Chapter 36

1757 Words

HAJIE: NANGINGITI akong pinapanood ang mga kapatid kong tuwang-tuwa na naliligo dito sa malawak na swimming pool. Kahit naman kasi nakatira kami dito sa La Union at pangingisda ang trabaho ni tatay, hindi namin nararanasan ang magtungo ng resort at maligo sa mga swimming pool. Kapag gusto naming maligo sa dagat, malaya kaming magtungo ng dagat. Pero hindi sa parte na sakop ng mga resort dahil masisita kami ng may-ari at palalayasin pa kami. Tuwang-tuwa ang mga kapatid ko, lalo na ang mga bata na maranasang lumangoy sa malinaw na swimming pool. Idagdag pang kami lang ang tao dito kaya hindi crowded ang lugar. Maging sina nanay at tatay ay masayang nakikipagkulitan sa mga kapatid ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang kami nagkaroon ng gan'tong pagsasalo. Maging ang magkakasama kaming kakain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD