Chapter 1
TPOV:
Nakangiting magkahawak kamay ang dalawang pares na ikakasal habang nasa loob sila ng simbahan.
"Meron bang tumututol--"
"Stop this fvcking wedding!"
Hindi pa man natatapos ang pari sa pagtatanong, may biglang sumulpot sa loob ng simbahan na nagpaputok pa ng baril kaya napasigaw ang mga tao at natakot!
Namimilog ang mga mata ng dalawang pares na ikakasal sana na napalingon sa lalakeng parang hari na naglakad ng red carpet patungo sa gawi nila sa harapan. Napahawak ang bride sa groom nitong yakap-yakap siya at pinoprotektahan sa lalakeng parating!
"You can't run-away from me, Sydney. You are mine. You know that, right?" wika ng lalake na ngumisi sa bride.
"S-siraulo ka ba? Hindi kita kilala!" nauutal at galit na asik ng bride ditong tumawa at nagsindi ng sigarilyo nito.
Natatakot ang lahat na tahimik na nagsiksikan sa sulok. Nakamata sa tatlong nasa harapan.
"Mamili ka, Sydney. Pasasabugin ko ang bungo ng lalakeng ito?" wika ng lalake na dahan-dahang itinaas ang kamay na may hawak na baril at initutok sa ulo ng groom! "O sasama ka sa akin, hmm?"
"J-joey, ano'ng ibig sabihin nito? B-baka mapatay niya ako. B-brad, ibaba mo iyan." Nauutal at takot na saad ng groom habang nakataas ang dalawang kamay.
"Hindi ko alam, Lorenzo. Hindi ko naman siya kilala e," tarantang sagot ng bride na naguguluhan sa mga nangyayari!
"Choose!"
"I-ito na, sasama na! Hwag mo siyang papatayin!" bulalas at tarantang sagot ng bride dito na napangisi at naglahad ng kamay.
Naguguluhan man, inuna ng bride na iligtas ang buhay ng mahal nito. Nangangatal pa ang kamay niya na inabot ang kamay ng lalakeng nakalahad at nang mahawakan siya ng lalake, hinila na siya nito palabas na parang haring walang kahirap-hirap na kinuha ang bride!
Tulala at bagsak ang balikat ng groom na nakamata sa dalawang pares na palabas ng simbahan. Gusto man niyang habulin at pigilan ang lalakeng tumangay sa bride niya. . . pero heto at naiwan ang mga tauhan ng lalake na nakatutok ang baril sa kanilang lahat kaya wala silang magawa at hindi masundan ang dalawang pares!
"Hop in."
Maawtoridad na utos ng binata sa bride pagdating nila sa harapan ng isang black Bugatti na nakaparada sa harapan ng simbahan.
Hindi pa man nakakasagot ang bride, ang lalake na ang kumaladkad sa kanya na sapilitan siyang isinakay sa Bugatti nito! Mabilis din itong umikot sa harapan at sumakay sa driver side. Ilang segundo lang, nasa kahabaan na sila ng daan at naiwang gulong-gulo ang bride sa mga nangyayari!
NAKAIDLIP si Joey sa haba ng byahe. Pangisi-ngisi naman si Ryder na panaka-nakang napapasulyap sa dalagang nakaidlip na rin sa wakas. At dahil nakaidlip na si Joey, madali lang na nailipat ito ni Ryder sa chopper nitong naghihintay sa kanila para mailayo ang dalaga sa syudad.
Magdidilim na nang makarating sila sa Smith's private island ni Ryder sa bahagi ng Occidental Mindoro. May mga kalapit ding isla ang katabi nila pero ang Smith's island ang pribado at pinakamalawak. Ito rin ang pinakamaganda sa lahat ng isla sa probinsya.
"Sleepyhead," bulong nito sa dalagang nahihimbing pa rin.
Maingat niya itong kinarga pababa ng chopper. Sinalubong naman sila ng mag-asawang caretaker sa buong isla. Nakangiti at magiliw na binati ang kanilang boss.
"Magandang gabi po, Sir Ryder. Sino po siya?" magalang at nakangiting tanong ni Aling Suzie na nanunudyo ang tingin at ngiti sa binata.
"Ahm, magandang gabi din po, manang, manong. Siya po si Sydney-- asawa ko po." Sagot ng binata sa mag-asawa na nagulat at nagkatinginan.
"Ikinasal na po kayo, sir?!"
Panabay na bulalas ng mag-asawa at napangiwi na mapansing naka-wedding gown nga naman ang dalagang karga-karga ng boss nila.
"Opo, bagong kasal lang po kami. Hwag na lang po kayong maingay ha? Hindi pa kasi alam nila daddy ang tungkol dito. Tutol po kasi sila na pakasalan ko ang girlfriend ko." Pagdadahilan ni Ryder sa mag-asawa na napatango-tango.
"Hwag po kayong mag-alala, sir. Hindi namin kayo pangungunahan. Tumuloy na po tayo at lumalamig na. Mahamugan pa si ma'am," wika ni Manong Ely na tinanguhan ng binata at sumunod na sa mag-asawa na nagtungo sa mansion.
