CHAPTER 6

1355 Words
Nang unti unting humina ang pagtakbo ng sasakyan, agad na napadungaw mula sa loob ng sasakyan si Ruth. Sa ‘di kalayuan kasi ay matatanaw ang isang bahay na walang typical na roofing. Purong naka tinted glass lang ito at ‘di conventional ang kan’yang design. Mamamangha ka na lang sa pagka-modern na design ng bahay.   Sa left wing ng bahay, naruruon ang parte nito na purely concreted. Ang tanging glass lang dito ay ang mga aluminum glass windows. Ito rin ang parte ng bahay na medyo masasabi mong conventional ang design dahil may roofing na ito. Sa south wing naman, ang tanging concrete lang na makikita mo ay ang precast ledges, concrete beams and suspended slab na nasa pagitan ng dalawang glass parallelepiped rooms ng bahay. May nakausli ring balcony sa may right wing ng bahay na ang flooring ay ‘di tiles kundi WPC o ‘yung tinatawag nilang Wood Plastic Composite. It gives the appearance of a flooring made out of real wooden planks but in reality, it’s just a plastic.   Namangha ng husto si Ruth dahil namumukod-tangi ang bahay na ‘to sa ibang bahay sa loob ng subdivision. Maliban sa wala itong katapat in terms of aesthetics, mapaghahalataan rin ang mga mamahaling sasakyan na naka-park sa may garahe rito.   Naaaliw naman si Steffan ng makita ang naging reaksyon ng dalaga nang makita ang bahay. Sa sobrang mangha nito ay ‘di n’ya na namalayan ang sariling mapanganga at mapabigkas ng ‘wow’.   “We are here, Miss Ruth.” Saad ni Steffan. Tumango lang si Ruth. Pero ‘di pa rin maalis sa kan’yang sarili ang pagtataka.   “Sir, sino po ba talaga ang magiging amo ko?” Biglang naitanong ni Ruth pero binigyan lang s’ya ng ngiti ni Steffan.   “You’ll know him shortly.” At pagkatapos nun ay pumwesto na nga ang sasakyan sa tapat ng glass entrance door ng bahay.   Agad na bumungad sa kanila ang matandang babae na nasa kan’yang sixties. Binigyan nito ng welcoming smile si Ruth. Maya maya’y lumapit rin ang matandang lalaki na kanina ay nagti-trim ng mga halaman sa harapan ng bahay. Ang pangatlong sumalubong kay Ruth ay ang matandang babae na uugod ugod na. Siguro mga nasa kan’yang seventies na ito.   “Magandang pagdating, Iha. Ako nga pala si Lita, ako ang tagapagluto ng master.” Pagpapakilala nung unang matanda na sumalubong sa kanila sabay taas ng kan’yang kamay. Agad naman itong inabot ni Ruth para kamayan ‘to. Agad napansin ni Ruth ang malambot nitong kamay. Sumunod na nagpakilala ay ‘yung matandang lalaki na umaayos ng front porch ng bahay.   “Magandang umaga sa’yo, Iha. Ako nga pala si Jonathan. Ako ang tagaayos ng sira rito sa bahay.” Pagpapaliwanag nito. Tumango lang si Ruth at akmang makikipagkamay sa matanda pero tumanggi ito dahil marumi raw ang kan’yang kamay. Ngumiti na lang si Ruth dahil totoo naman. Ang huling nagpakilala ay ‘yung matandang uugod ugod na.   “Napakaganda mo naman, Iha.” Biglang saad nito. Nakaramdam ng agad na pamumula sa kan’yang pisngi si Ruth. Agad naman itong napansin ng mga tao sa paligid dahil bukod sa mukhang tisay na meron ang dalaga, maputi rin ito ay flawless.   “Hala, ‘di naman po.” Saad ni Ruth na nahihiya.   “Seryoso, Iha.” Pagkukumbinse nung matanda. Mabilis itong lumapit kay Ruth at sabay hawak sa mga kamay ng dalaga.   “Ako nga pala si Maria, Iha. Ako ang labandera sa bahay na ‘to.” Biglang napalingon si Ruth kay Steffan na nakatingala sa may left wing. Biglang nagtaka si Ruth dahil ang lahat ng mga tauhan ng bahay na ito ay mga matatanda maliban na lang kay Steffan at sa driver na nasa kan’yang mga forties siguro.   “Magandang umaga po sa inyo, Nay at Tay, ako nga po pala si Ruth.” Mayuming pagpapakilala ng dalaga sa mga matatanda.   Maya maya’y biglang nawala ang ilaw ng silid sa may left wing. Agad na umikot si Steffan sa sasakyan para kuhanin ang maleta ni Ruth. Bunsod nun ay nagsialisan na rin ang mga matatanda.  Pero bago sila umalis para pagtuunan ng pansin ang kani kanilang mga trabaho, binigyan ng mga ito ng sympathetic look ang dalaga. Bahagya itong ikinagulat ni Ruth dahil para bang nagsasabi ang mga mukha nila ng, ‘pagtibayin mo ang loob mo iha’.   Agad silang pumasok sa loob ng bahay at ‘di lang ang labas nito ang nakamamangha maging ang mga furniture rin sa loob. Dagliang napansin ni Ruth na mas mukhang hotel ang kan’yang pinasukan at ‘di bahay dahil sa ganda ng interior design nito.   Nagulat si Ruth ng biglang dalhin ni Steffan ang kan’yang maleta sa ikalawang palapag. Buong pag-aakala n’ya kasi ay maid s’ya sa bahay at ang stereotypical na silid ng mga maid ay nasa baba malapit sa kusina pero muling kinlaro ni Steffan ang tungkulin ni Ruth.   Pinaliwanag nitong personal maid ng amo nila si Ruth at ‘di maid ng bahay. Bigla namang napalunok si Ruth dahil ‘di n’ya pa gaanong nakuha ang ibig sabihin nun.   Mapapansin ang malaking kwarto sa may left wing. Nang mapansin ni Steffan ang reaksyon ni Ruth saka nito ipinaliwanag na ito raw ang kwarto ng amo nila. Tumango lang si Ruth ng mapagtanto n’ya ito. Sa may kabilang dulo, ‘di kalayuan sa kwarto ng amo nila ay may binuksang silid si Steffan. Pinaliwanag nitong dito raw ang magiging silid ni Ruth kapag buo na ang desisyon nitong tatanggapin ang trabahong inalok sa kan’ya.   Nilagay lang muna ni Steffan ang maleta sa loob ng kwarto at agad na sinamahan si Ruth sa may balcony. Habang naglalakd sila papunta roon ay pinayuhan si Ruth ni Steffan na ‘wag tignan sa mata ang amo nila dahil naiinis raw ito kapag ginaganon ito ng mga taong ‘di n’ya pa lubos na kakilala. Tumango lang si Ruth at bahagyan inayos ang sarili para magmukhang presentable sa magiging amo n’ya.   Maya maya’y tumambad sa mat ani Ruth ang isang matangkad at matipunong lalaking naka-lean sa may glass railing ng balcony. Matutunghayan na magulo pa ang buhok nito at medyo may kaunting gusot ang puting long sleeve shirt nito. Dahil sa sikat ay mas lalong maaninag mula sa manipis nitong shirt ang kan’yang abs pati na rin ang kaunting buhok sa may navel area nito na dagliang nagpainit sa batok ng dalaga.   Nakasuot din ito ng white satin pants kaya mapapansin ang manly ass ng kan’yang amo. Nang biglang humangin, agad na bumalandra sa mata ni Ruth ang malaking undok sa harapan ng makisig na lalaking nasa harapan n’ya. Mabilis s’yang napalingiw para mapalis sa kan’yang isipan ang kan’yang mga nakikita. ‘Di n’ya aakalaing ang unang impression n’ya sa kan’yang amo ay ang mapansin ang hotness nito.   “Master, good morning.” Biglang saad ni Steffan dahilan para muling bumalik ang inosenteng ulirat ni Ruth.   Sa kan’yang paningin ay nag-slow motion ang paglingon ng kan’yang amo sa kanilang direksyon. Agad na napalunok si Ruth ng matunghayang, ‘di lang pala sobrang gwapo ng pagsisilbihan n’ya kung ‘di isang napakasikat din na artista. “Ray Jacobs.” Bulalas ng dalaga na puno ng pagkamangha at pagtataka.   Agad napansin ni Ruth ang expressive eyes ng lalaki na mas lalong tumingkad dahil sa sikat ng araw na tumutok sa buong mukha nito. Ang maputing balat ng lalaki ay mas lalong kuminang bunsod ng sikat ng araw. Napansin rin ng dalaga ang unbuttoned shirt ng lalaki dahilan para maaninag n’ya ng lubos ang six pack abs ng magiging amo n’ya.   Mapaghahalataang ‘di pinoy ang kagwapuhan nito dahil maliban sa matangos nitong ilong at manipis na labi ay maliit rin ang kan’yang mukha. ‘Di kasing liit kay Ruth pero masasabi mong ‘di pandigma ang hugis ng mukha nito. Mapapansin rin ang nakausling adams apple ng lalaki dahilan para mapa-press ni Ruth ang kan’yang mga binti.   Agad naman s’yang nagulat sa naging reaksyon ng katawan n’ya at napansin ito ng magiging amo n’ya. Sa sobrang hiya ay napatungo si Ruth at bahagyang kinagat ang kan’yang labi para mapukaw muli ang kan’yang ulirat.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD