2: The Dinner

2022 Words
CAROLINE Lumipas ang araw at hindi ko na nakitang muli si Elixir. Mukhang naging abala ito sa ospital dahil kahit gabi ay wala siya sa mansyon. Mamayang gabi na rin pala gaganapin ang salo-salo ng mag-anak. Alas sais pa lang daw ay darating na ang mga bisita para mag-usap muna at alas siete sila kakain. "Caroline, pakuha nga ako ng martilyo at pako sa bodega. Aayusin ko itong mga paintings na nakasabit, baka mahulog na lang kasi bigla," utos sa akin ni Rodrigo, isa sa mga nagsisilbi dito sa mansyon. Abala siya sa pagsipat ng ibang nakasabit sa dingding, sa katagalan na rin siguro kaya may konting problem na sa pagkakasabit nito. "Sige ho," nakangiti kong sagot bago tumalikod. Tinapik ko sa balikat si Celeste nang madaanan ko siya, may hawak siyang feather duster at basahan sa kamay. Tinawanan niya lang ako at tinulak gamit ang tagiliran. Napatawa na lang ako dahil doon. Isa sa mga dahilan kung bakit masaya magtrabaho dito sa mansyon ay dahil sa malaya kaming gawin ang kahit anong gusto namin. As long as we do our task well, and as long as we don't meddle with the family's affairs, it's all good. Kahit magpatugtog ka pa ng pangmalakasan habang nagtatrabaho ay okay lang. At isa pa, palagi naman silang wala rito. May isang bagay lang talaga na hindi kami pwedeng tumanggi, iyon ay ang magsuot ng maid uniform. Ganito raw talaga ang batas ng Montenegro para sa mga taga-silbi, kailangan daw kasi naming malaman ang lugar namin sa bahay na 'to. Pero wala sa amin 'yon dahil napakabait nila sa amin. Kahit kailan ay hindi nila kami pinakitaan ng masama. Kinuha ko 'yong susi ng bodega na nakasabit sa pader. Maingat kong binuksan iyong maliit na pinto at saka pumasok sa loob. Maayos na nakalagay ang mga gamit at may mga nakasulat pang pangalan kung para saan o ano ang laman ng kahon. Lumapit ako sa kahon na may nakalagay na 'tools for construction' para kunin lahat ng pinapakuha ni Rodrigo. Aalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang old painting na nakatago sa likod ng cabinet. Nababalot ito ng dyaryo pero nasisilip na ng konti ang loob dahil punit punit na 'yon at halatang luma na. Dahan-dahan kong inalis 'yong dyaryo at agad na nabitawan ito nang makita ko ang larawan sa loob. It was me. Hundred years ago. --- "Hello, ladies!" masiglang bati ng isang binata sa amin. He's wearing black dress shirt and white pants, hair is messy and he have this happy-go-lucky aura around him. Kasunod niya ay isang dalaga na nakasuot ng kulay puting bestida na humuhubog sa maganda niyang katawan, medyo kulot ang mahaba at kulay brown nitong buhok. Dire-diretso lang itong pumasok sa loob nang hindi man lang kami tinatapunan ng tingin. I almost rolled my eyes dahil sa pag-flip niya ng hair nung dinaanan niya kami. Attitude ka, ghorl? Maxim Kiefer and Maddison Klea Montenegro. Pinsan nina Elexir. Nakatayo kami sa labas ng main door para salubungin ang mga bisita. Nauna nang pumasok sa loob ang magulang nila, itong magkapatid na lang talaga ang hinihintay namin para makapasok na rin kami sa loob. Sariling sasakyan daw kasi ang gusto nilang gamitin kaya hindi sila magkakasabay dumating. "You look familiar," ani ni Maxim na nanatiling nakatayo sa harap namin habang nakatitig sa akin na animo'y may inaalala. Alam kong kanina pa siya nakatingin sa akin. Hindi ko lang pinansin dahil ayoko maging assuming. "Ho?" naguguluhang tanong ko. Familiar? Familiar din naman siya, eh. Siya iyong sikat na model at part-time celebrity na kinahuhumalingan ng mga dalagita. Dahil sa masayahin niyang aura, palaging nakangiti, at very approachable na attitude ay mabilis siyang nakilala sa industriya. Makapal ang kilay, hindi ko malaman kung singkit ba ang mga mata niya o ano, pero masasabi ko namang mahahaba at maganda ang kanyang pilik-mata. Matangos ang ilong, may dimple sa kaliwang pisngi kapag nakangiti, at naninipis ang mapupulang labi. Para siyang korean heartthrob dahil sa kanyang itsura. "I think I already saw you somewhere," aniya na nakatingin sa taas habang ang kamay ay hinihimas ang baba. "Ah, baka ho nakita niyo na ako sa labas noon," sagot ko na lang dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ngayon ko pa lang naman siya nakita at nakaharap, ah? Saan niya ba ako nakita? At isa pa, nangangalay na ako. Gusto ko nang pumasok sa loob. "No, not outside—" tugon niya habang nakatitig sa akin. "—but here inside the mansion," dugtong niya at saka ngumiti. Saglit akong natigilan. Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa'kin ni Celeste, nilingon ko ito at binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. "Anyway, I think we should get inside," aniya at nauna nang pumasok. Naiwan akong tulala at may kung anong takot na naramdaman dahil sa kanya. Ayokong maging paranoid, ayokong mag-isip ng kung ano-ano, pero mukhang may alam siya tungkol sa'kin. Hindi rin imposible na gano'n nga dahil paminsan-minsan siyang bumibisita dito. Nililibot niya ang buong mansyon at kinakalikot ang kahit ano dahil masyado raw siyang namamangha sa disenyo ng bahay na ito. Palibhasa ay isa ring Architect at Hotel Owner si Maxim. Pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko 'yong sinabi niya kanina. "Huy! Kilala mo na ba si Sir Maxim noon pa?" pabulong na usyuso sa akin ni Celeste habang nakasunod kay Maxim, dumikit din sa kabila ko si Cynthia para makinig. Ano ba dapat kong sabihin? Ayokong gumulo ulit ang tahimik kong buhay. I've been living the way I want it to be, simple and normal. Baka siya pa ang maging dahilan kung bakit kelangan kong magtago ulit. "Oo naman," I replied without looking at them. Nanatili ang tingin ko sa daan. "Ha?! Talaga? Paano?!" sunod-sunod na tanong ni Cynthia. Kinginang bunganga talaga neto. Nakita kong nilingon kami saglit ni Maxim dahil napalakas ng konti ang boses ng katabi ko. Kung pwede lang maglagay ng tape sa bibig ng tao ay kanina ko pa ginawa. Ang iingay, eh! "Duh? Model siya, 'di ba? Sikat siya, 'di ba?!" sarkastikong sagot ko. Totoo naman, eh. Sikat na model si Maxim at saka lumalabas na rin siya sa mga pelikula dahil minsan ay kasama na rin siya sa mga cast. Ang alam ko ay noong nag-aaral pa lang siya, kinuha na siyang modelo ng isang sikat na brand. Not until he became a licensed architect and hotel owner, dumalang na ang mga projects niya dahil na rin sa trabaho. Pero makikita mo pa rin ang mukha niya sa mga billboard sa daan. Idagdag mo pa ang katawan niyang may kumakaway na abs. "Ahh, akala ko naman ay friends friends kayo ganon," sagot niya. Hindi na ako nagsalita pa dahil kararating lang namin sa living room. Nakaupo silang lahat sa sofa, mukhang may pinag-uusapan. Lumingon sa gawi namin si Madam Alesandra at saka ngumiti. "Oh! Maxim is here. Come, have a seat, hijo!" masiglang bati niya at itinuro ang bakanteng space. Nanatili kaming nakatayo at nakamasid sa tabi. This is our job, ang manahimik at huwag makialam sa kung ano man ang gagawin nila. Humalik muna siya sa pisngi ni Madam Alesandra at nakipagkamay naman kay Sir Emmanuel bago maupo sa tabi ng magulang niya na sina Crisanta at Solomon Montenegro. Iyong kapatid niya naman ay prenteng nakaupo sa single couch sa tabi lang nila, abala sa pagtipa sa cellphone at tila walang pakialam sa paligid. Napaikot ang bilog ng mata ko. "How's your business, Maxim? Everything's good?" nakangiting tanong ni Sir Emmanuel. Ang pamilya Montenegro ay kilala bilang angat at magaling pagdating sa negosyo. They own different branches of five star hotels, resorts and even restaurants all over the world, making them the hottest and most talked about clan in the business world. Isa sa mga rason kung bakit iniingatan ang pangalan nila. One mistake can ruin their hard-earned reputation. At alam ko kung paano pinaghirapan ng lolo ni Emmanuel ang pagbuo ng kung anong meron sila ngayon. Seeing them right now makes me imagine how their life