Nangingiti ang binata na maingat inilapag sa kama ang dalagang nahihimbing. Ilang buwan rin niya itong ipinapahanap sa mga tauhan niya. Kaya nang mapag-alaman niyang ikakasal na ito ay kaagad niyang pinuntahan ang simbahan kung saan ikakasal ang dalaga at nobyo nito.
"Why did you deny me, Sydney? Sino ba ang lalakeng iyon para pakasalan mo? Ipagpapalit mo talaga ako sa kanya?" usal nito habang matiim na nakatitig sa dalaga.
Napahaplos siya sa pisngi nito. Kahit mas umiksi na ang buhok ng dalaga at mas nagmorena ang kulay, naniniwala siyang ang nobya niya ito. Dahil kahit magpagupit, magpamorena ng kulay at magpalit ng pangalan, kilalang kilala niya ang nobya niya. Alam niyang ito si Sydney.
"Uhmm."
Napaungol ang dalaga na maramdaman na may kamay na humahaplos sa pisngi niya. Tumatama rin sa mukha niya ang mainit at mabangong hininga ng lalake na nakadagan sa kanya.
Dahan-dahan itong nagdilat ng mga mata. Sa nanlalabong paningin, bumungad sa kanya ang napakagwapong mukha na puno ng lungkot at pangungulila ang mga matang nakatitig sa kanya. Napalunok ang dalaga na bumilis ang t***k ng puso na unti-unting luminaw sa memorya niya ang mga nangyari kaninang umaga sa simbahan!
"G-get off me." Kulang sa diin nitong utos saka itinulak ang binata na hindi manlang natinag.
"A-ano ba? Umalis ka nga d'yan. Napipisat ako sa bigat mo." Inis nitong turan sa binata na nanatiling nakadapa sa ibabaw niya.
Napalunok si Joey na sumilay ang pilyong ngisi sa mga labi nito. Bigla siyang binundol ng kakaibang kaba sa dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan!
"Hindi ba't you love it when I'm on your top, baby?" makahulugang tanong ni Ryder dito na napakurap-kurap.
"Ano? Nahihibang ka na ba talaga? Ano ba'ng tinira mo ha? Ang lakas ng tama mo e. Alis!" sikmat nito na buong lakas itinulak ang binata.
Natawa lang naman si Ryder na gumulong sa kama. Naiinis na bumangon si Joey na napalinga sa paligid. Napasapo ito sa ulo na makitang madilim na sa labas at nasa unfamiliar room sila.
"Nasaan tayo? Bakit mo ako dinala dito? Sino ka ba talaga at ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ginulo ang kasal ko ha?" magkakasunod na tanong ni Joey na problemado at nakalarawan ang inis sa magandang mukha.
Bumangon naman si Ryder. Naupo ito sa gilid ng kama. Pagod ang mga mata na napatitig sa dalaga. Hindi niya alam kung totoong hindi siya kilala nito o umaarte lang ang dalaga na hindi siya kilala.
"Cut the crap, Sydney. Are you doing this because you still believe that I cheated on you?" balik tanong ni Ryder dito.
Nilingon naman ito ng dalaga at sinamaan siya ng tingin. "Hwag mo akong ma-sydney Sydney because I'm not her! Ako si Joey! Joey Mondragon at kidnapping itong ginagawa mo!" galit na sigaw ng dalaga dito na tumayo at hinarap ang dalaga.
"Enough, Sydney. Hindi naman kita sasaktan at walang ibang tao dito so stop acting in front me. Wala kang mapapala sa pagpapanggap mo dahil kilala kita." Madiin at kalmadong sagot ni Ryder dito na nag-igting ang panga at malakas itong sinampal!
Nanginginig ang katawan ni Joey sa nagawa! Sa lakas kasi ng pagkakasampal niya sa binata, bumakat ang palad niya sa makinis at maputing kutis nito sa pisngi! Nangangatal ang kamay ni Ryder na napasapo sa pisngi niyang namanhid at unang beses na may sumampal!
Kahit natakot, pilit na pinatapang ni Joey ang itsura dahil gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Isa lang ang sigurado siya, nagsasabi siya ng totoo kaya wala siyang dapat ikatakot!
"I am not the woman you are looking for! Maling tao ang kinuha niyo so please, let me go!" galit na sigaw ni Joey sa boss ng mga lalakeng dumakip sa kanya sa araw mismo ng kasal niya!
Pero imbes na magulat, ngumisi lang si Ryder na magaang hinawakan ito sa leeg at sinuri ang mukha ng dalaga.
"You can't fool me, Sidney. Alam kong ikaw iyan. Kilalang kilala pa rin kita." Sagot ni Ryder dito na natawa at iling.
"Gago! Kung kilalang kilala mo talaga ang babaeng hinahanap mo, malalaman mong hindi siya ako!" sigaw ni Joey na pabalang inalis ang kamay nitong nakahawak sa kanyang leeg at pabalang iwinaksi.
Nagdadabog na nagtungo sa bintana si Joey. Lalo itong nanlumo na makitang dagat ang kaharap nila at wala silang ibang kalapit na bahay! Napasapo ito sa ulo na umikot ang paningin.
"Nakakainis! Ano ba'ng nangyayari?"