CAROLINE Hindi na ako nagsalita pa at itinuon na lamang ang atensyon sa labas. Malapit na kami sa main road kaya sinarado ko na ang bintana at pagod na isinandal ko ang ulo roon. Hindi pa man nangangalahati ang araw ay parang pagod na ang katawang lupa ko. Pagkausap pa lang ʼyan kay Elixir, ilang minute pa lang ang lumipas pero hanep din, parang gusto ko na lang magpahinga sa kuwarto. “Did you eat your breakfast,” untag muli nito sa akin. “Opo,” sagot ko kahit na hindi naman ako kumain. Narinig ko itong ngumisi. “I guess not, let’s eat first,” saad nito at binilisan na ang pagmamaneho. Tamang bilis lang ang kaniyang pagmamaneho nang makarating kami sa highway, laking pasasalamat ko na lang at hindi masyadong traffic kaya hindi kami mabuburyo ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Para k

