Napa-igtad ang mga kasambahay sa gulat at takot nang bigla na lamang iwaksi ni Farrah ang mga mamahaling vase na nasa gitna ng kanilang dining table. Galit na galit ang dalaga habang basang-basa ang mukha nito dahil sa luha nito. Nagkatinginan ang mga kasambahay at naghihintayan kung sino sa kanila ang aawat sa dalaga. Hindi pa kailanman nila nakita na ganito ang dalaga. Mas sanay sila na wala silang nakikita na kahit na anong emosyon sa mukha at mga mata nito. "Ano ang nangyari?" Biglang pasok ng pinakamatandang kasambahay. Nanlaki ang mga mata nito nang makita si Farrah na naka-upo sa sahig at nakasandal ang likod sa malamig na dingding. "Nay, nakakatakot po si ma'am Farrah," bulong ng isang kasambahay nang lumapit ito sa matanda. Dinig na dinig nila ang bawat hikbi ng dalaga kay

