Isang scene na lang ang kailangang i-take ni Ray at pagkatapos nun ay magra-wrap-up na sila. Wala naman kasi masyadong heavy scenes kay mabilis lang ang shooting ngayong araw. Maya-maya, habang nakatayo sa gilid ng tent ay naramdaman ni Ruth na may biglang kumalabit sa kan’ya. Mabilis naman s’yang napalingon sa direksyon ng taong kumalabit sa kan’ya at pagkatapos ay nakita n’yang si Ren pala ito. ‘Di napigilan ni Ruth na mapayakap ang kapatid kahit ‘di pa naman ganun katagal silang nawalay sa isa’t isa. Si Ren naman, medyo naiilang dahil may mga kapwa n’yang nakakita sa pangyayari. “Ate, maraming tao ang nakatingin.” Bulong nito sa nagiging emosyonal na si Ruth. Ngumiti ang dalaga sabay palis ng kan’yang mga luha. “Kamusta na kayo sa bahay, kuya?” ‘Di maiwasan ni R

