1: Maid
CAROLINE
Montenegro Group of Companies, Montenegro Hotel and Restaurant, Montenegro Private Beach Resort, Montenegro Wine and Beverages, Pineapple Plantation sa Southern Mindanao— ilan lang ‘yan sa mga pag-aari ng pamilyang pinagsisilbihan ko ngayon.
Mayaman? Sobra. Hindi lang ‘yan dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa. Isang tingin mo pa lang sa kanila, malalaman mo na agad ang mundong kanilang kinabibilangan.
"Magandang umaga ho, Sir at Madam," masiglang bati ko sa mag-asawa na kalalabas lang ng kanilang kwarto. Si Madam Alesandra at Sir Emmanuel Montenegro.
"Good morning, dear. Are they up already?" tanong ni Madam Alesandra na ang tinutukoy ay ang tatlong anak na binata. Si Elexir, Alexander, at Xion. Iling lang ang naging sagot ko dahil hindi ko pa nakikita kahit ang anino ng tatlong ‘yon.
Hindi pa sumisikat ang haring araw ay gising na ako, alas sais kasi ng umaga ang call time ng mga katulong dito sa mansyon. May kani-kaniyang trabaho na nakatoka sa aming lahat bawat araw, kagaya ngayon, ako ang nakatoka na maglinis at magdilig ng mga halaman sa hardin. Bukas naman ay ako ang maglilinis ng mga kwarto.
At dahil sa biniyayaan ako ng bilis at kasipagan ngayong araw, natapos ko agad ang trabaho ko bago pa man mag-alas siete. Iyon din kasi ang oras ng agahan ng pamilya Montenegro, at sa oras din na ‘yon ay kasalo nila kaming lahat sa pagkain.
Mabait ang pamilya nila, hindi nila kami tinuturing na mababang uri dahil katulong kami. Montenegro is one of the richest and most powerful clan worldwide, but despite that fact and rank, they're still humble and down to earth. Hindi alintana ang kayamanan nila sa pagpapakita ng kabutihan sa paligid. Hindi sila sakim sa kayamanan, kung ano ang kaya nilang ibigay ay bukal sa loob nilang ibibigay iyon.
One of the reasons why no matter how many years or decades pass, I will always serve their family.
"I see, mukhang busy na naman sila sa trabaho at pag-aaral, hmm?" nakangiting tanong ni Madam dahilan para mahina akong matawa.
Busy sa pag-aaral? Eh, nakita ko kaya 'yong bunso nila na umuwing lasing at amoy sigarilyo kagabi! Muntik na kaming magsuntukan dahil sobrang kulit at daldal ng isang 'yon kapag nalalasing.
4th year college na si Xion, kailangan niya nang magseryoso lalo na't malapit na siyang magtapos ng pag-aaral. Law pa naman ang kinuha niyang kurso, gustong mag-abogado pero siya mismo ay lumalabag sa batas ng kanyang ama. Ang sarap kurutin! Mahigpit pa naman si Sir Emmanuel pagdating sa mga anak nito, palibhasa ay isang multi-billionaire tycoon kaya hindi maaaring madungisan ang pangalan.
They also have one rule: Do not put the name 'Montenegro' in vain.
"Siguro nga, Madam. Alam niyo naman ho, ayaw nila kayong madisappoint," napipilitang sagot ko habang nakatingin sa bunsong anak na kabababa lang ng hagdan. Nakasuot na ito ng uniporme at preskong tingnan dahil sa maaliwalas at gwapo nitong mukha. Kumindat muna ito sa 'kin bago lumapit para humalik sa magulang. Napaikot na lang ang mata ko sa kawalan. Malantod!
"Good morning, mom and dad!" masiglang bati niya na para bang walang ginawang kabalbalan kagabi. Lumingon pa siya sa akin at pinsadahan ako ng tingin. Pinandilatan ko na lang siya ng mata na ikinatawa niya lamang.
"Good morning, son! How's your study?" malambing na tanong ng kanyang ina. Yumuko muna ako ng bahagya bago umalis sa kanilang tabi para pumunta sa mga kasamahan ko.
"Buti na lang at mabilis mong natapos 'yong trabaho sa hardin. Gago, inaabot ako ng tatlong oras sa paglilinis at pagdilig doon, ah!" bungad sa akin ni Celeste sabay hampas sa balikat ko. Nginitian ko lang siya dahil malaki nga naman talaga ang hardin dito. Siguro ay 'singlaki ito ng isang ordinaryong bahay.
"The flash ako, eh," biro ko kaya hinampas niya ulit ako. Anak ng!
"Nasaan si Eve?" tanong ko na lang habang lumilinga sa paligid.
Wala pa rin siya? Noong isang araw pa siyang wala, ah? Katulong din si Evelyn dito sa mansion pero dalawang araw na siyang hindi nagpapakita. Ang sabi naman nila ay may sakit ito kaya hindi pa pwedeng magtrabaho.
"May sakit pa, eh. Baka mabinat kapag bumalik agad sa trabaho. Siguro bukas okay na 'yon," mabilis na turan ni Celeste. "Pero huy, ang gwapo ni sir Xion, pucha! Age doesn't matter naman, 'di ba?" Humahagikhik na saad niya habang hinahampas ako.
Napangiwi na lang ako sa kaharutan ng babaeng ito. At konti na lang talaga ay mahahampas ko na rin ito pabalik! Sarap na sarap sa paghampas, eh!
May maliit na bahay na pinagawa ang mga Montenegro para sa mga taga-silbi nila. Nasa likod na parte ito ng mansyon at sakto namang pagpasok ko rito para manilbihan ay puno na sila sa bahay na ‘yon. Kaya sa loob ng mansyon mismo ako natutulog ngayon. Sa isang maliit na kwarto sa unang palapag ng bahay. Bodega dapat iyon pero nilinisan at inayos ko na lang para magmukhang kuwarto.
Bumalik ang tingin ko sa mag-anak nang naupo sila sa mahabang dining table na gawa sa mamahaling kahoy. May mga nakaukit na disensyo na mukhang galing pa sa victorian era. Mayroong nakasabit na kumikinang na chandelier sa taas ng hapag at napapalibutan kami ng mga paintings na galing pa yata sa kanilang ninuno.
Matagal na ang mansyon na ito. Ilang digmaan na ang dinaanan nito at ilang renovations na rin ang ginawa, pero hindi ma-i-aalis ang mala-victorian period na itsura nito. It looks like one of those mansions you see in an old horror movie, creepy.
"Caroline, hija. Can you please call Elexir? Siya na lang ang hinihintay natin," pagtawag sa 'kin ni Madam. Nandoon na rin pala si Alexander sa tabi ni Xion. Tumango lang ako bago pumanhik sa taas.
Ang hagdan nila ay gawa sa kahoy kung saan ay may pulang carpet na nakapatong. Mamahalin. Mamahalin lahat ng gamit. Magmula sa mga vase at figurines na naka-display hanggang sa mga basahan. Aabutin yata ako ng ilang taon sa pagbabayad ng utang kapag may nabasag ako kahit na isang kagamitan dito.
There are portraits of familiar faces attached on the wall, they scream class and elegance dahil sa mga damit at alahas na suot nila. They are the older generation of Montenegro.
Grandparents, parents, and siblings of Sir Emmanuel.
Isang pinto ng kuwarto ang kaharap ko ngayon, may nakasabit pang ‘DO NOT DISTURB’ na signboard kaya nagdadalawang-isip tuloy ako. Pero no choice, kumatok ako ng tatlong beses bago magsalita. "Sir Elexir, kayo na lang ho ang hinihintay sa baba."
Parang isang hangin ang dumaan sa mukha ko dahil wala man lang na sumagot. "Papasok na ako ha." At saka binuksan ang pinto.
Nasaan siya? Walang tao sa loob ng silid. Malinis na ang higaan at walang kahit na anong kalat na makikita rito. May isang king size bed sa gitna at sa isang tabi naman ay naroon ang lamesa kung saan siya nag-aaral at nagtatrabaho.
Doktor si Elexir sa ospital kung saan mayroong malaking share ang kanilang pamilya. Konting panahon na lang yata at sila na ang magmamay-ari ng ospital na 'yon.
Ganoon sila kayaman.
Lumapit ako sa bintana para hawiin ang kurtina. Tanaw mula rito ang malawak nilang hardin. Kinuha ko ang tasa ng kape na nakapatong sa coffee table para dalhin pagbaba ko. Mukhang kanina pa gising si Elexir dahil may ininuman na ng kape rito. Nag-sightseeing yata mula rito sa loob.
"Caroline, what are you doing here?" ani ng isang baritonong tinig mula sa likuran.
Hinarap ko 'yon at muntik na akong matumba dahil sa gulat. Si Elexir na katatapos lang maligo, tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan at may mga tubig pa na tumutulo sa tiyan nitong biniyayaan ng six-pack abs! Damn.
Biglang uminit yata dito?
"Caroline." Pumunta siya sa closet para kumuha ng damit na susuotin, hindi yata siya informed na babae ako at konting kibot lang ay makikita ko na ang alaga niya.
At hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maalis ang paningin sa kanya. Iyong katawan niyang animo'y araw-araw nagwo-work out, kahit na wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mag-aral at magtrabaho sa ospital. Nanunuot din sa ilong ko ang amoy ng sabon at shampoo nito kahit na medyo malayo na ito sa akin.
"Are you okay?"
Sa sobrang pagkabalisa ay hindi ko napansing nasa harap ko na pala siya. Nakakunot ang makapal nitong kilay at seryosong nakatitig sa akin ang mga mata nitong kulay brown, naninipis ang mapupulang labi at matangos ang ilong.
Bakit ang gwapo niya?
"Kayo na lang ho ang hinihintay sa baba, Sir. Pinapunta ako ni Madam Alesandra para tawagin kayo," sabi ko nang hindi nauutal. Bakit ako mauutal?
Sus! Ano naman ngayon kung isang hugot ko lang ng tapis na 'yan eh masisilayan ko na ang alaga niya?
Wala sa 'kin yun, huy! Maliit na bagay!
"I see, wait for me. Sabay na tayong bumalik doon," aniya bago pumasok ulit sa banyo dala ang mga damit.
Ohmygolly! Ito na yata ang unang pagkakataon na ganito ako kalapit sa kanya. Hanggang tingin lang naman ako minsan at kadalasan ay parang hangin na dinadaan-daanan niya lamang ako sa mansyon. Nag-uusap lang kami kapag may utos siya o kaya ay may pinapasabi ang magulang niya sa kanya. Bihira ko lang siya makita na pagala-gala sa labas ng kanyang kwarto.
"Caroline." Napalingon ako kay Elexir na ngayon ay nakasuot na ng kulay asul na dress shirt at itim na pantalon. "Are you okay? You're very pale."
Pale? Ganito naman talaga ang kulay ko, ah.
"Okay lang ho ako, Sir, ganito lang talaga ang kulay ng balat ko," simpleng sagot ko at nagsimula nang maglakad.
"Are you sure? Do you want me to check you?"
"Wag na, Sir!" Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha dahil sa boses ko na bahagyang napalakas. "S-Sorry, hindi ko ho kelangan ng check-up."
"It's alright, let's go."
Nakakahiya!
Tahimik kaming naglakad papuntang kusina. Ang matikas niyang katawan at seryosong aura ang isa sa mga dahilan kung bakit minsan na raw na may pumuntang babae rito para manligaw kay Elexir. Hindi na nakakagulat, sa yaman at gwapo ng isang ‘to? Hahabulin ngang talaga.
Pagdating namin sa hapag ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanunuksong ngisi sa mukha ni Celeste at Cynthia. Mukhang aasarin na naman ako nito mamaya. Tahimik lang akong naupo hanggang sa nagsimula na kaming mag-agahan. Napakaraming nakahain sa harap namin. Vegetable salad at itlog lang ang kinuha ko dahil hindi naman ako mahilig kumain.
Pero agad na natigil ako sa pagkain nang maramdaman ko ang malamig na titig ng nakaupo sa kaliwa ni Sir Emmanuel.
Si Elexir. Titig na titig sa akin at sa pagkain ko.
Napakuha tuloy ako ng isang pirasong hotdog at konting kanin dahil parang hindi niya gusto ang laman ng plato ko. Baka isipin nito na masyado akong pihikan sa pagkain, kahit na gano'n naman talaga.
Natapos ang agahan ng pag-anunsyo ni Emmanuel na magkakaroon ng salo-salo ang ilang kamag-anak nila dito sa mansyon sa susunod na linggo. Binilin niya sa amin ang mga kailangan gawin at kung ano ang mga lulutuin.
"Grabe, kung pwede lang talaga pikutin si Sir Alexander, hay naku! Baka kasuhan pa nila ako," biro ni Cynthia habang nililigpit namin ang mga pinagkainan, humagikhik naman si Celeste na parang sang-ayon siya sa sinabi nito.
Si Cynthia at Celeste ay nasa 27 at 28 anyos na, malapit sa edad kong 25. Silang dalawa ang grabe kung kiligin sa tatlong binata. Palibhasa mga gwapo nga naman, kahit sino yata ay kikiligin sa kanila. Maliban sa akin, syempre.
"Ano ang nakita mo sa kwarto ni Sir Elexir kanina? May nakita ka bang nakakalat na tissue?" Pasiko-sikong tanong ni Cynthia sa akin. Napangiwi ako nang biglang bumalik sa isip ko 'yong nangyari sa kwarto kanina.
Iyong katawan niyang tanging tuwalya lamang ang takip at abs niyang nakapag-iinit ng paligid. Pati amoy ng sabon na ginamit niya kanina ay naamoy ko pa hanggang ngayon, para bang nakadikit na ito sa ilong ko simula pa kanina.
"Huy! Bakit hindi ka makasagot? May nakita ka, 'no?"
"Wala, ano ba kayo! Tapusin na nga natin 'to, mga gaga."
Binigyan nila ako ng nagdududang tingin bago bumalik sa trabaho. Hindi ko naman pwedeng sabihin 'yong nangyari kanina, baka kung ano na naman ang pumasok sa isip nila.
At isa pa, wala na sa 'kin iyon.
---
Nakakaantok.
Ala una pa lang ng hapon pero parang hinihila na ako ng kama. Kung pwede lang talagang matulog na lang maghapon tapos sa gabi ako magtatrabaho. Pero ano naman ang gagawin ko nyn? Eh, tulog na ang mga tao dito. Kaya ngayon ay inaabala ko ang sarili sa paglilinis ng mga bintana kahit na malinis naman ito. Kanina pa nga naluluha ang mga mata ko dahil sa kakahikab.
At kanina ko pa nararamdaman ang presensya ng isang tao sa likod ko, hinihintay ko lang talaga itong magsalita. Limang minuto na yata itong nakatayo at tahimik lamang na nakatingin sa akin.
"Caroline."
Umakto akong nagulat saka nilingon si Elixir na nakatayo sa likuran ko. Ano ba kasi ang ginagawa niya dito? Oras pa ng trabaho niya, ah. Nakasabit sa braso niya ang kulay puti na coat at nasa kabilang kamay naman ang kanyang bag.
"Bakit ho, Sir? May kelangan ho kayo?" Nagtatakang tanong ko pero nakatitig lang siya sa akin na parang sinusuri ang itsura ko. Ganito ba talaga ang mga doktor? Always ready magcheck-up?
"Are you sleepy?" Malumanay na tanong nito. Bakit ang sexy niya tingnan ngayon?
"Medyo lang ho, Sir. Hindi kasi nakatulog ng maayos kagabi," nahihiyang sagot ko. Nahuli niya ba akong hikab ng hikab? Kaya ba tahimik siyang nakamasid dahil binabantayan niya ang trabaho ko? Patay, vaka isipin nito, eh, ang tamad tamad kong katulong!
"But you are wide awake at night?" tanong nito na nakapagpatigil sa akin.
Ano ang ibig niyang sabihin? Paano niya naman nasisiguro na gising ako kapag gabi?
Nakatitig lang siya sa akin, hinihintay akong sumagot. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumango. "Ganyan ho ang routine ko ngayong linggo, Sir. Hindi kasi ako makatulog dahil sa mga lamok sa kwarto."
"I see, you should clean your room and spray insecticide. Maybe that would help, Caroline."
"Yes, Sir. Gagawin ko ho iyon. Salamat sa concern," nakangiting sagot ko at bahagyang yumuko.
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaghuhugutan niya para maging ganito ang kilos niya sa harap ko. Malakas ang kutob ko na may gusto siyang malaman tungkol sa akin.
Agad na nawala ang ngiting iyon nang mahuli ko ang ngisi sa kayang labi pagtalikod niya sa akin. Nakatingin lang ako sa likod niyang papalayo, nagtataka sa mga kilos niya pero alam ko sa sarili ko kung ano ang pinaparating niya.
Mukhang kailangan ko na mag-ingat.