Natapos na silang maghapunan. Ang tanging kasama lang ni Ruth sa hapag kainan ay si Steffan, Manang Lita, Manang Maria at si Manong Nathan. ‘DI sumabay sa kanila si Ray bagkus ay nagpahatid lang ito kay Manang Lita. ‘Di naman nagtaka si Steffan dahil alam n’yang pagod si Ray dahilan ng kan’yang shooting kanina. Si Ruth naman, tahimik lang dahil ‘di pa rin s’ya makapaniwalang pumayag s’ya sa alok ni Ray kanina sa kan’ya. ‘Di n’ya kasi maiwasang maging curious dahil ilang beses n’ya nang nahuli si Ray sa mga kabalastugan nito at imbes na kamuhian n’ya ang kan’yang amo dahil sa mga nalalaman n’ya ay ‘di n’ya pa rin maiwasang tumingala sa bituin na alam n’yang kahit kailan ay ‘di n’ya maaabot. Alam n’yang mali ang gagawin nila pero, kung titimbangin n’ya ang pagdadalawang-isip n’ya a

