Lulan ng sasakyan kasama ang nagpakilalang si Steffan, tinatago ni Ruth sa kan’yang puso ang kan’yang pagkagalak na nakalibre s’ya ng pamasahe pauwi. Nagtataka s’ya kung alam ba ni Steffan na wala na s’yang ibang pera dahil binigay n’ya ito sa mga tambay kanina na humamak sa nakakaawang matanda. ‘Di n’ya na masyadong pinahirapan ang sarili sa pag-o-overthink. Hinayaan n’ya na lang ang mapaglarong tadhana.
“This job that I am talking about… It may not be entirely inline with your profession.” Simula ni Steffan habang nagpatuloy ang sasakyan sa pagbabyahe.
“Can you please elaborate on that?” Tanong naman ni Ruth.
Bumuntong-hininga at umayos muna sa kan’yang pagkakaupo si Steffan bago nagsimulang magpaliwanag. Nakaramdam ng kaunting kaba si Ruth dahil napapansin n’yang medyo nababagabag si Steffan bago magsalita.
“As someone who works in hospitality management, I am confident that you understand how to deal with customers. This position also qualifies you as a personal assistant. Making certain that his needs are met and taken care of. You will accompany him wherever he goes.” Pagpapaliwanag ni Steffan.
Tumango lang si Ruth habang unti unting napagtanto ang mga bagay na kalakip ng trabahong tinanggap n’ya.
“You don't need to prepare anything for his meal; he has a cook. And he has another maid to do his laundry and clean the house. However, because you will be his personal assistant, you will be the only one who can clean up inside his room.”
Biglang napatanong si Ruth sa kan’yang isipan, anong klaseng tao ang pagsisilbihan n’ya? Makalat ba ‘to kasi kailangan pa talaga ng Personal Assistant para maglinis at mag-ayos ng kan’yang kwarto? Kung may katulong naman na naglilinis ng buong bahay, ba’t kailangan n’ya pang maghanap ng PA para dun? Naguguluhan si Ruth pero ‘di muna s’ya nagtanong.
“If you take the job, you can immediately start tomorrow.” Biglang nanlaki ang mga mata ni Ruth dahil sa urgency ng trabahong in-offer sa kan’ya. Ito na ba ang sagot sa kan’yang panalangin? Napatanong n’ya sa sarili. Bigla s’yang nakaramdam ng tuwa dahil sa wakas, mabibigyan n’ya na ng kaunting ginhawa ang buhay ng mga magulang at isang kapatid n’ya.
“May I know how much the offer is for the job?”
Tinitigan muna s’ya ni Steffan. Parang sinusuri mula sa kan’yang mata kung anong offer ang magtulak kay Ruth para ibigay ang kan’yang matamis na Oo.
“80,000.00 pesos.” Muli na namang nanlaki ang mga mata ni Ruth. Nagulat s’ya sa laki ng rate na sinabi sa kan’ya ni Steffan.
“That is only the starting salary. You will also receive bonuses if he brings you to work on weekends.”
Pagdaragdag ni Steffan.
Biglang napalis ang pagdadalawang-isip ni Ruth. Sa offer kasi na sinaad ni Steffan sa kan’ya, mapapagamot n’ya na ang inang may sakip, makakatigil na sa pangangalakal ang pumapayat n’yang ama at makakapag-aral na ang kan’yang kapatid na ‘di inaalala ang bayarin sa eskwelahan.
“I’ll take the job.” Biglang saad ni Ruth.
Ngumiti lang si Steffan sa sinabi ng dalaga.
“Tell me your final decision once you meet the master tomorrow.” Saad ni Steffan na may kaunting pag-aalinlangan sa kan’yang mata. Nagtaka si Ruth kung bakit biglang nag-iba ang templa sa mukha ni Steffan? Na-curious tuloy s’ya kung anong klaseng tao ba ‘tong pagsisilbihan n’ya.
‘Di na sumagot si Ruth bagkus ay tumango na lang.
“This is a stay-at-home job. You can't come home or take a leave because the master can't focus on his work if you're not there. You will be with him everyday.” Pagpapaliwanag ni Steffan. Biglang nakaramdam ng lungkot si Ruth dahil napagtanto n’yang ang pagtanggap n’ya ng trabahong in-offer sa kan’ya ay nangangahulugang madalang lang s’yang makauwi sa kanila.
Pero kailangang kailangan n’ya ang trabahong ‘to. Sa laki ng basic salary halos makukuha n’ya na ang dating income nila noong nagtatrabaho pa bilang head ang kan’yang ama sa City Hall at nagtitinda pa ang kan’yang ina sa munti nilang carenderia.
“I understand.” Sagot ni Ruth kay Steffan.
“You are welcome to bring all of your necessary belongings tomorrow. If your decision does not change after meeting the master, you can already settle in. However, if you change your mind after meeting him, you can bring your luggage back and we will accompany you home.”
“Okay.” Sagot na lang ni Ruth. Maraming gray areas sa sinabi ni Steffan na pinagtataka ni Ruth. Sa isip isip ni Ruth, siguro gusto lang ni Steffan na si Ruth mismo ang makadiskubre sa personalidad ng magiging amo nito.
Nasa may b****a na ang sasakyang pinalululanan nila Ruth at Steffan. Habang nag-uusap kasi sila kanina pa, tinuturo rin ni Ruth ang daan papunta sa kanila. Sinabi ni Steffan na maiging malaman nila ang tinitirahan ni Ruth para masundo ito ng wala ng problema bukas.
“So you live in this area?” Biglang saad ni Steffan ng malapit na silang makarating sa harap ng mismong bahay nina Ruth.
“Yes, Mr. Steffan.” Mayuming sagot ni Ruth.
Maya-maya’y nakarating na nga sila sa bahay nila Ruth. Nasa labas ang kapatid n’yang nakatitig sa kawalan. Bigla namang napukaw ang ulirat nito ng mapansin ang pagtigil ng sasakyan sa kanilang harapan.
Bago tuluyang lumabas si Ruth mula sa loob ay may kaunting pinaalala si Steffan sa kan’ya. “You must explain to your parents regarding this job that I am offering you. If they happen to contradict, just call or text me through the contact information in the business card that I gave you.”
Tumango lang si Ruth. “I understand.” At pagkatapos nun ay pinagbuksan na s’ya ng pinto nung driver.
Ikinagulat ng kan’yang kapatid ang paglabas ni Ruth mula sa mukhang mamahalin na sasakyan. Maya-maya’y lumabas na rin mula sa loob ang ama ni Ruth at masusing tinignan ang sasakyan habang papasok si Ruth sa kanilang terrace.
Agad na binigyan ni Ruth ang kan’yang kapatid at kan’yang ama ng halik sa pisngi at ‘di na hinintay na magtanong ang dalawa. Pinaliwanag n’ya sa mga ito ang mga nangyari dahilan para mahatid s’ya nung black na BMW na sasakyan.
“Talaga, ate, may trabaho ka na?” Masayang hiyaw ng kapatid n’ya. Maya-maya’y napansin ni Ruth ang naluluha n’yang ama. Agad na hinaplos ni Ruth ang likuran ng ama at niyakap gamit ang isang kamay ang kapatid na ‘di matago ang saya.
“Anong kaguluhan ‘to?” Biglang saad ng ina ni Ruth habang dahan dahang lumapit sa kinaroroonan nila.
“Ma, nakahanap na po ng trabaho si ate.” Masayang waring ng kapatid sa ina. Biglang lumiwanag ang mukha ng mahina n’yang ina at binilisan ang paglalakad nito patungo sa kinaroroonan ng anak.
Ngumiti muna ang ina kay Ruth bago niyakap ng mahigpit ang anak. “Salamat sa Diyos, anak.” Saad ng ina habang niyayakap si Ruth.
“Pinagpapala ang mapagkumbaba, anak. Kahit na ilang beses kang nabigo sa paghahanap, ngayon ay ang trabaho na mismo ang lumapit sa’yo.”
“Oo nga, ma.” Saad ni Ruth na naluluha na rin.
“Oh siya! Maghahanda na ako ng masarap na hapunan. Kailangan nating magdiwang sa masayang balita na hinatid ni Ate sa’tin ngayon.” Saad ng ama ni Ruth habang pinapalis ang luha na namumuo sa kan’yang mata.
Pagkatapos nun ay pumasok na sa loob ng kanilang bahay ang pamilya ni Ruth at doon muling kinuwento ni Ruth ang buong nangyari dahilan para ang trabaho na mismo ang lumapit sa kan’ya. Pinakita n’ya rin ang business card na binigay ni Steffan at pinaliwanag sa kan’yang pamilya ang magiging trabaho niya.
Natapos ang araw na masaya ang puso ni Ruth dahil sa wakas ay ‘di n’ya na kailangan pang maghanap ng trabaho para suportahan ang pobre n’yang pamilya. Sa isip-isip n’ya, kahit ano pa man ang ugali ng magiging amo n’ya, lulunukin n’ya dahil sa pangangailangan. At dahil rin sa malaking sahod. Buo na ang kan’yang desisyon.
At habang nagkikwentuhan ang buong pamilya ni Ruth ay taimtim na hinihintay ng dalaga ang pangakong hinahatid ng salitang ‘bukas.’