Lulan ng sprinter van ni Ray, masaya ang puso ni Ruth dahil sa biglang pag-iba ng pakikitungo ni Ray sa kan’ya. Siguro isa lang din ang araw na ito na matatawag n’yang ‘good day’ dahil maganda ang mood ng amo n’ya. Maayos itong kausap at ‘di padabog kung mag-utos. ‘Di maiwasan ni Ruth na magnakaw ng sulyap sa kan’yang amo. ‘Di gaya ng dati na halos mag-abot ang mga kilay nito, ngayon napaka-relax ng mukha ng amo n’ya. Para itong inosenteng bata na tahimik lang sa isang sulok. Bigla namang namula ang pisngi ni Ruth ng mapagtanto ang kan’yang mga iniisip. ‘Di naman sa nagkakagusto s’ya sa kan’yang amo, minsan kapag matino ito, ‘di n’ya lang talaga maiwasang ibalik ang dati n’yang admiration dito bago n’ya pa ito tuluyang makilala sa personal. Pagkatapos ng kaunting pagnakaw ng sil

