Chapter 15

1529 Words
JEN: NANGINGITI akong nagmaneho patungo sa restaurant matapos ihatid si Hajie sa university niya. It's been a week since I hired him as my rented boyfriend, at masaya ako dahil kung ano ang pagkakakilatis ko sa kanya noong una? Gano'n pa rin siya until now. He didn't change. “Hello, ma'am, good morning!” I smiled and nodded to my staff as they're great me when I entered the restaurant. Minsanan lang ako dumalaw dito sa restaurant dahil may katiwala naman ako ditong manager namin. “JM, good that you are here,” he greeted me with a sweet smile. Tipid akong ngumiti na bumeso dito. “Hi, kumusta dito, Eric?” I asked him. Sinamahan naman niya akong sumakay ng elevator at umakyat kami ng third floor kung nasaan ang opisina ko. “Well, everything is fine, JM, don't worry about the restaurant. Teka, are you okay? Maayos ka na ba? I heard the news about you and Arman,” aniya habang nakasakay kami mg elevator. I took a deep sight and forced my smile. “Of course, I am okay, Eric. Alangan namang magmumukmok ako sa silid, magwawalwal at iiyakan siya? Hell no. There's a lot of cute guy around me noh?” I replied that makes him laughed. "You're right, JM. Hindi ang katulad ni Arman ang iiyakan mo. Hindi siya kawalan sa'yo at. . . hindi rin naman kayo bagay. He's too ugly for you," natatawang pagsang-ayon nitong mahinang ikinatawa kong pabirong nahampas ito sa braso na natawa. "Ang bad mo do'n pero tama ka," natatawang sagot ko na ikinatawa nito. Pagpasok namin ng opisina, nagtimpla na muna ito ng kape. Naupo naman na ako sa swivel chair ko and I opened my laptop. I pouted my lips and stared at my profile. "Jeez. What kind of craziness is this, Jen?" I scolded myself. Naiiling akong pinalitan ang profile ko sa laptop dahil larawan namin iyon ni Arman. Ipinalit ko na lamang ang solo picture ko at binura na rin lahat ng pictures namin ni Arman sa laptop maging sa social media ko. "Your coffee, my dear boss." Wika nito na ikinangiti ko. "Thanks, Eric. Have a sit. May ichichika ako sa'yo," I answered while deleting all my pictures with Arman. "Ay! Bet ko 'yan!" impit nitong irit na kaagad naupo sa tabi ko. I softly chuckled and shook my head. Lumabas bigla ang pagiging pusong babae niya. Eric is my best friend too. Siya rin ang manager ko dito sa restaurant na ipinamana ng daddy sa akin. "Dali na, bestie! What is it, hmm?" kinikilig nitong untag na ikinailing ko. "Pagdating talaga sa chismis e gising na gising ka, noh?" natatawa kong saad na napasimsim sa kape ko. Napapilantik pa ito ng mga daliri. Saka lang kasi ito malayang nagbabakli baklitaan kapag kaming dalawa lang. Wala pang may alam sa totoong gender niya. Sa harapan ng iba, lalakeng lalake siya umarte lalo na sa harapan ng pamilya niya. Ako pa lang kasi ang nakakaalam na baklita ito. "Naman, that's part of our life na, bestie. Dali na, ano ang chika mo, hmm?" wika nito na tutok na tutok sa akin. Napakurap-kurap pa siya na nagpapa-cute at bakas ang kasabikan sa mga mata nito na malaman ang ibabalita ko. Baklitang 'to hmfpt. "Ito na nga," paninimula ko na napangiti na inaalala ang baby boy ko. "A few days ago, I met a cute and hot boy. He's pure, innocent and of course, he's incredibly handsome." I shook my head, a playful smile playing on my lips. Nakamata naman ito sa akin. Nagniningning ang mga mata at halatang kinikilig ang loka. "The first time our eyes met, I couldn't explain how I felt. Alam mo 'yon? 'Yong parang hindi na ikaw ang nagdedesisyon sa lahat kundi. . . kusang sarili mo na ang nagdedesisyon. Mabuti na lang, hindi mapagsamantalang tao ang lalakeng ito. Alam mo 'yong-- I'm willing to give him my whole world but. . . he refused it. He wants me to think about it. Na hwag akong magpadalos-dalos sa mga desisyon ko. Nakakatuwa nga e. He's younger than me pero-- mas matured siyang mag-isip kaysa sa akin. