Habang patuloy na pinupunasan ni Ruth ang katawan ni Ray ay nakatitig lang si Ray sa dalaga. Napapansin n’yang naiilang si Ruth tuwing nakaharap ito sa kan’ya. Nagtataka s’ya kung bakit ganito ang pakikitungo ni Ruth sa kan’ya kaya naman para mag-loosen up ng kaunti ang dalaga ay nagsimulang magbukas ng topic si Ray. “So, which of my films did you love watching with your brother?” Dahil sa biglaang pagtanong ni Ray ay napatingin si Ruth kay Ray. Nag-abot ang kanilang tingin at dahan-dahang pinakiramdaman ang paghinga ng bawat isa. Hanggang sa unti-unti ng bumibigat ang naging paghinga nila habang sinusuri ang buong mukha ng bawat isa. “Don’t look at me like that. I’m tempted.” Pag-aamin ni Ray. Nanlaki ang mata ni Ruth dahil sa biglang sinabi ni Ray. At bahagya s’yang n

