CAROLINE Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang mga tao na nasa loob ng VIP room. Apat na lalaki at dalawang babae na sa wari ko ay mga bayaran, base na rin sa kanilang suot na maihahalintulad sa damit panloob. Iyong isa ay nakaupo pa sa ibabaw ng isang lalaki na prenteng nakaupo sa gawing kaliwa. May hawak itong baso na may laman na alak. Nagtama ang paningin namin kaya mabilis niyang itinulak iyong babae dahilan para pabagsak itong mapaupo sa kaniyang tabi. “Nandito na pala sila,” nakangiting bati ng isa. “Puwede na kayong umalis.” Mabilis namang tumalima ’yong dalawa. Yumuko pa sila nang madaanan kami. Umusog ’yong mga binata para magkaroon ng espasyo sa mahabang sofa na kinauupuan nila. Mayroon pang bakanteng upuan sa harap nila na kasinglaki lang ng kinauupuan nila ngayon. Doon

