[Shayle Oracle Oz] "Mabuti nalang hindi na gaanong masakit sa katawan ang pag wowork out" Saad ni Drianna saka kumuha ng tuwalya.Kakatapos lang naming mag workout,at medyo malagkit na kami kaya napag desisyunan naming maligo muna bago kumain. "Isa lang naman ang ibig sabihin niyan eh,nasasanay na tayo sa ganitong routine" Sagot ko saka kumuha ng PE uniform sa locker ko.Isasarado ko na sana ang locker nang may mapansin akong isang bagay. Ang ID ni Ethan Wong. Isang linggo nadin itong nasa akin,at ni minsan hindi ako nag attempt na ibigay sa kaniya.Mukhang hindi din naman kasi niya hinahanap eh.Minsan na kokonsensya ako kasi feeling ko isa akong thief. "hoy!" "Ay thief!" "Ha?! Hindi ako magnanakaw ah" She reacted.Napabuntog hininga naman ako saka mabilis na sinara ang locker ko.

