"You are the reason why he's on that bed." Napahinto si Farrah nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon mula sa kaniyang likuran. Umigting ang kaniyang panga at agad na kinuyom ang kaniyang mga kamao. Naniningkit ang mga mata n'ya habang dahan-dahan na lumingon. "I'm sorry, I didn't get it right. What was that?" Kunot-noong tanong n'ya rito sa mababang boses. Huwag ganito, huwag ganitong pagod s'ya. Pakiramdam n'ya ay wala na syang natitirang lakas sa katawan. Pakiramdam n'ya ay drain na drain na s'ya at ngayon nakatayo sa harapan n'ya ang may matulis na tingin na si Annaliese. "Ervin never loved you," saad nito kaya mas lalong humigpit ang pagkakuyom ni Farrah sa kaniyang kamao at pagkahawak sa kaniyang bag. "He never did....because you know why? He was still in love with his ex