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko, ligtas ako. Komportable ako kahit kaming dalawa lang. There are times na ako na ang nagbibigay motibo na may gawin kami pero. . . hindi niya ako sinusunggaban." Pagkukwento ko. Napairit naman ito na mahina akong hinila sa buhok na ikinatawa ko. "My gosh, bestie. You're falling in love with that guy. Kailan lang noong naglalasing ka kasi iniwan ka ng boylet mo e. Baka naman mamaya. . . ginagamit mo siya para makalimutan 'yong Arman na 'yon ha? Kawawa naman 'yong tao. Mukha namang mabait ang guy na 'to. He doesn't deserve to become a rebound only." Wika nito na ikinanguso ko. "Hindi ko naman siya ginagawang rebound lang, bestie. Alam ko sa sarili ko, gusto ko si Hajie. Alam mo 'yon? Bawat sandaling kasama ko siya, pakiramdam ko, I'm falling deeper. Basta, masaya ako at komportable sa tabi niya. I want him to stay beside me, not just for now but. . . until last. Gosh, hindi ko yata kakayanin na may ibang babaeng makakakuha o aaligid pa sa kanya. Iisipin ko pa lang na may manglalandi kay Hajie? Parang sasabog na ako sa galit. Gusto ko siyang ipagdamot. Gusto ko. . . akin lang siya, bestie." Wika ko na ikinailing nitong ginagap ang kamay ko. Napatitig ako dito na pilit ngumiti at bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata niya. "JM, you know that I'm always at your side, right?" aniya na ikinatango ko. "Don't be too possessive. Unless, may relasyon na kayo ng lalakeng ito. Isa pa, give him freedom. Hwag mo siyang ikulong sa mundo mo. Lalo na kung hindi siya komportable sa mundong ginagalawan mo. Alamin mo rin ang mga gusto niya, hwag puro mga gusto mo ang nasusunod, okay?" anito na bakas ang kaseryosohan. I pouted my lips and nodded. "Tama ka, bestie. Dapat alamin ko rin ang mga gusto niya. Hindi pwedeng ako lang ang ma-inlove sa aming dalawa. Dapat siya rin. Dapat ma-inlove din siya sa akin para manatili siya sa tabi ko na masaya kami pareho sa isa't-isa." Pagsang-ayon ko. Napangiti naman ito. "That's right, bestie. Hwag puro sarili mo, hmm? Mas masaya ang isang relasyon. . . kung malaki ang respeto at tiwala niyo sa isa't-isa. Balanse lang dapat ang mga bagay-bagay sa pagitan niyo. Listen and respect his opinion too. Mahalin mo rin ang mga mahal niya sa buhay, lalo na ang pamilya niya. Hwag mong dinadaan ang lahat sa material na bagay. Mas mainam pa rin. . . na mapalapit ka sa pamilya niya at magustuhan ka nila para sa kanya." Pagpapayo pa nito. Napangiti ako na naiisip ang baby boy ko. Gosh, ilang oras pa lang akong nawawalay sa kanya pero. . . namimis ko na kaagad ito. Kung wala lang siyang pinaghahandaang exam, iistorbohin ko 'yon. "Gosh, JM. Curious tuloy ako kung sino ang new boylet mo. Mukhang maiibigan ko rin ito--aah, gaga 'to!" natatawang daing nito na pabiro ko siyang sinabunutan. "Ayusin mo 'yan, bestie. Maiibigan mo?" Natawa ito na nakurot ako. "Ano ka ba? Ang possessive ha? Para namang aagawan kita. Ang ibig ko lang namang sabihin, maiibigan ko siya-- para sa'yo." Pagkaklaro nito. Napangiti ako na napatikhim at napasimsim sa kape ko. "Mainam nang malinaw, bestie. Aba. . . hindi ko na pakakawalan ang isang 'yon." Kindat ko ditong natawa at iling. "I want to meet that guy." "Soon, bestie. I will introduce you to my baby boy." Tugon ko na nakipag-toss ng mug dito. "I'm excited to meet that guy." Maarteng turan nitong ikinahagikhik namin at muling nag toss ng mug. PASADO alauna na nang umalis ako ng restaurant. Alauna kasi ang lunch break ni Hajie at susunduin ko pa siya sa school niya. Habang nagmamaneho, napapakanta at pilantik ang mga daliri ko. Nasasabik na makita ang boyfriend ko. Habang nasa daan, napasulyap ako sa cellphone ko na makitang nag-vibrate. Hindi ko na sana ito papasinin at nagmamaneho ako pero nag-ring na iyon at tumatawag na ang unwanted person. Nakakasira tuloy ng mood. "What?" malamig kong sagot. "Uhm, hi, J-jm. Do you have time? Can we talk?" ani nito na nauutal pang magsalita. I raised my eyebrow. Napangisi na napaikot ng mga mata. "I'm busy. I don't have time for this, okay? Bye--" "Let's have lunch together--" "Are you deaf? I said, I'm busy at pwede ba? Do not waste my time because you're not special to me anymore." Naiinis kong sagot na ibinaba na ang linya. Ang kapal ha? Matapos akong pagtaksilan, iwanan at ipagpalit, kung makaasta, akala mo kung sino. Naabuga ako ng hangin na ini-blocked na lamang ang number nito. Ayokong masira ang mood ko at katatagpuin ko ang baby boy ko. "There you are, my love." Usal ko na mamataan ang Hajie kong palabas na ng university. Binusinaan ko ito na napalingon sa gawi ko at napangiting kumaway. Napangiti na rin ako na nakamata sa kanyang tumawid ng pedestrian lane. Isang ngiti lang niya. . . gumanda na muli ang mood kong sinira ng Arman na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD