Hindi makatarungan na hindi kayo fair sa mga costumer niyo rito. Ano bang meron sa kaniya kung bakit ganoon na lang ‘yung binigay niyo? Halatang lahat ng sa kaniya iba sa usual na ino-order ng iba rito." Sabay turo pa sa gawi ko.   Sinubo ko na ang huling natitirang pagkain ko at kinuha ang McFloat sa table bago pumunta sa gawi niya. Nakakawalan na kasi ng gana, grabe. Feel na feel ko na iyong moment sa pagsubo at pagnguya sa pagkain ko pero epal talaga siya. Pakialam niya sa monster Mcfloat ko? Special ako rito kaya nararapat na ganoon ang ibigay sa akin. Sarap bigwasan. Sabagay, ngayon ko lang siya nakitang nagawi rito. Iilan sa costumers na narito ay kilala na ako at normal na sa kanila na makita na iba ‘yung nakukuha ko kaysa sa na-o-order nila. Hindi ko naman aakalain na darating sa punto na may mangyayaring ganito. Hays!   "Sorry Ma'am, pero hindi po talaga pwede." Nagdadalawang isip na saad ni ate na kumuha ng order ko kanina.   Nginitian ko na lang si ate, pinapahiwatig na magiging maayos din ang lahat sa pagitan nila at ng babaeng eskandalosa. Hindi ko hahayaan na ganoon-ganoon lang ang gagawin ng babae sa mga staff na narito. Hindi naman din kasi makatarungan. Pwede naman na magtanong ng maayos kasi sasagot naman ang mga staff panigurado kung bakit iba ‘yung akin sa usual na nasa menu ng fast-food chain. Masyado na silang sanay sa mga ganoon pero sa mga nangyayari ngayon ay hindi.   "Oh." Sabay abot ng McFloat na hawak ko.   Tinaasan ako ng kilay nang bruha at tumawa pa. Baliw ‘to! Siya na ngang inalukan ng drinks ko, siya pa ang nagtataray. Naku! Buti na lang talaga mahaba ang pasensya ko ngayon. Ayokong maging katulad niya. Kaya ko pa naman siyang kausapin ng hindi nakikipagsabayan sa mabunganga niyang bibig.   "May saltik ka ba? Nagrereklamo ka tapos ibibigay sa iyo hindi mo kukunin? Aba, choosy ka, te? Kunin mo na ng matapos na lahat." Sarcastic na sabi ko kaya natahimik siya sa pagtawa sabay cross-arm pa sa harap ko.   Parang hindi siya makapaniwala sa mga salitang binitawan ko para sa kaniya. Go, self! Ngayon ko nga pala naalala na lahat ng nakakaaway niya ay kawawa pero sorry na lang siya, si Kana Yanares ang kaharap niya ngayon. Doble pa sa ugaling meron siya ang meron ako pero pinapakita ko lang iyon sa mga taong deserving sa pagtataray ko at pagiging mean ko to the fullest. Hindi naman ako ‘yung tipo ng tao na sunggap agad para masabing matapang o para ipakita na mas angat ako at walang makakatalo o babangga sa akin, mga ganoon. Buti na lang talaga at marunong din ako sa tama at mali. Pero minsan hindi talaga maiwasan na maging mean lalo na pagsobra na rin ‘yung kaharap mo. Ayokong dumating sa punto na mapahiya ko siya pero kung isasagad niya ang pasensya ko. Sorry na lang. Matitikman niya kung anong ginawa niya pero mas malaki ang balik sa kaniya. Sapagkat, sikat siya at maraming huhusga sa kaniya at the same time.   "Kilala mo ba ako ha?!" Gigil na tanong niya sa akin.   Aware naman ako sa tingin na ibinibigay niya sa akin. Parang gusto niya akong gawing straw habang iinumin ang hawak ko pero keber ko ba? Patalim nga hinaharap ko, masamang tingin pa kaya? Tsk. Remind me na dukutin ang matang mayron siya. Nanggigil ako grabe.   I smiled at her at lumapit ng kunti na sapat lang na makarap ko siya nang malapitan. Yumuko rin dahil mas matangkad pa ako sa kaniya kaya napa-smirk ako. Height pa lang lamang na ako, sa ibang bagay pa kaya? Masarap gumanti sa ibang paraan. ‘Yung ganti na hindi sagutan kundi daanan sa laro lang. Sisiguraduhin ko na pagnagkita kami ulit ay makakaramdam siya ng kaba at maaalala niya lahat ng ginawa ko sa kaniya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD