CHAPTER 2

1378 Words
            Maagang naghanda si Ruth para hindi na maulit ang nangyari kahapon kung saan ay naiwanan s’ya ng bus. Hindi na rin s’ya nag-umagahan. Gumising s’ya ng maaga para paghandaan ng almusal ang pamilya n’ya,  pagkatapos ay naligo na s’ya at nagbihis. Dahil sa stress s’ya mula sa paghahanap ng trabaho ay hindi na s’ya dinadalaw ng gutom.               Tulog pa ang lahat nang umalis si Ruth. Nagdadasal s’ya habang naglalakad patungo sa bus stop ng lugar nila. Masyado s’yang maaga kaya tinatahulan s’ya ng mga aso sa daan. Taimtim n’yang hinihingi sa Panginoon na bigyan na s’ya ng trabaho. Hindi na s’ya humingi pa ng may kondisyon, ang tanging nais n’ya lang ay ang magkaroon ng trabaho kahit ano pa man iyan.                  Malapit ng makarating si Ruth sa bus stop nang biglang tumunog ang smartphone n’ya. Nang nakita n’ya ang pangalan sa screen ay napagtanto n’yang may nangyari sa bahay. Imbes na dumiretso sa bus stop ay tumakbo si Ruth pauwi sa kanila. Sinagot n’ya ang tawag ni Ren habang tumatakbo s’ya. “Ren! Anong nangyari?!” Naibulalas n’ya.               Narinig n’ya ang pag-iyak ni Ren. “Ate, si Papa may lagnat.” Pag-aalalang sabi ni Ren.               “Pauwi na ako Ren.” Sagot ni Ruth at biglang tinapos ang tawag. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ni Ruth ay hindi n’ya namalayan na sinusundan na rin pala s’ya ng mga aso. Wala s’yang kaalam alam na ang ingay ng pagtahol ng aso na humahabol sa kan’ya. Ang tanging laman lang ng utak n’ya habang tumatakbo s’ya pauwi sa kanila ay sana gumaling kaagad ang Papa n’ya.               Sa bilis ng pagtakbo ni Ruth pati mga aso ay hindi na rin s’ya kinayang habulin. Agad n’yang binuksan ang pinto ng bahay nila nang makarating s’ya sa kanilang bahay. Pag-akyat n’ya sa ikalawang palapag ng bahay nila ay nakita n’yang nakaratay ang kanyang Papa at namumulta ang mga labi nito. Nakita n’ya rin na tumayo ang kan’yang mama para alagaan ang may sakit nitong asawa. “Ma! Ba’t ka po tumayo? Baka mahilo po kayo niyan?” Pag-aalala ni Ruth habang marahang hinawakan ang balikat ng mama n’ya.                 Ngumiti ng mahinhin ang mama n’ya bunsod na rin ng mahina nitong katawan, “Aalagaan ko si Papa mo.” Sagot ng mama ni Ruth. “Huwag lang s’yang magkasakit, kahit ako nalang.” Umiyak ang mama ni Ruth dahilan para maiyak na rin ang dalawang magkapatid.               “Ma!” Pagtutol ni Ruth sa sinabi ng mama n’ya. Biglang gumalaw ang Papa ni Ruth. Inabot nito ang kan’yang mga kamay at hinaplos ang luhaang pisngi ng asawa nito.               “Mawawala din ito maya-maya, Ma.” Mararamdaman sa boses ng Papa ni Ruth ang panghihina nito. Sinubukan ni Ruth mag-isa na paupuin mula sa pagkakahiga ang Papa n’ya pero hindi n’ya ito kayang buhatin mag-isa. Nasa baba pa kasi si Ren kumukuha  ng pang-almusal ng dalawa nilang magulang na may sakit.               “Ma, bumalik ka po sa higaan ninyo.” Dahan-dahang sabi ni Ruth sa kan’yang ina. “Kami na po mag-aalaga kay Papa.” Inayos ni Ruth ang higaan ng Papa n’ya.             Biglang umupo ang mama ni Ruth sa tabi ng asawa n’ya at dahan-dahan itong humiga sa may espasyo sa gilid nito. “Tabi lang kami ng Papa nyo.” Nanghihinang sabi ng mama ni Ruth.               Ayaw sana ng Papa ni Ruth na tumabi ang asawa nito sa kan’ya dahil baka mahawa ito sa lagnak n’ya pero matigas ang ulo ng mama ni Ruth. Gusto nitong damayan ang asawa sa pagkakasakit nito. Hindi na rin pinilit ng magkapatid na ihiwalay ang mama nila sa asawa baka ang mama naman nila ang lubhang magkasakit.               “Anak, hindi ba may lakad ka ngayon?” Mahinang tanong ng Papa ni Ruth sa kan’ya.               Ngumiti si Ruth habang inaayos ang kumot ng Papa n’ya. “Hindi naman po importanteng lakad ‘yun. Dito nalang po muna ako sa bahay. Magtulungan nalang po kami ni bunso sa pag-aalaga sa inyo.” Napalunok si Ruth dahil alam n’yang kapag may opportunity na ibibigay sa kan’ya ngayong araw ay hindi n’ya ito matatanggap dahil nandito lamang s’ya sa bahay.               “Anak, kunting lagnat lang naman ito. Mawawala din ito mamaya.” Pagkumbinse nitong sabi sa anak.               “Ayoko pong iwanan kayong may sakit sa bahay. Hindi po ako mapapanatag sa pag-alis ko dahil nandito po sa bahay ang isipan ko.” Mangiyak ngiyak na sagot ng anak.               Ngumiti lamang ang ama at inabot ang pisngi ng anak upang pisilin ito. “Huwag kang mag-alala sa amin. Huwag mong ipagpalipas ang kaya mo namang gawin ngayon.” Sabi ng ama. “Hindi rason ang pagkakasakit namin para tumigil ang mundo mo.” Pagpapatuloy ng ama. “Alam ko rin naman kung nandito ka, nasa malayo rin ang isipan mo.” Nakangiting sabi ng ama. “Kaya na ni ito ni kuya Ren.” Sabi ng ama na nakalingon kay Ren. “Hindi ba, kuya?” Nakangiting tanong ng ama.               “Oo naman pa.” Confident na sagot ng kapatid ni Ruth. ”Kaya ko na ito Ate, huwag kang mag-alala.” Nginitian ni Ren si Ruth.               "Anak, makinig ka sa amin. Okay nga lang kami dito." Pagdaragdad ng ina ni Ruth.               Hindi pa rin nito nagawang makumbinse si Ruth kaya tinulak na lamang s’ya ni Ren palabas ng kwarto. Sa baba ay muling sinabi ni Ren kay Ruth na huwag mag-alala sa kanilang maiiwan dahil kaya na nila ang mga sarili nila. Sinabihan ni Ruth si Ren na tawagan agad s’ya kung may mangyari. Tumango lang si Ren at tuluyan ng sinarahan ng pinto ang kapatid.                "Ate malapit na pong mag 6:30. Bilisan niyo po." Pagpapayo ng bunso sa nakatatandang kapatid. Biglang napatingin si Ruth sa oras ng smartphone n’ya. Almost 6:10 na, baka maiwanan na naman s’ya ng bus kaya nagmadali na naman s’yang tumakbo papunta sa bus stop.               Pagkarating ni Ruth ay tiempo rin ang pagdating ng bus. Kaunti lamang ang sumakay nito at marami pang mga pasahero ang nagpaiwan. Pagkapasok at pagkaupo ni Ruth sa loob ay agad itong binigyan ng ticket ng konduktor at inabot din naman nito ang kanyang pamasahe.               Makalipas ang isang oras ay bumaba na si Ruth sa bus stop na binayaran n’ya pero hindi s’ya pamilyar sa lugar na binabaan n’ya. Muli nitong tinignan ang ticket at doon n’ya napagtanto na iba pala ang bus na nasakyan n’ya.               Pakiramdam ni Ruth na napakatanga n’ya. Nakaalis na pala ang bus na pang 6:30 schedule kanina. Ang naabutan pala n’ya ang ang pang 6:45. Hindi na nya namalayan na kahit tinakbo n’ya na mula sa kanila paunta sa bus stop ay hindi pa rin s’ya nakaabot dahil sa hindi n’ya binilisan ang kanyang pagtakbo.               Biglang bumigat ang pakiramdam ni Ruth dahil meron sana s’yang gustong puntahan sa araw na ito. Gusto n’ya sanang pumunta sa Zyrus Tower upang muling kausapin ang kanyang Manager na pabalikin s’ya sa pagiging receptionist.                Hindi naging makatarungan ang pagsibak sa kan’ya sa serbisyo kaya nais n’yang ituwid ang pagkakamaling ginawa na ‘yun ng kan’yang area manager. Pero paano n’ya pa magagawa ‘yun kung sa ibang lugar s’ya napadpad.               Ruth decides to continue on her journey despite being lost in an unfamiliar place. She walks towards the unknown, hoping that she will finally be able to find the thing that she desires most in her heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD