"Alam ko na maganda ako kaya ‘wag mo na akong titigan ng ganiyan. Baka matunaw na ako sa pinaggagawa mo ngayon." Biglang sabi ni Effepany na kanina ko na pala tinitigan pero ang totoo ay lumilipad talaga ang aking isip. Ngumiti na lang ako sabay buntong hininga. Iniisip ko kasi iyong nangyari this past few days. Ako ay nababahala sa kung anong pwedeng mangyari sa susunod. Kahit gaano ko pa sinasabi sa sarili ko na handa ako sa kung ano man ang kahihinatnan ng lahat ng ito ay hindi ko pa rin maiwasan na mabahala. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila. At the end of the day kasi ay sila pa rin ang mapapahamak. Ayokong mawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan nina mama, nina mommy at lahat ng mga taong bumubuo sa organisasyon ngayon. Malayo na ang narating nila, kaya ayokong dumati

