"I think kailangan mo ng magsulat ng death wish mo, Eris." Diritsang sabi ko kaya muntikan na akong mabatukan ng tatlong pugo dahil sa aking sinabi kay Eris. Dahil maagap ako ay naiwasan ko iyon at sila ang nabatukan ko. May balak pa silang saktan ako. Asa naman na papayagan ko sila. Abusadong mga nilalang talaga kahit kailan. Totoo naman kasi sinasabi ko. Kailangan na niya iyon dahil pursigido ang kalaban niya na gusto siyang patayin as much as possible. Patayin in a way na masyadong brutal talaga. Ewan ko nga bakit ganoon na lang ang kalaban sa kaniya. Sigurado na talaga ako na malalim ang dahilan bakit ganoon na lang nangyayari sa kaniya. Hays! Buhay nga naman! Maswerte na lang talaga ang iba kung ang pinoproblema nila ay ang pagkain nila para sila’y mabuhay. Eh sa mga tulad

