CAROLINE Tatlong araw makalipas ang pagkamatay ni Olivia ay nanumbalik sa dati ang lahat, naroon pa rin ang lungkot tuwing nadadaanan ang dating silid ng matanda pero mas pinili na lang ng lahat na tanggapin ito at umusad. Halos madurog ang puso naming lahat nang makita kung paano humagulhol ang kaisa-isang apo niya. Kung puwede lang na kunin ang sakit na nararamdaman niya no’ng mga oras na ‘yon ay gagawin ko. Kay higpit ng yakap niya sa urn ng kaniyang lola habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha. Kahit sina Carmina ay hindi mapigilang mapaiyak nang makita iyon. Matapos nito ay napagpasiyahang ilibing ang urn sa sementeryo na malapit lamang sa mansiyon. Kakaibang sakit at pangungulila ang nakita ko sa kanila. Ilang taon at ilang ulit ko nang nasaksihan ang ganitong pangyayari pero h

