Abala ang tatlong dalaga sa paghahanda ng pananghalian para sa kanilang amo. Sa tulong ni Cynthia at Celeste ay nagawa ni Caroline ang trabaho niya nang walang kahirap-hirap. Laking pasalamat niya dahil humingi siya ng tulong sa dalawa, dahil kung hindi ay isang malaking kahihiyan ang dadalhin niya kung sakaling tinuloy niya ang plano niya sanang lutuin, ang mahiwagang pancit canton. “Masarap ba ’yan?” nagdududang tanong niya sa dalawa. Katatapos lang nilang lutuin ang tinatawag nilang chicken curry at pork adobo. Hindi niya gusto ang amoy ng mga ito pero nakikita niya naman na mukhang masarap ang pagkakaluto. At dahil wala siyang kaide-ideya kung ano ang mga dapat gawin ay panandalian siyang naging utusan ng mga ito. Ramdam niya ang tuwa at excitement ni Celeste at Cynthia dahil sa pang

