CAROLINE “Magandang umaga ho, sir,” tipid na bati ko kay Elexir. Hindi pa rin nawawala ang magandang ngiti nito kaya marahan akong tumungo. “Sige ho, mauna na ako sa labas.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito dahil mabilis ko na siyang tinalikuran. Nahuli ko pa ang naguguluhang tingin ni Bong na mukhang hinintay talaga ako. Nginitian ko lang siya at nauna nang lumabas patungo sa garahe. Nawala bigla ang antok na naramdaman ko, parang nabuhay bigla ang katawang lupa ko dahil kay Elexir. Puwede ko na siyang gawin na alarm clock. Narinig ko ang mabibilis na yabag ng mga papa papalapit sa akin kaya mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko dahil muntik na ito mahulog sa kamamadali. Maya-maya nga lang ay nakarating na ako sa garahe. Lu

