JOEY:
NANGUNOTNOO ako na maramdaman ang mabigat na bagay na nakapulupot sa baywang ko. Ramdam ko pa ang mainit na hangin na tumatama sa batok ko.
"Uhghh."
Mahina akong napaungol na tumihaya sa pagkakahiga. Ramdam ko ang pangangalay ng katawan ko na nakatagilid ako ng pagkakahiga sa buong magdamag.
"Lorenzo?" mahinang pagtawag ko na maramdaman ang nakayakap sa akin.
Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata. Nakusot-kusot ko ang mga mata ko at baka naduduling o namamalikmata ako sa nakikita na hindi ang nobyo ko ang katabi ko sa kama pero-- hindi ako namamalikmata!
"Anak ng tokwa--" usal ko na natigilan na unti-unting luminaw sa memorya ko ang mga kaganapan kahapon sa simbahan!
Napasapo ako sa ulo. Napapikit na humingang malalim. Damn it. Sino ba ang Ryder na 'to? Bakit niya sinasabi na kami ang tunay na magkarelasyon? Nakakainis. Malinaw sa akin na nagkakamali siya. Pero hindi ko naman maipilit iyon sa kanya dahil naniniwala siyang ako si Sydney at girlfriend niya ako.
Napabuga ako ng hangin na kinalma na muna ang sarili. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit sa kanya. Kidnaping itong ginawa niya sa akin. Dapat inaaway ko siya. Dapat gumagawa ako ng paraan para makatakas dito sa kung saan niya ako dinala. Pero heto at. . . tila walang kaplano-plano ang katawan ko na lumayo sa kanya.
Nilingon ko ito na payapang nahihimbing sa tabi ko. Ngayon ko lang siya natitigan nang maigi at malapit dahil inaaway ko siya kagabi. Pero ngayon na maliwanag na at natutulog pa naman ito, malaya ko siyang natititigan. Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko na matitigan kung gaano siya kagwapo. Napakagwapo niya at ang tangos din ng kanyang ilong.
"Kamukha ko kaya ang girlfriend niya kaya gano'n na lamang ang paniniwala niyang ako si Sydney? Imposibleng ako ang babaeng iyon. Lumaki akong ako si Joey. Kaya malabo na ako ang babaeng tinutukoy nito." Usal ko sa isipan na hindi namamalayang. . . hinahaplos ko na pala siya sa pisngi!
Para akong napapaso na kaagad binawi ang kamay at natauhan sa aking ginagawa!
"Gosh! Ano ba'ng nangyayari sa akin?" impit kong irit sa isipan na kinakastiguhan ang sarili!
Mariin kong nakagat ang ibabang labi. Napatitig ditong muli at heto na naman ang kamay kong tila may sariling pag-iisip! Akmang dadapo sana ang palad ko sa kanyang pisngi nang gumalaw ito! Namilog ang mga mata ko na kaagad nagbawi ng kamay at nagkunwaring natutulog pa bago niya pa ako mahuling pinagmamasdan ko siya!
Parang lulukso ang puso ko palabas sa ribcage nito nang tuluyan siyang nagising at ramdam kong nakatitig siya sa akin. Umayos pa ito sa pagkakahiga paharap sa akin at napahalik sa noo ko! Halos hindi ako humihinga na mariin siyang humalik sa noo ko at maging sa aking mga labi!
"Good morning, baby. I thought I was just dreaming last night that you are here-- with me. Ang sarap namang gumising na ikaw ang unang bubungad sa paningin ko, baby." Malambing niyang saad na napakalalim at sexy ng baritonong boses nito.
Gusto kong kiligin sa mga narinig mula sa kanya, lalo na sa pa-morning great at kiss niya. Pero nang sumagi sa isipan ko na iniisip niyang ako si Sydney, kaagad napalis ang kilig na nadama ko. Hindi ako ang babaeng iyon. Which only mean one thing. Hindi para sa akin ang pagbati at halik niya, lalo na ang mga sinabi niya.
Napamura ako sa isipan na humaplos ito sa pisngi ko at dama ang mainit at mabango niyang paghinga na tumatama sa mukha ko. Kahit hindi ako magdilat ng mga mata, alam ko, ramdam ko, nakatitig siya sa akin at magkalapit lang ang mukha namin!
Tumatagos sa puso ko ang matiim niyang pagtitig lalo na't humahaplos siya sa pisngi ko. Tiyak na tuwang-tuwa ito na sa isip ay kasama na niya ang babaeng mahal niya. Pero ang problema, hindi naman kasi ako ang nobya niya.
Napakalaking gulo nitong pinasok namin. Kapag napatunayan ko na sa kanya na hindi ako ang babaeng iyon, ano'ng gagawin niya sa akin? Palalayain niya na kaya ako? O baka naman papatayin niya ako?!
Paano si Lorenzo? Ang kasal namin. Ang scandal na kinakaharap nito ngayon? Baka mamaya ay wala na akong Lorenzo na mababalikan, kung sakali man at makaalis na ako dito sa poder ng Ryder na ito. Hindi na nga boto sa akin ang mommy ni Lorenzo e, dumagdag pa ang Ryder na ito. Baka mamaya ay iniisip na ng matandang iyon na kasabwat ko at lalake ko talaga ang Ryder na ito. Na sinadya kong ipahiya si Lorenzo sa araw mismo ng kasal namin!
"Baby, are you awake?" malambing tanong nito.
Hindi ako sumagot. Pero dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata at sinalubong ang mga mata niya. Ngumiti ito na nanatiling nakasapo sa pisngi ko ang palad. He's gently caressing my cheek. Nagniningning din ang kanyang mga mata at napakaamo na ng mga iyon ngayon. Mababakasan na ng kinang at halo-halong emosyon.
"Good morning, baby. Do you want breakfast in bed? O sa balcony na lang tayo mag-agahan?" alok nito na nakangiti sa akin.
Napatitig ako sa kanya. Para akong nasa magandang panaginip sa mga sandaling ito. Isang napakagwapong lalake ba naman ang katabi ko ngayon sa kama at ngayo'y inaalok pa ako ng agahan. Pero kahit anong gwapo niya, hindi ko maramdaman ang kilig at saya dahil alam ko naman na hindi ako ang babaeng mahal niya.
"Hindi ako gutom." Malamig kong sagot at inalis ang kamay niyang nakasapo sa pisngi ko.
Napalis ang ngiti niya. Lumamlam ang kanyang mga mata at dumaan ang kirot at pagkabigo sa mga iyon. Para naman akong kinurot sa puso na makitang nasaktan ko siya. Pero mainam na iyon. Hindi ako pwedeng makipaglapit sa kanya at hayaan lang siya dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang babaeng hinahanap niya.
Bumangon ako sa kama. Saka ko lang napansin na naka-gown pa rin pala ako. Ang bigat pa naman ng wedding gown na suot ko at ang laki nito. Nagtungo ako sa balcony. Nakasarado pa ang sliding glass door dito pero malinaw ko nang natatanaw ang kulay asul at pinong puting buhangin sa labas nitong bahay.
Napangiti ako at nakadama ng excitement na lumabas. Binuksan ko ang sliding glass door at sumalubong sa akin ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Napapikit ako na napangiti at ang sarap damhin ng hangin. Lumabas ako na napahawak sa railings. Ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin at ang katamtamang sikat ng araw sa umaga na kay sarap sa balat.
Kahit may kalayuan ako sa pampang, naririnig ko pa ang bawat paghampas ng mga alon. Tahimik kasi ang buong lugar. Naririnig ang mga huni ng ibon at walang ibang ingay sa paligid. Payapa ang isip at puso mo at nakaka-relax ang ganda ng tanawin at katahimikan sa paligid.
"Baby, you can take a shower now. Para na rin makapagbihis ka. May mga damit kang nakahanda sa closet. You can use them para naman komportable ka sa suot mo," wika ni Ryder na nasa likuran ko.
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakapikit na ninanamnam ang hangin at sikat ng araw.
"Uhm, sa baba na muna ako. I'll just prepair our breakfast. Umuwi na muna kasi sila manang kaya wala tayong ibang kasama dito." Wika pa nito na hindi ako sumagot sa naunang sinabi niya.
Narinig ko namang napabuntong hininga siya ng malalim at 'di nagtagal, lumabas na ito ng silid. Nang maiwan na akong mag-isa, ako naman ang napabuntong hininga ng malalim. Kahit hindi ko ito hinarap nang kausapin ako, damang-dama ko ang lungkot sa kanyang boses nang magsalita siya. Parang may tumutusok sa puso ko na nasasaktan ito. Hindi ko tuloy maiwasang makadama ng guilt na sinusungitan ko siya.
Ilang minuto pa akong nanatili sa balcony bago napagpasyahang maligo na. Gusto ko na rin kasing magpalit ng damit. Tumuloy ako sa banyo at kaagad na hinubad ang suot kong gown. Hindi ito ang inaasahan ko sa araw na ito. Ito sana ang unang araw namin ni Lorenzo bilang mag-asawa pero. . . heto at naririto ako sa isang isla na walang ibang tao na makakatulong sa akin para makabalik sa mahal ko.
Ni hindi ko alam kung ano na ang mga nangyari sa simbahan kahapon pagkaalis namin. Hinahanap na kaya ako ni Lorenzo? Sila tita kaya? Hinahanap na kaya nila ako? Ni wala akong idea kung nasaan ako ngayon. Wala naman akong matanaw na kapitbahay namin kanina. Wala ding ibang tao dito kaya nakatitiyak akong pribado ang isla na kinaroroonan namin.
MATAPOS kong maligo at nagbihis, nagpasya na akong lumabas ng silid. Kaysa magmukmok ako sa silid ay mas pinili kong lumabas na lamang. Wala namang sinabi si Ryder na bawal akong lumabas e. Isa pa, hindi niya ako alipin dito para susundin ko kung anoman ang sabihin niya.
Pagkababa ko sa hagdanan, naigala ko ang paningin. Malawak ang bahay at nagsusumigaw sa karangyaan ang interior design nito at mga kagamitan. Wala pa akong kaalam-alam sa pagkatao ni Ryder. Pero sa mga nakikita ko, malakas ang kutob kong hindi siya basta-basta. Ni hindi ko nga namalayan kung paano kami nakarating dito sa isla. Dahil nakaidlip na ako kahapon sa haba ng byahe namin.
Mix white and gold ang kulay ng bahay. Mula sa pintura, sa tiles at mga kagamitan. Kumikinang ang gintong kulay nito na tila totoong mga ginto. May malali ding chandelier dito sa gitna ng maluwag na sala na lalong ikinaganda ng living room nito. May malaking flat screen TV din ang nakasabit sa wall at sa harapan nito ay may puting sofa set ang nakaayos. Sa gitna ay may center table na gawa sa salamin.
Napalinga ako at natanaw si Ryder na nasa dining room. Salamin kasi ang dingding sa pagitan ng living room at dining room nila kaya matatanaw dito sa sala ang mga tao sa kusina. Ayaw ko mang lumapit kay Ryder, wala din naman akong ibang pamimilian. Kumakalam na ang sikmura ko. Nagugutom na ako na kahapon pa ako hindi kumakain. Isang araw na akong walang kinakain kaya kahit ayokong makasama ang Ryder na ito, kailangan kong magtiis at pag-aralan kung paano makakaalis sa poder niya.
Napalingon ito sa akin nang pumasok ako ng dining. Ngumiti pa ito na sinenyasan akong maupo. Hindi ako umimik at sumunod. Naupo ako sa isang silya na naigala ang paningin dito sa dining room.
"Are you hungry now? Do you want coffee, baby?" tanong nito na abala sa niluluto.
"Ayoko ng kape. Sasakit lang ang tyan ko. Bilisan mo d'yan, gutom na ako." Malamig kong sagot.
"A'right, baby. Just a minute. Malapit na ito," sagot nito na balewala ang pagsusungit ko.
Napalingon ako sa kanya. Pinagmasdan siyang nagluluto. Kung hindi niya sana ako tinangay kahapon? Malamang ay gan'to din ang scenario na nakikita ko ngayon. Ang kaibahan lang, si Lorenzo sana ang kasama ko. Nakakainis. Nang dahil sa Ryder na ito, hindi natuloy ang kasal na minimithi ko!
"Sino ba itong Sydney na ito? Magkamukha ba talaga kami para tangayin ako ng Ryder na ito?"