Chapter 14

1504 Words
HAJIE: NANGUNOTNOO ako na maramdaman ang humahalik-halik sa buong mukha ko, maging sa aking mga labi. Napangiti ako na dahan-dahang nagdilat ng mga mata. Sa nanlalabo kong paningin, unang bumungad ang malaanghel sa ganda na mukha ng mahal ko. “Good morning, handsome. Ang sarap ng tulog natin ah,” malambing at nanunudyong saad nito na nag-smack kiss pa sa mga labi ko. Mahina akong natawa na kumapit sa baywang nito at nakadapa siya sa ibabaw ko. Napasulyap ako sa katawan nito at nangunotnoo na mapansing nakadamit na ito. Maging ako ay hindi naman ako nakahubad. “Kailan tayo nagbihis, love?” nagtataka kong tanong dahil ang natatandaan ko, natulog kami na pareho kaming hubad na natulog. Napahagikhik ito na napisil ang ilong. “Nakadamit naman talaga tayong natulog, love. Ano ba ang iniisip mo?” natatawa at nanunudyong tanong nito. Napalapat ako ng labi. Nag-init ang pisngi ko at hindi masalubong ang mga mata nito. Iniisip ko ang nangyari sa amin kagabi at saka lang unti-unting luminaw sa akin. . . na panaginip lang iyon! "Umamin ka nga. Did you dreamed of me last night, love?" nanunudyo niyang tanong na lalong ikinamula ng mukha ko. Napahagikhik ito na huling-huli niya ako. Bukod sa hindi ako marunong magkaila, kitang-kita sa mukha ko na tama siya. Napanaginipan ko siya kagabi at napaka-wild naming dalawa sa kama! "Ahem! Bumangon na tayo, love. Magandang umaga." Pag-iiba ko. Napahalakhak ito na sumubsob sa leeg ko. Natatawa ako na napayakap ditong nakapaibabaw pa rin sa akin. Ang sarap damhin ng kanyang kalambutan. Ang gaan niya at ang sarap niyang yakapin. "Sabihin mo na muna kung ano ang napanaginipan mo tungkol sa akin last night, love. Mukhang interesting e," aniya na mahinang ikinatawa ko. "Hwag na. Ito naman." Tugon ko na maingat pinagpalit ang aming pwesto. Napairit pa ito na pumaibabaw ako sa kanya at naramdaman ang katigasan kong lumapat sa kanya. Napatitig ako sa kanyang mga mata na nagniningning at parang nanghihipnotismo. "Ang ganda naman talaga ng girlfriend kong 'yan," aniko na napahaplos sa kanyang ulo. Nangingiti naman ito na nakatitig sa mga mata ko. "Do you like your girlfriend, handsome?" tanong niya na ikinatikhim kong hindi mapigilang mapangiti at pamulaan ng pisngi. "Naman, love. Gustong-gusto ko siya." Tugon ko at hindi na napigilang sakupin ang kanyang mga labing nakaawang. "Uhmm--" Lalo akong ginaganahan na napayakap ito sa batok ko at napaungol na tinugon ang halik ko. Bawat paghagod ng kanyang mga labi ay napakasarap damhin. Na para akong unti-unting umaangat sa kaulapan sa aming masuyo at malalim na halikan. Ayoko mang putulin ang malalim naming halikan, pinakawalan ko na ang mga labi nito bago pa kami matangay sa init ng damdamin namin. Kapwa kami naghahabol hininga at mapupungay ang mga matang nagkatitigan. Ngumiti ako sa kanya. Hinagkan siya sa noo na ikinangiti nito. "Bangon na tayo, love. Baka ma-traffic ako e." Saad ko. Napanguso pa ito na kitang ayaw niya pang bumangon. "Carry me, love." Paglalambing nito. Natawa ako. Bumangon na at pinagbigyan ito. Tumayo siya sa kama at saka nagpakarga sa akin. Napaungol pa ako na maramdaman ang hinaharap niya. Kaagad itong yumapos sa batok ko habang ang mga binti niya ay yumapos sa baywang ko. Napasapo ako sa bilugan niyang pang-upo at hinayaan lang itong hinahalik halikan ako sa buong mukha habang naglalakad ako palabas ng silid. "Ang pilya mo, love," naiiling saad ko na sumubsob siya sa leeg ko at sinipsip ang balat ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapapisil sa bilugang pang-upo nitong sapo-sapo ko para maalalayan ko siyang nakalambitin sa akin. Napahagikhik naman ito na pinakawalan ang leeg ko. Napatitig pa siya doon na nangingiti. Tiyak na may naiwan na namang kiss mark niya doon. Mas mahilig pa nga siyang maglagay ng kiss mark sa akin kesa ako na lalake. "Why? Akin ka naman e." Aniya na napakalagkit ng tingin sa akin. Maingat ko itong pinaupo sa gilid ng countertop. Napanguso pa ito kaya nag-smack kiss ako sa nakatulis niyang nguso. "Magluluto lang ako, hmm? Mabilis lang 'to, love. Dito ka na muna." Saad ko na hinagkan ito sa noo. "Hindi ba pwedeng ako na lang ang agahan mo, love?" makahulugang tanong nitong ikinaubo ko at nasamid sa kanyang tinuran! Napahalakhak pa ito na napainom ako ng tubig sa sinaad niya kahit biro lang iyon! "Pwede naman, love. Bakit, magpapakain ka ba?" balik tudyo ko ditong napairit na pinamulaan ng pisngi. Natatawa at iling akong nagsuot ng apron at nagsimulang ihanda ang agahan namin. "Gusto mo ba?" tanong nito habang nagpiprito ako ng hotdog at itlog. "Ha? Gusto ko ang alin?" tanong ko na napasulyap ditong napalapat ng labi at kakaiba ang kinang sa mga mata. Pinaningkitan ko ito. Kahit kasi hindi niya linawin, nababasa ko na sa mga mata niya na may kalokohan siyang naiisip. "Why? Nagtatanong lang naman ako a. Kasi, if you ask me, my answer is yes. I want it too, love." Aniya. "Puro ka kalokohan. Alam mo, gutom lang 'yan, love." Naiiling sagot ko dito na natawa. "I want to eat your giant hotdog, Hajie." Aniya na ikinaubo ko! Malutong itong napahalakhak na nasamid ako sa kanyang tinuran! Nilingon ko ito na pinaningkitan tatawa-tawa. "Kaya mo bang kainin, hmm?" balik tudyo ko dito. "Oo naman. Make sure na masarap ha?" sagot nito na may makahulugang ngiti sa mga labi. "Aling hotdog ko ba ang tinutukoy mo, love?" tanong ko na bumaling ako sa niluluto ko. "Ikaw, anong hotdog ba ang gusto mong ipakain sa akin, love?" palabang sagot nito na sinasadyang palandihin ang boses. "Kakainin mo ba kahit anong hotdog?" "Aha. Basta hotdog mo, Hajie. Kakainin ko 'yan." Nagkatawanan kaming dalawa na alam namin pareho na may ibang kahulugan ang aming pinag-uusapan. MATAPOS naming mag-agahan, gumayak na rin ako dahil may klase ako ngayong araw. Papasok rin si JM sa restaurant at siya ang nagma-manage ng NM's restaurant nila na pagmamay-ari ng ama nito. "So paano, kita na lang tayo mamayang hapon, love?" wika ko. Nandito na kasi kami sa tapat ng university ko. Inihatid niya ako at madadaanan niya ang university ko patungo sa restaurant. "Let's have lunch later? Ano'ng oras ang lunch break mo, love?" tanong nito. "Hwag na, love. Alauna na ang break ko mamaya. Ayokong malipasan ka ng gutom," sagot ko dito na umiling. "No, I will fetch you later, hmm?" pinal nitong saad na ikinatango ko na lamang. "Sige, ikaw ang bahala, love. Mag-iingat ka." Sagot ko na sinalubong ang kanyang mga labi. Napangiti ako na humawak pa siya sa batok ko at tinugon ang aking halik. "I will, you too, hmm? Pagbutihin mo, love." Aniya na ikinatango kong humalik sa noo nito. Pagkababa ko sa kotse nito, nagbusina naman ito bago umalis. Hanggang mawala na siya sa paningin ko saka ako pumasok ng university namin. Magmula nang maging official kami ni JM, mas gumaan na ang lahat sa akin. Kahit nga ang pag-aaral ko, mas natututukan ko na ngayon dahil wala akong ibang inaalala, lalo na sa financial needs ko. Nahihiya ako kay JM dahil maski sa groceries namin, siya ang gumagastos. Pero sa ngayon, wala pa akong maiabot na pera sa kanya. Dahil hindi na rin ako pumapasok ng bar. "Hajie, okay ka lang?" Napakurap-kurap ako na nanumbalik ang naglalakbay kong diwa sa pagtapik ni Shirley sa balikat ko. "Ahem! O-oo naman. May iniisip lang," sagot ko na tumuwid sa pagkakaupo at pinilit mag-focus sa lesson namin. "Uhm, Haj, hindi na kita napapansin sa bar a. Hindi ka na ba nagtatrabaho doon?" pabulong tanong nito. Classmate ko si Shirley at pagmamay-ari din nila ang bar na pinapasukan ko. Siya pa nga ang tumulong sa akin para makapasok ako doon dahil wala akong work experience at hindi pa graduate. Pero dahil pagmamay-ari nila ang bar, mabilis akong natanggap doon. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto sa akin si Shirley. Kahit na pinapakita ko sa kanya na wala akong interes sa kanya, heto siya at pilit pa ring dumidikit sa akin. "A, oo. Hindi na nga. Pasensiya ka na nga pala at hindi ako nakapagpaalam sa'yo." Saad ko na ikinatango nitong pilit ngumiti sa akin. "Saan ka nga pala ngayon niya'n? Dumaan ako sa apartment mo pero ang sabi, hindi ka na raw nakatira doon." Pag-uusisa pa nito. Napahinga ako ng malalim na sa harapan nakatuon ang paningin. "Lumipat na ako. Noong nakaraang pa." Sagot ko na hindi ito nililingon. Nakatitig lang naman ito sa akin. Maya pa'y napasilip siya sa panga ko at namilog ang mga mata! "H-hajie, may g-girlfriend ka na ba?" pabulong tanong nito na ikinatikhim kong naalala ang nilagay na kiss mark ni JM kanina sa leeg ko. Napahaplos ako sa panga ko na pasimpleng tinakpan ang kiss mark ko. Ang JM na 'yon naman kasi e. Ang hilig maglagay ng kiss mark kahit sa leeg at panga ko. "Ahem! Wala naman sigurong kaso kung magka-girlfriend ako, 'di ba? Single naman kami pareho e. Saka, mamaya na tayo mag-usap, Shirley. Hindi ko na maintindihan si prof na ang ingay mo," sagot ko ditong napalunok at natigilan. "S-sorry."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD