HAJIE: PAGDATING namin sa resort, ongoing pa ang renovation sa loob. Sinalubong naman kami ng tauhan nila JM na siyang nagma-manage at nagbabantay dito sa resort na pinapaayos nito. “Good morning, ma'am, sir, sa cottage po tayo,” salubong nito sa amin. Tinanguhan lang naman ito ni JM. “Rafa, this is my fiance, Hajie, and his family. Kapag gumagawi dito sila nanay at mga kapatid ni Hajie, treat them well, hmm? They are my family now. Kung paano niyo ako igalang na boss niyo, gano'n din kayo sa pamilya ng mapapangasawa ko, keep that on your mind, okay?” wika ni JM dito na ngumiting tumango at saka humarap sa pamilya ko. “Magandang umaga po, ma'am, sir, ako po si Rafael, ang nagma-manage dito sa resort.” Pagbati niya sa aking pamilya. Napangiti naman ang pamilya ko dito na yumuko pa

