Binagsak ko ang aking katawan sa kama dahil kakagaling ko lang sa pictorial. Sobrang pagod ko ngayon kasi ang dami kong ginawa dahil nga sa ang tagal ko raw nawala. Sulitin na nila habang nandoon pa ako baka mawala na naman ako na parang bula. Sigurista talaga, lalo na ang manager ko. Walang patawad pa talaga. Buti na lang nakayanan ko pang umuwi. After that night ay umuwi na kami at babalik na naman doon after 3 months at almost 1-month na kaming nandito sa outside world. Almost 1-month na rin akong hindi pumapasok dahil sa pictorial, cat walk etc. tapos dorm lang ako namamalagi. ‘Yan ang daily routine pag-uwi ko rito at hindi na ako nagpapakita sa kanila. Baka pumutok ng tuluyan ang utak ko. Besides, ayoko pa silang harapin lalo na sina mommy. Naisip ko rin kasi na napasobra na rin a

