37: Not Feeling Good

1592 Words

CAROLINE Sabay-sabay naming nilisan ang silid. Nangunguna ang mga Montenegro habang nasa likod lamang kami nakasunod. Walang palya ang pag-ikot ng mata ko tuwing nahahagip ng paningin ko si Emerald na panay ang lingkis sa braso ni Elexir. Hindi ba siya makakapaglakad nang hindi nakakapit sa kaniya? Kahit na nakakaramdam ako ng inis ay pinanitili ko pa rin ang mukha ko na walang emosyon. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa aking balikat saka ibinaling ang tingin sa iba. Hangga’t maaari ay iniiwasan kong mapalingon sa kanila. Ngunit kusang pumapaling ulo ka sa kanilang gawi, lalo na’t nasa unahan ko lamang sila. “Ayos ka lang? Selos na selos na ba?” Walang emosyong nilingon ko si Cynthia nang marinig ang kaniyang sinabi, buti na lang at medyo malayo ang iba sa amin kaya hindi nila nar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD