
Izaiah Franklin Wyatt Villaneza ang may pinaka-seryoso at matapang na awra ng mukha sa mag-kakapatid na Villaneza. Mahirap ma-please. Mahal ang ngiti ika nga. Sa isang tingin lang niya dapat sumunod ka agad sa gusto niyang mangyari kung ayaw mong makatikim ng lupit at bagsik ng kanyang parusa. Baril at bala ang katabi araw at gabi.
.
Pero paano bang ma-in-love ang isang suplado, masungit at walang pusong Villaneza? Kung tanging baril lang ang alam hawakan at himasin, katabi sa pagtulog.
.
.
Willow Lola Policarpio, malambing, mapagmahal, mapagkawang-gawa, kilalang may ginintuan puso sa lugar nila, pero kapus sa magmamahal at aruga ng mga magulang. Lumaki at nagkaisip sa pangangalaga ng isang ex-convict na sigang maton. Babae sa puso at isip pero ang tanging alam na hanap-buhay pumatay ng tao.
.
.
Dito masusukat ang galing nila Wyatt at Willow sa paghawak ng baril. Paano nila mamahalin ang isa't isa kung tanging baril lang alam nilang mahalaga sa buhay nila. Baril ang nagpapasaya at nagbibigay buhay sa kanila.
