CHAPTER 1

1445 Words
               Ruth submitted a couple of resumes and application letters to several companies already. Pero iisa lang ang palaging sinasabi ng HR sa kan’ya, tatawag lang daw sila pagkatapos nilang i-screen ang lahat ng mga applicants.                  Medyo nawalan ng pag-asa si Ruth dahil sa nang malaman ng mga HR ang apelyido n’ya ay bigla nitong isinantabi ang documents n’ya at hindi ito isinama sa kumpol ng application letters at resume na nakapatong sa document rack.                   Magalang na ngumiti si Ruth at tumango habang nagpaalam sa HR. May namumuong luha na naman sa mga mata n’ya Nung papalabas na s’ya sa gusali na pinagpasahan n’ya ng documents n’ya. Mahirap na nga ang pinagdadaanan nila sa buhay ay mas lalo pa silang dinidiin dahil sa malawak na impluwensya ng politikong ‘yun sa lugar nila.                  Pagkalabas ni Ruth ay tinignan n’ya isa isa ang mga naglalakihang gusali sa paligid n’ya. She thought inwardly that no matter how much effort she exerts just to be part of these prestigious companies, her efforts will still go to waste because of the influence of the politician who ruined her family’s life. Mayroong kaunting luha ang pumatak mula sa mga mata n’ya at pagkatapos n’yang punasan ang mga ito ay muli s’yang nagpatuloy sa paghahanap ng trabahong mapapasukan.                 Halos nalibot na ni Ruth ang buong commercial hub ng BGC pero walang gustong tumanggap sa kan’ya. Namumugto na ang mga mata n’ya kakaiyak.               Nang papalabas na s’ya sa BGC ay may lalaking naka-hawaiian shirt at tadtad ng tattoo sa katawan ang lumapit sa kan’ya. Bigla itong sumabay sa paglalakad n’ya, dahilan ng pagkabahala n’ya ng kaunti. “Miss, nag-aapply ka ba ng trabaho dito?” Bungad na pakikipag-usap nito.               “Mahirap makakuha at makakita ng magandang trabaho dito kapag wala kang backer.” Pagpapatuloy nung lalaki.               Ngumiti ng pilit si Ruth dahil sa hindi s’ya mapalagay kung bakit s’ya sinusundan ng lalaking tadtad ng tattoo. Lumiko si Ruth papunta sa waiting area kung saan maraming tao pero hindi pa rin natitinag ang lalaki at patuloy pa rin ito sa pagsunod sa kan’ya.                 May biglang beep bus na huminto sa tapat nila Ruth at dahan dahang naglaho ang maraming taong kanina ay nag-aabang kasama n’ya. Gusto n’yang sumakay sa beep bus para tuluyan na s’yang tantanan ng lalaki pero sakto lang ang perang mayroon s’ya, pamasahe nalang  pauwi ang natira sa perang baon n’ya kanina kaya naman ay napilitan s’yang makasama ang lalaki.               “Miss, may alam akong trabaho. Sure ako tanggap ka agad.” Biglang napukaw ng lalaki ang interes ni Ruth. Inisip n’ya na baka isa itong opportunity na binigay ng langit sa kan’ya. Napansin ng lalaki ang naging reaction ni Ruth kaya naman ay nagpatuloy s’ya sa kan’yang sinabi. “ Marami na rin ako natulungan makapasok. Sa hirap ng buhay kasi, marami talaga walang trabaho ngayon.” Dagdag na sinabi ng lalaki kay Ruth.               Gustong magsalita ni Ruth pero mayroong parang bukol sa lalamunan n’ya. Nauuhaw na kasi s’ya. Kanina pa s’ya naglalakad. Nakakainom lang s’ya ng tubig tuwing pumapasok s’ya sa mga malalaking gusali kasi may water dispenser at disposable cups sa waiting area. “Magkano po ba ang sahod?” Mahinang tanong ni Ruth.                  Napangiti ang lalaki bago ito sumagot, “Depende sa anong oras ka uuwi. May araw na twenty-thousand pesos ang maiuuwi mo sa isang gabi. Basta, depende na rin sa iyo ‘yun.” Biglang nanlaki ang mga mat ani Ruth, napakalaking pera kasi ang sinabi ng lalaki. Hindi lubos makapaniwala si Ruth.                 Maya-maya’y napagtanto n’ya na baka networking and investment company ang  tinutukoy ng lalaki. Maya maya ay may pulis na nagroronda sa paligid ng BGC. Pagkakataon na sana ni Ruth para humingi ng saklolo pero dahil sa sinabi ng lalaki ay nakalimutan n’ya ang pagkabahala n’ya sa estranghero na lumapit sa kan’ya.               “Nako! Baka networking po iyang tinutukoy ninyo? Wala po ako masyadong kakilala na maiimbita.” Sabi ni Ruth na handa nang lumayo sa lalaki.               “Ay hindi! Gagawin mo lang dito ay umupo. Ganoon lang.” Mariing sabi ng lalaki. Bigla naman napaisip si Ruth kung anong klaseng trabaho ang makakasahod ng twenty thousang pesos ng nakaupo lang.               Nakita ng lalaki ang paghihirap ni Ruth kaya maya maya ay may nilabas s’yang papel na nakatupi mula sa bulsa ng pantalon n’ya sa bandang likuran. Tumambad sa mata niu Ruth ang flyer ng isang nightlife club. Masyadong malaswa ang larawan ng mga babaeng makikita sa flyers. Sa pagkayamot ni Ruth at pandidiri sa ginawang kabalastugan ng lalaki ay hinampas n’ya ito ng bag n’ya.               “Walang hiya ka!”, akmang tatakpan ng lalaki ang bibig ni Ruth kaya naman ay sinipa n’ya ito ng malakas sa binti. Biglang napahawak ang estranghero sa may binti n’ya dahil sa sakit na idinulot ng pagsipa ni Ruth sa kan’ya. Biglang tumakbo palayo sa lalaki si Ruth. Habang tumatakbo s’ya at sumisilip s’ya sa likod n’ya upang matukoy kung sumusunod parin ba ang lalaki sa kan’ya.                Nung nakadistansya na s’ya sa lalaki ay hinabol n’ya ang kanyang paghinga. Masyadong maraming hindi maganda ang nangyari sa araw n’ya. Para bang inaasar s’ya ng tadhana. Gustong ng sumuko ni Ruth sa paghahanap ng trabaho dahil sa hirap na dinaranas n’ya sa pag-aapply pero tuwing naiisip n’ya ang pangarap ng kanyang kapatid at ang ngiti sa labi ng kanyang mama at Papa ay biglang lumalakas ang loob n’ya n’ya.                  Naglalakad si Ruth patungo sa paradahan ng bus pauwi sa kanila nang biglang tumunog ang smartphone n’ya. Bigla s’yang na-excite kasi baka isa na ‘yun sa mga malalaking company na pinuntahan n’ya kaninang umaga. Kinuha n’ya ang smartphone n’ya at nang makita ang pamilyar na pangalan sa screen ay naglaho ang kilig n’yang naramdaman. Imbes na kilig ay kagalakan ang naramdaman n’ya. Sinagot n’ya ito ng agad, “Hello pa, nakauwi ka na po ba?” Tanong n’yang may halong pag-aalala at pagkagalak.                   “Hi Ate, nandito na ako sa bahay.” Mahinang sagot ng Papa n’ya. “Hindi ka pa ba uuwi? Huwag ka magpagabi anak.” Pag-aalala ng Papa n’ya.                 Kahit pa man sa kahirapang dinaranas nila ngayon ay hindi ito naging hadlang para maglaho ang pagmamahal ni Ruth sa kan’yang mga magulang. Sa isip n’ya ay nabigay na ng kan’yang mga magulang ang best nila para sa kan’ya kaya naman gusto n’yang bumawi sa mga ito.                   “Huwag ka po maligo pa ha. Tirik po ang araw kanina. Ayoko pong magkasakit ka.” Taimtim na pag-aalala ng anak sa magulang. Hindi namalayan ni Ruth na pumapatak na naman ang luha mula sa kan’yang mga mata.                   “Opo anak.” Sagot naman ng Papa ni Ruth. Maririnig mula sa kan’yang boses ang pagod na nararamdaman nito. Dahil doon ay napahagulgol ng iyak si Ruth. Tinakpan n’ya ang kanyang bibig upang hindi marinig ng kan’yang Papa ang hinagpis na nararamdaman n’ya.                   Napalunok ng bahagya si Ruth. Pinilit n’yang itago ang kan’yang pag-iyak mula sa Papa n’ya. “Pa, uuwi na po ako.” Pilit na masayang sagot ni Ruth.               “Sige, antayin ka namin anak. Handa na maaga nating hapunan.” Masayang sabi ng Papa ni Ruth.                “Sige pa, I love you. Uuwi na po ako.” Pinilit ni Ruth na sumagot sa masayang pahayag ng  Papa n’ya pero halata mula sa boses n’ya na umiiyak s’ya.                   “I love you too, Ate.” At tinapos na ng Papa ni Ruth ang pagtawag nito sa kan’ya.                  Umiiyak si Ruth na naglalakad patungo sa paradahan ng bus. Ang sikip ng dibdib n’ya, marami s’yang dinaramdam. Gusto na n’ya talagang makahanap na ng trabaho.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD