[Shayle Oracle Oz]
"Meoow!"
Naalimpungatan ako dahil sa isang malamig at basing bagay na pumapahid sa aking pisnge. Unti unti kong idinilat ang aking mga mata, unang bumungad sa paningin ko ang mukha ni Sapphire na naging dahilan ng pagka gulat ko.
"Meooow!"
"Sapphire?"
Gulat na wika ko, mukhang nagustuhan naman niya ang pagbanggit ko sa pangalan niya't lumapit ito saakin at ikiniskis ang kanyang katawan sa aking braso. I chuckled faintly when its white and soft fur touches my skin.
"What are you doing-ahh!"
Napatili ako dahil sa biglaang pagkirot ng aking braso, hinimas ko ito at bahagyang nagulat ng may naramdamang matigas na nakakabit sa aking braso. And in an instant... memories flashed in my mind like a movie being fast forward.
***
"Enough with your Bratty attitude Racle!. The In fernos are here! They want to take you with them, you should go now!, Hindi ka namin makakaayanang protektahan kapag nanatili ka pa rito!"
Daddy raised his voice at me, I was shocked of course!. Hindi niya naman ako pinagtataasan ng boses, ito ang pinaka unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses. And by the sound of it, alam kong may hindi magandang mangyayari.
"Pero... Pero kaya kong lumaban dad!, You trained me hard that almost kill me! Anong silbi ng mga trainings ko if hindi ko naman pala iyon magagamit---"
"No! You are still too weak to fight!, Go at run away for now. We put a Vessel Jewel on you, right? Hindi ka makakalaban."
"Then I can take it off---"
"Shayle Oracle Oz"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, It was mommy! she's holding Sapphire her teleportation cat na alaga na namin mula nung hindi pa ako pinag bubuntis ni mommy.
"Tuklasin mo ang sarili mong pagkatao..."
She said and held my hands. I felt Sapphire climb up to my shoulders but I ignore it saka hinawakan pabalik ang mga kamay ni Mommy. Why do I feel like we’re not going to see each other again? I’m scared.
"Take care of Sapphire hmm..."
She said and raise her finger, I know what she's up to! Gusto niya akong iteleport sa ibang lugar! Pero ang ipinagtataka ko ay bakit ako lang? Pano sila? Iiwanan sila dito?
Biglang may malakas na bumunggo sa pintuan nang aking silid. Naiinis na napatingin si Daddy doon saka siya mabilis na lumapit dito at pinatumba ang cabinet ko upang iharang sa pintuan.
By that time, I knew what will going to happen. The guns, the people behind the door, my mom and my dad. There are too many scenarios in my mind, and most of them are unpleasant.
Naiiyak ako sa pupwedeng mangyari, napahikbi ako ng hindi ko nalalaman. Gulat namang napatingin saakin si Daddy at kalaunany naiinis na binalingan si mommy.
"What the hell is she still doing in here? Akala ko ba'y tineleport mo na siya?"
"I'm sorry"
Paumanhin niya saka ako binalingan ng tingin.
"...and I'm sorry Racle"
***
"Mommy! Daddy!"
I hysterically shouted at nagmadaling sinuri ang paligid, but I was surprised nang may napansin akong kakaiba, yes different. Wala na ako sa bahay, at kung tama ang hinala ko'y wala na rin ako sa mundong pinanggalingan ko.
Tanging mga naglalakihang puno at mga bulaklak lang ang nakikita ko. Hindi ako pamilyar kung nasaan ako dahil sa malamang ay ito ang kauna unahang pagkakataong nakatapak ako ditto sa lugar na 'to. Nakaramdaman ako bigla ang pag ihip nang malakas at malamig na hangin sa aking likuran, nagtaka ako kaya ko ito nilingon.
My eyes rounded wide the moment I saw kung ano ang nasa likuran ko. Isang malaking syudad na may tatlong malalaking barrier. Sa itsura nito, mukhang hindi ako basta bastang makakapasok.
Base sa struktura ng mga gusali,mukhang hindi rin pangkaraniwang tao ang naninirahan sa lugar na kasalukuyang tinatanaw ko. Hindi na ako nagulat na may nag e exist na mundong kayaga nito, nag e exist nga ako eh kaya alam kung may iba pang katulad kong may kakaibang kakayanan.
Matagal na akong nasabihan ng mga magulang ko tungkol sa isang mundong may natatanging espesyal na races, at mukhang ang mga tao dito ang ibig sabihin ni mommy. Ang mga taong may kakaibang kakayanan, katulad ko.
But speaking of which... nasaan nga ba ako?.
---
[Ethan Wong]
Mabilis akong napamulat dahil sa isang malakas na pwersang naramdaman, ngunit agad din itong nawala na parang bula. What was that? Nanaginip lang ba ako o guniguni lang.
"May problema ba?"
Napatingin ako sa lalaking biglaang sumulpot sa harapan ko. May hawak hawak itong kuneho at envelope.
"Wala"
Tipid na sagot ko kay Leo saka muling pumikit. But I'm quite sure na may naramdaman talaga ako kanina, kahit kailan hindi pa pumapalya ang senses ko. Halos manginit ang katawan ko at sumakit ang ulo sa sobrang lakas ng pwersa at ang nakakapagtaka lang.
Nanggagaling ito sa malayong parte ng Moueshuff City.
(Pronounce as, Mus-hof)
"Here"
Sabay abot nito saakin sa envelope na kanina pa niya hawak.
"What's this?"
Tanong ko saka inabot at binuksan ang envelope.
"Your letters and forms indicating na pwede ka nang umalis to study abroad, yan naman talaga ang pangarap mo hindi ba? Ang umalis sa lugar na ito."
Bahagya akong napatingin sa kanya dahil sa tono ng kaniyang boses saka dali daling binasa ang mga forms. He's right, after how many years pinayagan na din nila akong lumabas sa akademyang ito para mag aral abroad.
"how did--"
"I promised right?"
Napalingon naman ako sa kanya habang busy naman ito sa kaka himas sa alaga niyang kuneho.
"nangako akong ma aaprobahan ang hiling mo, well...its your choice whether you'll proceed or not"
"Thank you"
Napalinngon siya saakin habang nakangiteng tumango. Binuhat niya ang kaniyang alagang kuneho at pinaupo sa kaniyang kandungan.
"Wala yun, para saan pa nga ba't naging magkaibigan tayo"
Magsasalita pa sana ako nang biglang may nagteleport sa harap namin. I was surprise when I saw a familiar stare, sa uri ng pagtitig niya sa akin ay nakaramdam ako ng biglaang discomfort.
"Cassidee!"
Biglaang sigaw ni Leo saka tumayo upang salubungin si Cass. Sunod sunod namang nagteleport ang mga nasa Teleportation Class matapos ang ilang sandali.
"President Leo!, May nasagap kaming balita mula sa labas ng akademya, There is an anonymous outsider just miles away from the 3rd barrier."
Nag aalalang wika ng isa sa taga teleportation class, biglang sumeryoso ang mukha ni Leo dahil sa narinig. Ibinaba nito ang alagang hayop at kaagad naman itong tumakbo palayo.
Napalingon naman ako sa kanila ng dahil doon, an outsider?. Bigla bigla ay naalala ko ang presensyang naramdaman ko kanina. Hindi kaya...
"Status, Is he a threat or not?"
Seryosong tanong ni Leo saka muling tumayo, nakita ko ang bahagyang pag aalinlangan ng babae. Lumingon siya sa mga kasamahan niya na para bang huminhingi nang tulog.
"A threat or not?"
May halong inis na tanong ni Leo dahilan upang magimbal ang babae saka kabadong sinagot si Leo.
"She doesn't look like a threat pero hindi po dapat makampante-"
"She?"
Sabat ko sa usapan, napalingon naman silang lahat saakin dahil sa pagtataka.
"I'm sorry, but I'm just asking"
I defended myself, tumango naman ito saka ipinakita ang babae. Hindi ko maanigan ang mukha dahil medyo malayo ako.
"Babae siya"
"Man, or a woman we must get that stranger, kailangan nating malaman kung sino siya at kung anong dahilan ng pag punta niya. She doen’t look like a citizen from other neighboring country"
Kalmadong utos ni Leo saka ikinumpas ang kamay para paalisin ang lahat. Sumunod naman ang mga ito at dali daling ng teleport pero nanatiling nakatitig saamin si Cassidee.
"Do you need anything?"
Tanong ni Leo pero nanatiling tahimik si Cassidee. She's a friend of mine but I swear minsan hindi ko maintindihan ang ugali niya. May pagka bipolar at medyo psychopath kasi siya minsan.
"Please don't be rude at her"
Saan niya saakin nagulat naman ako sa sinabi niya at mukhang, gulat din si Leo at napatingin saakin.
"Kilala mo yung babae Ethan? Bakit hindi mo sina-"
"What? No!"
Pagtatanggi ko sa kaniya saka binalingan si Cassidee.
" Bakit mo naman nasabi yun"
Takang tanong ko.
"Nararamdaman ko lang na hindi dapat natin siya dapat pakialaman"
Sagot nito saka tumalikod.
"After all baka aksidenteng napadpad lang siya rito."
---
End of chapter 2