Chapter 12

1545 Words
HAJIE: “L-LOVE,” namamaos ang boses kong pigil sa kamay nitong akmang kakalasin ang butones ng polo ko. Mapupungay ang mga mata naming nagkatitigan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito at ibang-iba ang init na nadarama ko. Na parang naghahangad pa ng higit ang katawan ko, bagay na mahigpit kong pinipigilan. Nakainom kami pareho at alam ko, natatangay lang din siya. Ayokong kunin ang isang bagay na mahalaga sa kanya na wala naman kaming relasyon o label na matatawag. Oo nga't magkasintahan kami sa paningin ng iba pero– alam namin pareho, nirentahan niya lang ako para maipakita sa dating nobyo niya na kaya niya itong palitan. “A-ayaw mo ba? Don't you like it, love?” pabulong tanong nito na bakas ang pagtatampo. Napahinga ako ng malalim. Hinaplos siya sa ulo at magaang hinagkan sa noo. Napapikit naman ito na napangiti. Magaan ko siyang niyakap na niyakap din ako pabalik. “Gusto kitang ingatan, love. Nakainom tayo at ayokong magpatangay sa init na nadarama natin. Ikaw ang dehado sa ating dalawa kapag itutuloy natin ito. Alam mo ‘yan,” sagot ko na mas niyakap pa ito. Napaungol naman ito. Ilang segundo kaming nanatiling magkayakap na kinakalma ang sarili, bago kami kumalas sa isa't-isa. “Okay ka na, love?” tanong ko dito na tumangong ngumiti. “Yeah, how about you, love?” balik tanong nito. “Okay na. Tara, magpahinga na tayo, love.” Sagot ko na inakbayan itong yumapos sa baywang ko. “Let's sleep together ha?” malambing ungot pa nito habang paakyat kami ng hagdanan. “Sige, love.” Pagpasok namin ng silid niya, kumalas na ito sa akin. “Uhm, sa kabila na ako mag-shower, love. Babalik na lang ako mamaya, hmm?” wika ko ditong ngumiti at tango. “Okay, love.” Tugon nito na nag-smack kiss pa sa aking ikinamula ng pisngi ko. Nangingiti naman ito na napisil pa ako sa pisngi. “Why you're still shy, love? Hindi ka pa ba sanay sa akin?” nangingiti niyang tukso na lalong ikinainit ng mukha ko. “Ahem! Hindi lang kasi ako sanay sa gan'to, love. Alam mo namang hindi pa ako nakikipag relasyon,” sagot ko ditong napahagikhik na niyakap ako. “Yeah, I know. Ang cute lang, love. Virgin ang boyfriend ko,” natatawang sagot nitong ikinabungisngis ko. “Love naman e.” Reklamo ko ditong napahagikhik. NANGINGITI ako habang naliligo. Masaya ako dahil kahit rented boyfriend lang ako ni JM, ramdam kong komportable na siya sa akin. Heto nga at ang laki ng tiwala niya sa akin para pagkatiwalaan akong. . . magtabi kami sa kama. Napahaplos ako sa ibabang labi. Parang nakalapat pa ang labi ni JM sa akin. Ang tamis ng kanyang mga labi. Ang sarap nilang halikan. Malambot ang mga iyon at nakakaadik din ang mabango niyang hininga. Unang beses na nakipaghalikan ako at aminado akong-- gustong-gusto ko ang halik ni JM. Bukod sa napakaganda nito, napakatamis din ng kanyang mga labi. Halos hindi ko na nga pakawalan ang mga labi niya kanina e. Kung hindi ko lang iniisip na hindi kami totoong magkarelasyon, baka kung saan na kami humantong ngayon. Pagkatapos kong maligo at nagbihis ng pantulog, bumalik na ako sa silid ni JM at doon namin napagkasunduan na matulog. Kumatok na muna ako sa pintuan bago iyon binuksan. Pumasok na ako na makitang wala pa siya. Dinig din ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya tiyak kong naliligo pa ito. Naupo ako sa gilid ng kama niya at inabala na muna ang sarili sa cellphone ko. Kahit ang cellphone ko ay iba na. Pinalitan ni JM ng iPhone Pro na bagong release. Araw-araw kong tinatawagan ang pamilya ko sa probinsya. Inaalam ang sitwasyon nila at ang improvement ng bahay namin. "Is there a problem, love?" Napaangat ako ng tingin na marinig itong nagsalita. Hindi ko kasi namalayan na lumabas na pala siya ng banyo. Napalunok ako na pilit ngumiti sa kanya at nakasuot lang siya ng roba. Basa pa nga ang buhok niyang nababalot ng puting tuwalya. "Wala naman, love. Iniisip ko lang ang mga posibleng lumabas sa exam namin," sagot ko dito na tumango. Inabot niya ang moisturizer niya na nagpahid sa katawan habang nakaupo sa gilid ng kama sa harapan ko. "Siya nga pala, love. Paano kung mag-imbestiga 'yong mga kaibagan mo? Nabanggit mo sa kanila kanina na may pag-aari kaming fish market sa amin." Tanong ko na maalala ang tungkol doon. Napanguso naman ito. "Well, sa inyo naman talaga iyon, love. You have nothing to worry about." Sagot nito. Nangunotnoo akong napatitig dito. "Ha? Paano?" nagtataka kong tanong. Napakibit balikat naman ito. "Actually, surprise gift ko sana iyon sa parents mo, love. Binili ko 'yong fish market at ipina-renovate. Pero nakapangalan na iyon sa parents mo. I'm sorry, love. Hindi ko kaagad nasabi sa'yo ang tungkol doon. Alam ko naman kasing. . . hindi ka na naman papayag." Sagot nito na ikinalamlam ng mga mata kong nakamata dito. "Love, ang laking pera naman kasi no'n. Paano kapag naghiwalay na tayo? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo at ng ibang tao sa amin, 'di ba?" wika ko dito na ibinaba ang hawak na moisturizer at umusog ng pwesto sa harapan ko. Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Malamlam ang mga mata niya na diretsong nakatitig sa aking mga mata. "E 'di. . . hwag tayong maghiwalay, love. Pwede naman 'yon, right?" aniya na sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi. "A-ano?" utal at natulala kong tanong ditong mahinang natawa. Muli itong umusog ng pwesto kaya magkadikit na kami ngayon. Napalunok ako na bumilis ang t***k ng puso na sobrang lapit na nito sa akin. Nasasamyo ko na rin ang natural scents niya at ang shower gel na gamit niya na kay sarap samyuhin. "Kung inaalala mo pa rin ang sasabihin ng mga tao sa'yo, e 'di hwag mo akong hiwalayan, love. Let's stay like this. Dito ka lang sa tabi ko," nakangiting saad nito na ikinalunok ko. Parang lulukso sa sobrang saya ang puso ko sa mga sandaling ito. Lalo na't bakas sa mga mata niyang nagniningning ang kaseryosohan. "Paano kapag nagsawa ka na sa akin, love? Paano kapag may iba ka nang magustuhan?" magkasunod kong tanong dito. Huminga siyang malalim at ngumiti pa rin. Nanatiling hawak ang kamay ko. "Do you think that will happen, love?" makahulugan at nanunudyo niyang tanong. Gumapang ang init sa mukha ko na alanganing ngumiti sa kanya. "E. . . ikaw. Hindi naman natin masasabi ang mangyayari bukas e." Sagot ko. "Well, maybe you're right, love. We don't know what will happen tomorrow. Pero one thing I'm sure," aniya na ngumiting hinaplos ako sa ulo. "I won't leave you alone, love. Dito ka lang sa tabi ko." Napalapat ako ng labi at nagpipigil mapangiti sa kanyang tinuran. Aminado ako na nakadama ng kilig sa kanyang tinuran. Masaya ako dahil kahit mahirap lang ako, heto at gusto niya akong manatili sa tabi niya. Na wala siyang pakialam kung anoman ang isipin ng ibang tao kapag ako ang kasama niya. "Ahem! Tuyuhin ko na ang buhok mo, love. Inaantok na ako." Pag-iiba ko. Napangiti naman itong tumayo kasabay ko. Nagtungo kami sa vanity mirror nito at naupo siya sa silya. Inabot ko ang hairblower niya at nagsimulang tuyuin ang buhok niya. Nangingiti naman ito na pinagmamasdan ako sa salamin. Ilang beses ko na rin naman itong ginawa kaya gamay ko na. "Alam mo, love? Ikaw lang ang nakagawa sa akin niya'n," anito na ikinasulyap ko sa kanya sa salamin. "Talaga? Si Arman ba. . . hindi mo ipinapatuyo ang buhok mo sa kanya, love?" tanong ko dito na napangusong tumango. "Aha. He never did. Kung iisipin ko nga e, mas inalagaan ko pa siya kaysa ang inalagaan niya ako." Saad nito na napailing at bakas ang disappointment sa mga mata. "Nakakatawa, ano ba'ng nakita ko sa lalakeng iyon? He's not even worth it." Lihim akong napangiti sa kanyang tinuran. Ako man ay naitanong ko iyon sa sarili ko noong makita ko ang itsura ng dating kasintahan niya. Gwapo naman at matangkad pero-- typical look lang naman at tamang average lang ang itsura ni Arman. Malakas lang ang datingan niya dahil magara ang mga suot niya. Pero kung nakasimpleng shirt at sweatpants lang 'yon? Walang mapapalingong babae sa kanya. "Baka dahil minahal mo lang talaga, love. Gano'n naman daw kapag mahal mo e. Sa paningin mo, siya na ang the one at napakagwapo niya para sa'yo," sagot ko dito. "Eww, that's gross," maarteng turan nitong ikinatawa ko. "Ex mo 'yon, love." Tudyo ko ditong napataas ng kilay. "Yeah, ex. Isang pagkakamali na nagawa ko sa buhay ang mahalin siya." Tumatango-tangong pagsang-ayon nito. Itinabi ko ang hairblower nito matapos kong tuyuin ang buhok niya. Inabot naman nito ang hairbrush niya at nagsuklay. "Paano pala kung babalikan ka niya, love? Siguradong sinabi na ng mga kaibigan niya ang tungkol sa atin." Tanong ko ditong napanguso. "So what? Ang tanong. . . may babalikan pa ba siya, love?" makahulugang tanong nitong ikinalunok ko na mapatitig sa mga mata niya sa repleks'yon namin sa salamin. "Ipagdadamot mo naman ako, 'di ba?" "O-oo naman. H-hindi kita ibibigay sa kanya, love." Sagot ko na kusang lumabas sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD