CHAPTER 5

1364 Words
“Are you ready to go, Miss Labella?” Tanong ni Steffan sa dalaga habang nilalagay ng ama nito ang kan’yang maleta sa likuran ng sasakyan habang inaalalayan ng driver.   Nginitian lang si Steffan ni Ruth sabay tumango at pagkatapos ay muling lumingon sa kan’yang ina at kapatid habang kumakaway sa kanila. Nang sarahan na ng driver ang likurang bahagi ng sasakyan, agad na umikot ang ama ni Ruth. Tinitigan muna nang maigi ng ama ang ngayo’y nalulungkot na anak at pagkatapos ay ngumiti ito sabay yakap ng mahigpit sa anak.   “Mag-ingat ka, Ate.” Pumiyok ang ama habang pinipigilan ang kan’yang pagluha. Bunsod dito ay parang may bukol na bumabagabag kay Ruth sa kan’yang lalamunan.   “Opo, Pa.” Pagkatapos nito ay pumasok na si Ruth sa sasakyan habang pinapalis ang mga namumuong luha sa kan’yang mata.   Nakikinig lang si Steffan sa kan’ya habang humihingos bunsod ng kan’yang pag-iyak. Nakaramdam ng pagkailang si Steffan dahil ‘di n’ya alam ang dapat na gawin. Napatanong s’ya sa kan’yang sarili kung iko-comfort n’ya ba si Ruth? O tuluyan na lang na tumahimik habang hinihintay na humupa ang pag-iyak ng dalaga?   Maya-maya’y tumahan na nga si Ruth at ikinatuwa ito ni Steffan. Kanina pa kasing may nais na s’yang sabihin kay Ruth pero ayaw n’ya rin namang lumabas na parang insensitive dahil kahit umiiyak ang tao ay patuloy pa rin s’ya sa pagsasalita.   “Have you obtained permission from your family, Miss Ruth?” Tanong ni Steffan sa kabilang dulo ng upuan sa likuran ng driver.   “Yes, Sir.” Sagot ni Ruth. Napangiti na lang si Steffan dahil sa sinaad sa kan’ya ni Ruth.   “There is no need to address me as 'Sir,' Miss Ruth. When you finally get the job, your rank will be completely above mine. Miss, I am only a humble butler.” Pagpapaliwanag ng lalaki.   Bigla namang namula si Ruth ng sabihin ito ng lalaki. Nasanay lang talaga si Ruth na palaging i-value ang seniority sa isang organization dahil ‘yun ang tamang practice.   “At saka, pwede mo naman akong kausapin habang nagtatagalog. Marunong naman ako at nakakaintindi rin.” Biglang nanlaki ang mata ni Ruth at agad s’yang napalingon kay Steffan. Napatawa na lang si Steffan dahil sa naging reaksyon ng dalaga sa pagtatagalog n’ya.   “Marunong po pala kayo magtagalog?” Tanong ng dalaga habang nakahawak sa dibdib dahil gulat na gulat pa rin ito.   “Oo, naman.” Bumungisngis si Steffan dahil nahulog n’ya sa kan’yang nakakaaliw na patibong si Ruth. Biglang napalunok si Ruth. Medyo nakaramdam din s’ya ng pagkainis dahil buhat kahapon, nahihirapan s’yang sumagot sa lalaki dahil naka-english nga ‘to. ‘Di naman sa ‘di s’ya marunong, sa totoo nga n’yan ay eloquent na magsalita ng ingles ang dalaga dahil sa trabaho n’ya dati. Ika nga nila, ‘it comes with the territory’. Kaya lang s’ya naiinis ay ang buong pag-aakala n’ya, ingles lang ang salitang alam ni Steffan.   Pero agad n’ya na lang na binaon ang kan’yang pagkainis dahil may nais s’yang itanong kay Steffan na kahapon pang bumabagabag sa kaniya.   “Sir, may gusto po sana akong itanong.”   Napataas ni Steffan ang kan’yang kilay habang hinihintay ang sasabihin ni Ruth.   “Bakit n’yo po sinabi kahapon na baka magdalawang-isip ako kapag na-meet ko na po ang magiging amo ko?” Agad na nawala ang ngiting nakaguhit sa mukha ni Steffan at napalitan ito ng pag-aalinlangan.   Bumuntong-hininga muna s’ya bago sumagot, pero ‘di s’ya nakatingin kay Ruth. Sa halip ay sa labas s’ya ng sasakyan nakatingin, sa mga bahay bahay, at saka muling nagsalita.   “Sa totoo n’yan, nung isang araw lang tuluyang nag-resign ang pang labing-lima n’yang personal assistant.” Nanlaki ang mata ni Ruth ng marinig ang paliwanag ni Steffan.   “Anong ibig n’yo pong sabihin?”   “Ang boss natin, mahirap s’yang ….” Biglang pinutol ni Steffan ang kan’yang pagpapaliwanag. Natatakot s’ya na baka kapag nalaman ni Ruth ang ugali ng kan’yang magiging amo ay agad itong aatras kahit ‘di n’ya pa na-meet in person ang magiging amo n’ya.    