CHAPTER 3

1775 Words
Naglalakad ng tahimik si Ruth sa isang ‘di pamilyar na lugar. Gulong-gulo ang kan’yang isipan. ‘Di n’ya alam ang susunod na gawin. Ang bigat bigat ng pakiramdam n’ya. Gusto n’yang umiyak para maibsan ang kaguluhang naiipon sa loob ng puso n’ya pero naubos na ang lahat ng kan’yang luha.   Gaya ng palagi n’yang ginagawa, bumuntong-hininga na lang muna s’ya, pinikit ang kan’yang mga mata at nang ibuka n’ya ito, biglang nag-iba ang guhit ng kanyang mukha at mabilis na naglaho ang mga lungkot na kanina lang ay nakapinta rito. She tries all her might to diss the negative thoughts that’s hovering in her mind. Ayaw n’yang magulo ang kan’yang isipan habang naghahanap s’ya ng trabaho dahil ‘di s’ya makapag-focus sa interview.   Maya maya, sa di kalayuan, may narinig si Ruth na kalabog. Hinanap n’ya ang pinagmulan ng tunog at nang mapagtanto n’ya ang nangyayari, agad s’yang lumapit at sinubukang awatin ang mga susunod pang mangyayari.   Nakita ni Ruth ang isang matandang may-ari ng kariton na nalugmok sa may gilid. Nagkalat ang mga paninda nito dahil may mga tambay na binatang lumapastangan sa kan’ya. Inalalayan ni Ruth ang matandang makatayo at mabilis na pinuloty ang mga nagkalat na paninda ng matanda.   Napansin n’ya ang laking pagkatakot ng matanda sa mga lumapastangan sa kan’ya na halos nakatungo nalang ito at nakataas ang balikat. Biglang nakaramdam ng kirot sa kan’yang puso si Ruth ay ‘di n’ya na napigilang pagsalitaan ang mga tambay na humamak sa nakakaawang matanda.   “Paano n’yo nasisikmurang lumapastangan ng matanda? Kita n’yo namang walang kalaban kalaban si Tatay oh!”   Nagtinginan muna ang mga tambay sa mga kasamahan nito at biglang napahalakhak habang unti unting lumalapit kay Ruth. Si Ruth naman, kahit nanginginig na ang tuhod ay sinubukan n’yang pigilan ang sarili na ‘wag magpadala sa takot. Kailangan n’yang ipakita sa mga delinquents na ‘to na nasa tama s’ya at dapat itong making sa kan’yang payo.   “Bakit ka ba pumapapel? Wala naman kaming problema sa’yo ah!” Sabi nung parang lider ng grupo na may maraming tattoo sa braso.   Nang mapansin ni Ruth ang mga tattoo sa kamay nung binate, agad n’yang naalala ang masamang tattoo na nag-offer sa kan’ya na maging female escort. Biglang pinalibutan ng lamig sa buo n’yang katawan si Ruth.   Maya-maya’y tinulak s’ya nung lalaki dahilan para mapaatras s’ya at masagi ang matandang mahigpit na nakahawag sa kan’yang kariton. Nanginginig ito.   Biglang napalingon si Ruth sa may ‘di kalayuan. May maraming mga sasakyan na nakaparada sa tapat ng isang establishment at may iilan sa mga ‘yun na nakatingin lang sa kaganapang nangyayari sa pagitan nina Ruth at ng mga tambay.   “Masama ang ginagawa ninyo! Mas lalo n’yong kinakawawa ang mga pobre. Bakit ‘di na lang kayo maghanap ng trabaho, total, ang lalakas n’yo pa naman.” Pinilit ni Ruth na magpakatatag. Iniwasang n’yang maglubid ang mga salitang binibigkas n’ya dahil kapag nangyari ‘yun ay mas lalo lang silang uusugin ng mga lalaki.   Kahit na pinagsabihan n ani Ruth ang grupo na lubayan ang matanda, may isang myembro sa kanina na umikot at marahas na hinablot mula sa matanda ang isang garapon na lagayan ng kan’yang kita.   Biglang humiyaw ang matanda at sinubukang pigilan ang masamang binabalak ng binata habang binubuhos ang natitirang buong lakas n’ya. Pero kinapos ito dahilan para tuluyang mapasakamay ng mga tambay ang kan’yang pera.   “’Wag iho!” Mahinang sigaw ng matanda habang sinusuyo ang humamak sa kan’ya.   Napatawa ang mga tambay at tuwang tuwa nang mapasakamay na nila ang kulay pulang plastic na garapon. Nagkumpulan ang mga ito habang binubuksan nung isa ang laman at itapon nung isa ang takip mabilis na naglaho mula sa kanilang mukha ang mga ngiting nangungutya sa nakakaawang matanda.   “Putragis naman ‘to oh! Kung minamalas nga naman!” Sigaw nung lalaki at padabog na tinapon sa harapan nina Ruth ang garapon na lulan ang mga barya.   “Hoy! Matanda! Pinagloloko mo ba kami?!” Nanggigigil na tanong nung isa at patakbong lumapit sa matanda at hinigit ito sa may kwelyo. Akmang sasaktan n’ya ang kawawang matanda ng agad s’yang napigilan ni Ruth.   “Ano ba kayo? ‘Di na ba kayo naawa? Alam n’yo bang mabigat ang karma kapag sinasaktan ninyo ang matatanda?” Saad ni Ruth sabay humarang sa pagitan ng matanda at nung lider ng mga tambay.   Dahil sa galit, si Ruth ang napagbuntunan ng galit nung lider. “Hoy! Wag kang mangialam dito o pati ikaw mapupuruhan sa’min!” Nanggigigil na saad ng binata habang hinahatak si Ruth sa may kwelyo gaya ng ginawa nito sa matanda.   Humigpit ang yakap ng matanda sa braso ni Ruth at narandaman n’yang nanginginig na ‘to. Ayaw ni Ruth na may mangyaring masama sa matanda bunsod ng pagkatakot nito kaya naman, ‘di n’ya na pinatagal ang sitwasyon.   Biglang inabot ni Ruth ang laman ng kan’yang bulsa at biglang kinuha ang perang para sana pamasahe para makahanap s’ya ng trabaho. Napipilitan man s’ya ay mas nanaig ang pagkaawa n’ya sa matanda kaysa ang pansarili n’yang minimithi.   Iniisip n’ya na, maari pa s’yang makahanap ng trabaho bukas o sa mga susunod na araw pero kapag ‘di n’ya tinulungan ang matanda ngayon maaring mapahamak ito. Ayaw n’ya ring usigin ng konsensya kapag bigla na lang s’yang umalis at hayaan ang matandang harapin mag-isa ang mga delinquents.   “Ito oh!” Sabay abot ni Ruth ng pera n’ya sa lider ng mga tambay. “’Di ‘yan malaki pero kuhanin n’yo na at lubayan ang matanda!” Sigaw ni Ruth.   Biglang napangiti ang lider ng mga tambay ng mahawakan ang matigas tigas na papel na perang binigay sa kan’ya ni Ruth. Agad itong lumayo at sumenyas sa mga kasamahan na tumakbo at halos singbilis ng pagkindat, biglang naglaho mula sa paningin nina Ruth at ng matanda ang mga lalaki.   Agad na hinarap ni Ruth ang matandang humihikbi at hinahaplos n’ya ang likuran nito.   “Okay na po kayo, Tay. ‘Wag po kayong mag-alala.” Saad ni Ruth na naluluha na rin dahil ngayon lang pumaibabaw sa kan’ya ang pagkatakot.   Agad naman na pinulot ni Ruth ang mga baryang nagkalat sa gilid ng daan at maya maya’y tinulungan s’ya ng matanda habang humihikbi.   Ang dami ng barya, pero ‘di dahil tigsisikong barya ito o sampu pero dahil may mga sentimos din itong kasama. Sa totoo nga n’yan ay mas marami ang mga duling kaysa sa isang piso.   Maya maya’y may isang lalaking tumulong sa pagkuha nung mga barya. ‘Di nila ito kilala at agad nilang napansin na naka-tuxedo ito. Mukha itong mayaman dahil sa ayos ng pananamit nito.   Sa tulong ng lalaki ay mas lalong napabilis ang pagligpit nila ng perang kumalat sa kalsada.   “Salamat sa inyo. Lalong lalo na sa’yo, Ineng.” Nanginginig na saad ng matanda kay Ruth. Binigyan lang ni Ruth ang matanda ng tapik sa balikat at mayuming ngiti.   Natunghayan itong lahat ng lalaki na tumulong sa kanila sa pagliligpit ng mga barya.   “Isang buong lingo ko ‘tong kita.” Saad ng matanda na mahigpit na niyayapos ang garapon.   Biglang nagtinginan si Ruth at yung lalaki dahil ang kaunti ng kinita ng nakakaawang matanda. Sa bilang nila ay halos ‘di nga ‘yun umabot ng singkwenta.   Maya-maya’y biglang kinuha nung lalaki ang kan’yang wallet at agad na kumuha ng dalawang libo. Agad naman itong binigay sa matanda at sa kan’yang pagkabigla at napalundag ito sa tuwa. Mangiyak-ngiyak na nagpasalamat ang matanda sa lalaki na walang ibang sinagot kundi ang pagngiti n’ya.   Pinayuhan ni Ruth ang matandang ‘wag nang maglako at umuwi na lang sa pamilya n’ya para maiwasan ang muling paghamak sa kan’ya ng mga tambay. Sumang-ayon naman ang matanda at bago umalis ay binigyan si Ruth ng yakap at salita ng pagpapala.   Nang makaalis na ang matanda, ang naiiwan na lang ay si Ruth at ‘yung lalaki. Kahit na ‘di sila magkakilala ay ‘di nakaramdam ng takot ang dalaga. Wala namang signal na sinasabi ang woman’s instinct n’ya kung bad news ba ‘yung lalaki kaya naman ‘di s’ya agad lumayo.   “Uhm, excuse me. Can I have a word with you, Miss?” Tanong nung lalaki habang mahagyang yumuyuko at nakadaop ang isang palad sa dibdib n’ya.   Tumango lang si Ruth habang dinidiinan ang paghawak ng folder n’ya.   “I am Steffan, a butler.” Pagpapakilala nung lalaki sa kan’yang sarili.   “I just witnessed what happened a short time ago, and I am astounded by your bravery in defending the weak.” Masaya nitong saad kay Ruth.   “I also happen to notice that you’re carrying a folder. Are you by any chance looking for a job?” Tanong nung lalaki kay Ruth. Gusto ni Ruth na magsinungaling dahil ‘di n’ya naman kilala ang lalaki pero ayaw n’yang palagpasin ang pagkakataong ‘to dahil baka magsisi s’ya.   “Yes.” Maikling sagot ni Ruth.   “May I take a look at your resume?” Tumango lang si Ruth at agad na kinuha ang resume n’ya na nasa loob ng kan’yang folder. Agad n’ya itong inabot sa lalaki at pagkatapos ay sinuri n’ya ito.   “So, you’re a Hospitality Management Graduate. And Oh! You used to work at Zyrus Tower!”   Mahinang tumango si Ruth sa sinabi ni Steffan.   Maya maya’y muling kinuha ni Steffan ang kan’yang wallet at kumuha s’ya ng business card. Agad n’ya naman itong binigay kay Ruth.   Binasa n’ya ang nakalagay na, ‘Farrel Residence’ at telephone at cellphone numbers sa baba. Mukhang mayaman ang amo ng lalaki dahil napansin ni Ruth ang soft suede material na ginamit sa business card.   “I’d like to offer you a job. It’s not entirely related to your profession but the pay is good. But it’s a stay-in kind of job. I don’t know how you feel about that?” Tanong ni Steffan kay Ruth.   “I’ll take it.” Mabilis na saad ng babae. Biglang napangiti si Steffan dahil ‘di na nagdalawang-isip si Ruth.   “Let me drop you off to your house. We’ll talk about the details on the way.” Saad nung lalaki at biglang sumenyas sa ‘di kalayuan dahilan para lumapit sa kanila ang isang sasakyan.   Pinagbuksan ng pinto ni Steffan si Ruth at agad naman itong sumakay. ‘Di s’ya nagdalawang-isip dahil ‘di naman s’ya nakakaramdam ng masamang vibes mula sa lalaki.   Habang hinahatid si Ruth pauwi sa kanilang bahay ay doon sinabing lahat ni Steffan ang magiging trabaho ni Ruth. Nakinig ng mabuti ang dalaga at sabik na ini-expect ang mangyayari kinabukasan kapag na-meet n’ya na ang magiging amo n’ya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD