[Ethan Wong] "It's my fault!" Nataranta ang lahat sa biglaang pagsigaw ng babaeng Oz,kanina pa ito nag sisisigaw na para bang may gusto siyang paalisin o itigil.Nakaka awa na ang itsura nito,basang basa na ito ng pawis at sabog na sabog na ang buhok. Hindi ko alam kung bakit siya biglaang nagkaka ganyan,meron ba siyang naging past history about sa nangyari sa isang babae kanina?.Kung ano man iyon,mabuti pa't ayusin na bago pa may mangyaring masama. "Ako na Miss" Saad ko sa isang babaeng taga Chairo,nagdadalawang isip pa ito pero hinayaan narin ako kinahulihan. Lumapit ako kay Ms Oz at hinawakan ko ang magkabilang balikat nito.Napapintag ito at nag angat ng ulo,mamula mula na ang mata at puno ng luha ang pisnge.Halos hindi ko na siya makilala,ang kilala kong Oz ay hindi ganito.She onl