Bumuntong-hininga muna si Steffan bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Walang nagtatagal sa kan’yang mga tauhan lalo na mga personal assistant. Walang ni isa sa kanila ang umabot ng isang taon o lagpas pa.”   Nagtaka si Ruth kung bakit ganoon. Dahil mas lalo lang nadagdagan ang iniisip n’ya, mas lalo s’yang na-curious sa totoong katauhan ng magiging amo n’ya.   Nais n’ya sanang malaman ang pangalan o personalidad ng kan’yang magiging amo pero natatakot s’yang baka mabwesit sa kan’ya si Steffan at imbes na dalhin s’ya sa lugar ng magiging trabaho n’ya, baka iuwi na lang s’ya nito dahil masyado s’yang mausisa.   Talagang malaki lang talaga ang pangangailangan ng dalaga kaya minabuti n’yang tumahimik na lang. Malapit na naman din silang makarating at kapag na-meet n’ya na ang amo n’ya, saka n’ya lang malalaman kung akong klaseng ugali meron ito.     Paliko na ang kanilang sasakyan papasok sa isang mamahaling subdivision. Napatigil ang sasakyan sa may guardhouse at sinuri ang buong sasakyan mula sa loob hanggang sa labas.   Dahil ‘di ako namumukhaan ng guard ay hiningan n’ya ako ng I.D. para mukha ang identification ko. Bigla n’ya itong dinala sa loob ng kan’yang guardhouse at parang ini-scan ‘to.   “Anong sad’ya n’yo rito?” Masungit na saad nung guard. Biglang nagtinginan si Steffan at ang driver gamit ang rear mirror sa harapan ng sasakyan.  . “Dito kami nakatira.” Pagsagot ni Steffan. Pero ‘di pa rin nito nakumbinse ang guard at patuloy pa ring lumilibot sa sasakyan.   “Bakit wala kayong sticker ng subdivision na nakadikit sa sasakyan ninyo?” Tanong nung guard na ngayon ay nakapamewang na. Muling nagtinginan ang driver at si Steffan gamit ang rear mirror.   “Sorry, guard, pero ‘di naman kami obliged na magdikit ng sticker ng subdivision sa sasakyan namin. Just let us pass.” Na-amaze si Ruth sa inasta ni Steffan dahil ‘di nito sinasabayan ang arogante at mahangin na itinuring nung guard sa’min.   “Ay hindi! Kailangan ‘yon! ‘Yun yung patunay na nakatira kayo dito.” Naiinis na sabi nung guard. Matutungahan mula sa mukha nito ang pamumula na hudyat sa kan’yang pagkainis.   “Guard, lagpas walong taon na akong nakatira rito pero ngayon lang ako hiningan ng sticker na dapat nakadikit sa’king sasakyan.” Medyo may halong pagkainis na ang tono ng boses ni Steffan. Mas lalo kasing pinapatagal nung guard ang usapan at mapaghahalataan ding mayabang. Ayaw magpatalo sa argumento.   “Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Ang tinatanong ko, kung nasaan ang sticker?!” Nanlilisik na ang mata ng guard at bahagyang yumuko para mailapit ang kan’yang mukha kay Steffan.   Maya maya’y may biglang dumating na isang guard. Naka-motor ito at pagkatapos na mag-park sa likuran ng guard house, agad itong lumapit sa kinaroroonan ng sasakyan nung ma-recognize n’ya ‘to. Nakangiti itong lumapit sa sasakyan.   “Sir, Steffan, magandang umago po.” Saad nung isang guard na ngumingiti sabay nag-nod kay Steffan. Napangiti na rin si Steffan at agad na sumagot.   “Chief, magandang umaga rin sa’yo.”   “May problema po ba?” Nakangiting tanong nung isang guard na mapaghahalataang mas mataas ang ranggo kaysa sa isang guard na umabala kina Steffan at Ruth pati na rin ng driver.   “Ito kasing kasamahan mo, ayaw kaming papasukin dahil wala raw sticker ng subdivision itong sasakyan namin.” Unti unting umayos ng kan’yang pagtayo at lumalayo ang guard na humarap kay Steffan.   Biglang tinignan ng masama nung isang guard na kakarating lang ‘yung guard na umabala kina Ruth at Steffan at mabilis itong lumapit sa nakabukas na pinto sa may banda ni Steffan.   “Sir, sorry po. Pagpasensyahan n’yo na po itong kasamahan ko dahil bago lang po ito nakapasok sa trabaho.” Paghingi ng paumanhin nung senior.   Ngumiti lang si Steffan sa guard na kakilala n’ya at agad na sinara ang pinto. Nagtunghayan ni Ruth ang lahat ng pangyayari at namangha s’ya sa ginawa ni Steffan. Bihira lang kasi ang taong kayang manatiling kalmado sa ganitong sitwasyon.   Pagkatapos nun ay nagpatuloy na sila sa kanilang pagtungo sa bahay ng magiging amo ni Ruth. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD