Nagdadalawang isip ako na pumasok dahil malapit na rin matapos ang November lalo na't after ng sports fest ay semi-finals na. Sinong matinong estudyente ang papasok ng ganoon? Walang iba, kundi ako lang naman. "Anong problema mo? ‘Di ‘yan lalabas sa salamin," sabi ni Cassy na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Bakit lagi na lang epal ang isang ito? Lahat na lang napupuna sa akin. Hays! "I know. Ikaw lang ang tanga." Sabay smirk sa kaniya kaya nag-pout agad siya. Anong akala niya? Hahayaan ko siya na ganiyanin ako? Asa naman siya. Pati pagharap ko man lang sa salamin pakikialam niya? "Bilisan ninyo! Mali-late na tayo!" Sigaw ni Mark na bigla lang sumulpot sa kung saan. "Nag-aaral ba talaga kayo rito sa school namin?" "Kapal mo ha? Parang ‘di mo alam lahat ng tu

