Natapos na ang manuscript reading ang nakaalis na ang ilang producer na dumalo sa ginawang activity. Masaya ang lahat dahil napagtanto nil ana may magandang chemistry ang dalawang lead actors at ang mga supporting actors naman ay kasing husay rin. Kuhang kuha ng mga napiling cast members ang personality ng mga characters na pino-portray nila. Maya maya’y isa isang nag-aalisan ang mga taong dumalo sa activity. May iilan na lang mula sa mga crew members ang nagpaiwan at waring nagtutulakan ito at ‘di makapagpasya sa susunod na gagawin. Agad itong napansin ni Ray at ang kaninang inis na gumuhit sa kan’yang mukha ay muling bumalik ng ‘di n’ya namamalayan. Unti unting lumapit ang dalawa sa sampung lalaki na nasa kabilang dako ng function hall. ‘Di maalis ng mga ito ang paningin n

