Chapter 11

1632 Words
HAJIE: PINAPAKIRAMDAMAN ko ang mga kasama ko habang nandidito kami sa VIP room ni JM kasama ang mga barkada nito. Makulit, pilya at masayahin ang mga kaibigan nitong babae. Pero ang mga lalake, ramdam ko na minamaliit nila ako at hindi ko naman sila masisisi dahil barkada nila ang dating kasintahan ni JM. Mabuti na lang, hindi umaalis sa tabi ko si JM. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa o naiiba sa kanila dito. "So, what is your family business, dude? La Union ka, ibig bang sabihin, may beach resort kayo doon?" tanong ni Hades, ang nobyo ni Bea na ikakasal na din ngayong buwan. "Tamang-tama, we can go there for a short vacation." Hindi kaagad ako nakasagot at wala naman kaming beach resort sa La Union. Kahit nga ang dating bangka na ginagamit ni tatay sa pangingisda ay inutang pa namin iyon at paunti-unting hinuhulugan ni tatay hanggang mabayaran niya ng buo. "No, they don't have, Hades. But, I was planning to buy a resort there. Nagpapahanap na nga ako e." Pagsalo ni JM sa akin. Napatango-tango naman ang mga ito. Muli silang nagsalin ng shot sa mga baso namin. "Kung gano'n, ano ang family business niyo, dude?" tanong pa ng isa sa mga lalake. Kanina ko pa sila nahahalata na maya't-maya nila akong tinatanong ng mga personal na bagay at tungkol sa pamilya ko. Marahil ay iniisip nilang anak mayaman din ako katulad nila. . . o hinahanapan nila ako ng maaari nilang ibato sa akin o para mapagtawanan nila ako. Kahit hindi nila sabihin, ramdam ko at alam ko, ikinukumpara na nila ako kay Arman kung sino ang mas angat at mas nababagay kay JM sa aming dalawa ng kaibigan nila. "They own a fish market there." Sagot ni JM na ikinamilog ng mga mata kong muntik pa akong masamid na napalingon ditong napakindat lang sa akin! Napasinghap naman ang mga kasama namin. Nagkatinginan at nagulat sa nalaman. "That's nice. Ang mga magulang mo ba ang nagma-manage ng business niyo, dude?" muling tanong ng isa. "O-oo," tugon ko at kinalabit ako ni JM na sinenyasan akong sumakay na lamang. "Anyway, it's getting late, guys. We have to go. May pasok sa school si Hajie bukas at hindi ito pwedeng magpuyat," pamamaalam na ni JM na tumayong sinundan ko. "What? Pero maaga pa, JM." Reklamo pa ng mga kaibigan nitong babae. Bumeso na si JM sa kanila na napabusangot. "Yeah, maaga pa. But my boyfriend is still a student. At may klase siya bukas. Kaya we need to go na, hmm?" tugon ni JM sa mga ito. Bumeso pa ang mga ito sa akin na kita ang pagtutol sa kanilang mga mata na aalis na kami. Mabuti nga at nakaramdam si JM na naiilang ako sa mga lalakeng kasama namin. Daig ba naman ang mga reporter kung makausisa sa buhay ko at sa pamilya ko. "Goodnight, Haj, mag-iingat kayo." Pamamalaam ng mga babae sa akin. Ngumiti at tumango ako bilang tugon. Kahit ramdam kong hindi ako gusto ng mga lalake, nakipag-fist bumb ako sa kanila at maayos na nagpaalam sa kanilang lahat. HABANG nasa daan, tahimik kaming dalawa ni JM. Pasado alasonse na rin ng gabi. Ang bilis nga ng oras. Tatlong oras lang kami sa bar dahil may klase pa ako bukas. Sanay naman na ako sa puyatan pero hindi rin ako komportable kanina doon kaya sumang-ayon ako kay JM nang magpaalam na ito sa mga kaibigan niya na mauuna na kami. "Sorry ha?" pambabasag ko sa nakabibinging katahimikan sa pagitan namin habang pauwi kami sa condo niya. "Sorry for what, love?" tanong nito na kinuha ang isang kamay ko at pinagsalinop ang palad namin. Napangiti ako na marahang napapisil sa kamay nitong kay lambot at ang liit sa kamay ko. Parang kamay ng paslit ang kamay nito sa laki ng kamay ko. Ang sarap hawakan dahil bukod sa maliit lang ang kamay niya, malambot at mainit din iyon. "Kasi hindi ako nagmula sa mayamang pamilya. Tiyak na pinagtatawanan ka na nila na ako ang nobyo mo. Baka imbes na magselos 'yong ex boyfriend mo at magsisi na iniwan ka e. . . pagtatawanan ka pa nila na sa isang katulad ko ka napunta," sagot ko. "Hey, don't think that, love. Alam mo? Wala na akong pakialam kung ano ang isipin at sabihin nila. Lalo na 'yong mga barkada ni Arman. Kung sila Zoe lang naman, kabisado ko ang mga iyon and I'm pretty sure, hindi ka nila pinagtatawanan o kinukutya. They are my real friends. Hwag mo na lang pansinin sila Hades at hambog talaga ang mga iyon. Yeah, they are from a rich family, pero hanggang doon lang sila. They're not even working, duh? Umaasa lang din naman sila sa pera ng mga magulang nila e. Wala sila sa kalingkingan mo, love. Walang alam ang mga iyon sa buhay kundi gumimik at magyabang lang," saad nito na sumandal sa balikat ko habang hawak-hawak pa rin ang isang kamay ko. Napangiti ako sa kanyang tinuran. Kahit paano pala, may inilamang ako sa kanila. Talo lang nila ako pagdating sa pera pero-- kung diskarte sa buhay at pagiging mabuting tao, masasabi kong lamang ako sa kanila. "Salamat ha?" "Thank you for?" tanong nito na nanatiling nakasandal sa akin. "Kasi hindi mo ako pinabayaan doon kanina. Alam ko namang hindi ako gusto ng mga lalake doon kanina e. Salamat dahil hindi mo ako pinabayaan, love," sagot ko. Napahinga siya ng malalim na napapisil sa kamay ko. "Wala iyon, love. Hindi ko rin naman talaga masasabing kaibigan ko sila Hades e. Pagpasensiyahan mo na rin sila dahil mayayabang at hambog talaga sila kahit wala naman silang ibubuga," sagot nitong ikinangiti ko. PAGDATING namin sa condominium nito, nauna akong bumaba at pinagbuksan ito ng pintuan. Napangiti naman itong inabot ang kamay ko na inalalayan ko siya. "Gosh, kanina pa kita gustong yakapin nang gan'to, love." Pabulong usal nito na niyakap akong ikinalunok ko. Bumilis ang t***k ng puso ko na kusang yumapos ang braso ko sa baywang niya at niyakap siya pabalik na napaungol. "Okay ka lang ba, love?" tanong ko habang magkayakap kaming dalawa dito sa parking lot. "Yeah, I am. Ikaw, are you okay, love?" balik tanong nito na tumingala sa akin. Ngumiti ako na sinalubong ang mga mata niya. Pareho kaming nakainom pero alam pa naman namin ang mga ginagawa at sinasabi namin. Hindi ako malakas uminom kaya kino-control ko ang shot ko kanina at magmamaneho pa ako. Kaya sa aming dalawa ni JM, ito ang mas maraming nainom. Sinasalo niya kasi ang shot ko kapag hindi nakatingin ang mga kasama namin. "Oo naman, love. Kasama kita e. Tayong dalawa na lang ulit kaya komportable na ako at palagay ang loob ko," sagot ko na bahagyang yumuko at pinagbundol ang tuktok ng ilong naming ikinahagikhik naman nito. "Tara na." "Okay." Tugon nito na yumakap sa akin. Napaakbay ako sa kanya at ako na rin ang nagdala ng purse nito habang paakyat kami sa condo nito. Sa kanila ang condominium building na ito. Sinabi niya iyon sa akin nang lumipat na ako dito sa condo niya. Nalaman ko na rin kung sino siya at saang angkan siya nagmula. Noong una, hindi mag-sink-in sa utak ko ang mga nalaman. Pero unti-unti, natanggap ko rin at naintindihan. Kaya naman pala parang barya lang sa kanya ang mga ibinibigay sa akin at sa pamilya ko, dahil barya nga lang naman sa kanya ang milyon. Isa pala siyang heredera mula sa angkan ng top 10 richest family dito sa bansa! Sa angkan ng mga Madrigal! Nalulula nga ako habang binabasa ang tungkol sa kanilang mga negosyo. Hindi lang corporation, shipping airlines, hotel, condominium, restaurant, mall at hospital ang meron sila. Meron din silang mga naglalawakang hacienda mula Luzon hanggang Mindanao! Ayon naman sa mga nalaman kong feedback ng mga tao sa kanilang pamilya, mabait ang pamilya Madrigal. Kabilang sila sa mga mayayamang down to earth dito sa bansa. Pero kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko pa nakakasalamuha ang angkan nito. Nakwento naman na ni JM sa akin na bunso siya at nasa lima silang magkakapatid. Ang dalawa sa mga nakatatandang kapatid niya ay may pamilya na. Sila na lang ng dalawang kuya niyang kambal ang hindi pa nag-aasawa. Nakita ko na rin sa picture ang larawan ng pamilya niya at aminado ako na napakagwapo at napakaganda ng pamilya niya. Nakakahiyang. . . tumabi sa kanila. "Love, I want to sleep with you tonight. Can we?" malambing ungot nito pagpasok namin ng condo. Napalunok ako. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Natutulog siya dito pero hindi kami nagtatabi sa pagtulog lalo na sa gabi. "Please?" ungot nito na napapangusong nakatingala sa akin at nangungusap ang itsura. Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko. Yumapos sa baywang niya na ikinasinghap niyang napaawang ng labi na nakatingala sa akin. Yumuko ako bahagya para mailapit ang mukha ko ditong nakatingala sa akin. "Okay lang naman sa akin pero-- lalake pa rin ako, love. Magagalit ang mga magulang mo nito na magtatabi tayo sa pagtulog," pabulong wika ko ditong yumapos sa batok kong ikinalunok ko. "Wala naman sila dito a. If it's okay with you, then we have no problem, love. Let's sleep together, hmm? I want to cuddle with you all night long," malambing saad nito na tuluyang inabot ang mga labi ko! Nanigas ako na napapisil sa baywang niya. Dahan-dahang naipikit ang mga mata at ninanamnam ang masuyo niyang halik! Ilang beses na rin naman siyang nagi-smack kiss sa akin. Pero smack kiss lang iyon. Hindi katulad ngayon. . . na matatawag na talagang halik ang iginagawad nito! "Kiss me back, love. Don't be afraid," anas nito na muling inabot ang mga labi ko. "Bahala na." Usal ko sa isipan na humawak sa batok nito at buong pagmamahal na tinugon ang masuyo niyang halik!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD