Unti unting lumapit sina Steffan at Ruth sa kinatatayuan ng lalaki. Habang papalapit sila ay may biglang napansin ang dalaga. The seemingly innocent face she had just seen has been replaced by a scowl and an arched brow. The man purses his lips, as if trying to contain his rage. Bunsod nun ay biglang natauhan si Ruth at dito n’ya napagtanto na ‘di gaya ng nasa isip n’ya, ‘di madaling pakasamahan ng amo n’yang ito. “Sir, good morning.” Pagbati ni Steffan sabay pumreno sa paglalakad. “This is Ruth Labella, your new personal assistant.” Nakangiting saad ni Steffan. Biglang lumapit si Ruth sa lalaki para makipagkamay pero tinignan lang nito ang kan’yang kamay at pagkatapos ang kan’yang mukha. Agad napansin ni Ruth ang kaninang pag-irap ng lalaki ay napalitan na ng galit. Kaya

