[Third Persons POV] Humihiyaw ang ibang mga estudiante at pilit binabalaan si Shayle na umiwas sa paparating na atake ng isang babae. Ngunit tila nabato si Shayle at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan dahil sa isang napaka pamilyar na presensyang nararamdaman. Batid niya ang kaba sa bawat segundong dumaraan. Isinisigaw nang kaniyang isipan na umiwas upang hindi mapuruhan ngunit ayaw sumunod ng kaniyang katawang lupa. Isa pa sa inaalala niya ang ang unti unting pag luwag ng control niya sa kaniyang kapanguarihan. Hindi niya lubos maisip kung anong mangyayari kung sakaling tuluyan niya itong hindi maicontrol. "Miss Oz umiwas ka!" "Umalis ka na babae!" Sigawan nila, malamig na pinag papawisan si Shayle habang hindi alam kung anong gagawin. Pero sa isang mabilis na pangyayari, tuluy