would be without wealth and power. Ano nga ba sila ngayon kung ganoon nga? Malamang ay wala rin kaming pinagkikitaan ng pera ng mga kasama ko. Pero dahil likas naman na matatalino at masipag silang lahat, panigurado aangat pa rin sila ngayon. "Bakit ang seryoso mo ngayon?" pag-untag sa akin ni Bong, isa sa mga driver dito. "Bakit? Kelangan ko bang tumawa ngayon?" sarkastikong tanong ko. Anong gusto niyang gawin ko? Magtumbling at split sa harap nila? Kita namang seryoso ang usapan ngayon tapos tatanungin pa ako ng gano'n. Nakakaloka. "Pfft. Sabi ko nga." Naramdaman ko ang malamig na titig ng isa sa kanila pero ipinagsa-walang bahala ko na lang. Habang kumakain ay patuloy pa rin silang nag-uusap tungkol sa iba't-ibang bagay. Ilang buwan na rin ang dumaan bago sila magsalo-salo ulit ng ganito. Ang alam ko ay naging abala sina Solomon sa ibang bansa dahil sa bagong tayo na negosyo nila roon. Si Maxim lang talaga ang panay punta at bisita dito sa mansyon. Si Maddison naman ay kung saan-saang parte ng mundo napapadpad, nais yata libutin ang buong mundo. "Shet, ang popogi ng mga Montenegro!" humahagikgik na bulong ni Cynthia. "Type mo si Sir Solomon, 'no?" pabirong tanong ko na ikinatawa naman ng iba, at dahil do'n ay napalingon sila saglit sa gawi namin. "Gaga!" pagsiko niya sa akin noong nawala na 'yong tingin nila sa amin. "Montenegro rin naman siya, ah? Malay ko ba," natatawang sagot ko sa kanya. Kinurot niya ako sa tagiliran. "Girl naman, ayoko sa sugar daddy. Doon lang tayo sa malapit sa edad ko, 'no!" "Alam niyo ba, single silang lahat! Sino kaya pipikutin ko sa kanila?" singit naman ni Celeste. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Pikot agad? Ligawan niya na lang kaya? Sa panahon ngayon ay hindi na big deal kung babae ang manliligaw sa lalake. Marami na akong naririnig na babae ang gumagawa ng paraan para magkalapit sila ng taong gusto niya. Gano'n naman talaga dapat, 'di ba? Wala iyan sa kasarian, basta nagmahal ka, 'yon na 'yon. "Try mo si Sir Emmanuel, para sabunutan ka ni ma'm Alesandra," natatawang suhestyon ni Cynthia. Para kaming tangang nagbubulungan dito sa tabi. Kung ano-ano na kasi ang pinagsasasabi ng dalawa, kesyo gusto nilang pikutin o kaya ay malahian man lang ng mga binata ng Montenegro. Tinatawanan na lang sila ng iba naming kasama at sinasabihan na masyadong mataas ang pangarap. Napapatingin na lang nga sila kapag napalakas 'yong tawanan ng mga kasama ko. 'So noisy...' Mabilis akong napalingon sa pinagmulan ng tinig, alam kong hindi iyon galing sa mga katabi ko. At saktong pagtingin ko doon ay nakatitig din siya sa akin... si Maxim. Nilingon ko ulit sina Celeste na abala pa sa pagkukulitan. Ibig sabihin ay ako lang talaga ang nakarinig, kahit 'yong mga katabi niya sa hapag ay parang wala ring alam. This is not good. Panandalian akong nakaramdam ng pananlalamig. Hanggang sa nagsi-uwian sila ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang kanyang kilos. Hindi naman ako makakalimutin o ulyanin pero alam kong ngayon ko lang talaga nakita ng harap-harapan si Maxim. Over the past years of living without my main source of power and life, paunti-unting nababawasan ang mga abilidad ko. I am not dumb or numb not to feel what's happening within me. Sa mga panahong pinipilit kong makibagay sa mga tao, sa mga panahong binubuhay ko ang sarili ko kung paano sila mamuhay. Alam kong may nagbago sa akin. At hindi ako sigurado kung makakabuti ba ito. 'Caroline...' Hindi na ako nag-abalang lingunin pa ang pinagmulan ng tinig na iyon dahil kilalang-kilala ko siya. Iyong baritonong tinig niya na minsan nang nagdulot ng ibang pakiramdam sa katawan ko. Ramdam ko ang malamig na tingin niya mula rito sa kinaroroonan ko. Si Elexir na nakadungaw sa bintana ng kanyang kwarto. Aalis na sana ako para pumasok na sa loob. Pero bigla akong napatigil dahil sa huling sinabi niya. 'Who are you, Caroline?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD