#BTSEp7
Ilang saglit akong natigilan dahil sa tanong niya. Pero dahil si Grace ako, mabilis akong nakabawi.
"Kung sabihin kong oo, magseselos ka?" I arched my eye brow at him.
Pak! Galing ko talagang umarte! Kasi duh? I will never be the youngest best actress of the Philippies for nothing!
Kumunot ang noo niya. Then he scoffed, "Kapal."
Aba! Halos maibato ko talaga sa kanya iyong lumpia na hawak ko! Siraulong lalaking 'to. Hindi manlang magsinungaling?!
Inirapan ko na lang siya tapos ay pinagpatuloy na ubusin ang natitirang dalawang lumpia sa plato ko. Napakurap ako noong in-slide ni Liv iyong tray niya sa harap ko.
I stare at him with a quizzical look. "Ano 'to?"
"The last time I check, lumpia yata ang tawag diyan."
Lord! Kung hindi ko lang talaga crush ang lalaking 'to, magiging kriminal ako!
"Magaling." Pinalakpakan ko siya bago nginitian nang sarkastiko. "Magaling ka talaga! Ikaw na! Ikaw na!" Umirap ako bago akmang tatayo na. Naiinis na ako, eh!
"Wait, where are you going?" Mabilis niyang tanong.
I cough. I immitate his raspy voice. "Last time I check, nasa school tayo. So malamang, pupunta na ako sa classroom ko."
Pero hindi talaga ako handa noong hinawakan niya ang palapulsuhan ko. "Hindi pa time." He c****d his head towards the tray of lumpia infront of me. "Ubusin mo muna."
I am glaring at him noong umupo uli ako. Kung hindi lang talaga dahil sa lumpia, iiwan ko talaga siya dito! Tologo ba, Grace?
Nagsimula na akong kumain. Ngayon, hindi ko ma-analyze kung paano pagkakasyahin itong sampung lumpia na ito sa tiyan ko. Well, magtataka pa ba ako? Nakaya ko nga iyong limang pack ng pancit canton kahapon, makakaya ko 'to!
Para kay Liv ang laban na 'to. Char but not char.
"Hindi ka pwedeng umalis dito nang hindi mo 'yan nauubos." Liv is still watching me with his usual face. Antipatiko.
"Yes po, daddy." I smile sweetly at him.
Sa sinabi ko ay sinimangutan niya ako! Hindi man lang naapektuhan! Hindi ba talaga ako maganda sa mga mata niya?! Uminom na lang ako ng tubig. Hindi cooperative ang lalaking ito pagdating sa landian.
"Good, baby." He suddenly mumbled while giving me a sarcastic smile. Halos maibuga ko talaga sa kanya iyong iniinom ko! Punyemas siya!
Ubo ako nang ubo habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko. Balak ba akong patayin ng lalaking 'to? Sa kilig?!
Siya naman ay pinipigilan ang mapangiti. He is looking away. Halatang sa utak niya, humahakhak na siya nang tagumpay dahil sa itsura ko!
"Siraulo ka talaga!" I said in between my cough.
I am glaring at him when he grabbed something on his pocket. Panyo. Ibinato niya iyon at saktong nag-land sa noo ko. Mukha talaga yata akong basurahan sa lalaking 'to! Pero willing akong maging basurahan basta maging baby niya lang?!
I am pouting when I started to eat again. Siya naman ay busy na sa cell phone. Nakalimutan na yata na nasa harap niya ako. Kumain na lang ako nang kumain hanggang sa mag-ring ang cell phone ko. Hudyat na may notification or call.
It was a notification. At galing iyon sa i********:. Noong makita kong may photo na namang tinag sa akin si Liv ay agad ko iyong in-open. Iyong tipong mahihiya si Flash sa bilis na ginawa ko!
There, I saw a picture of mine. Eating lumpia with a neutral face. In all fairness, hindi na 'to kagaya kahapon na mukha akong tanga sa picture. Ang ganda ko naman sa kulot kong buhok, ah. Bakit kaya nila pinupuntirya 'to?!
When I direct my eyes on the caption. I almost jump in happiness. Nanlalaki ang mga mata kong napangiti!
LIVdmoment eatwell, baby.
Napakagat ako sa ibabang labi. Gusto kong mag-wala. Gusto kong tumakbo sa oval. Gusto kong magsayaw sa gitna ng cafeteria sa saya!
Liv naman!
Alam kong maganda ako pero sana naman, dahan-dahan lang. May jowa ka hoy. May jowa ka, bebe boy. Ayokong maging home wrecker. Char!
Wagas pa rin ako kung maka-ngiti noong mag-comment ako.
AsyaGrasya ang sarap ng lumpia mo, daddy. ?
And before I even realized how pervert my comment is, wala na. Dinumog na kami ng mga fans namin! Nagwawala sila! Tinutukso pa ako na masarap daw ba ang lumpia ni Liv? Malaki raw ba?!
Halos mamula talaga ako sa hiya noong ibinaling sa akin ni Liv ang mga mata niya. Right now, he is flashing me a grin. Teka naman! 'Wag naman sana kayong green-minded dito!
"Sarap ng lumpia ko?" He is still grinning at gusto ko na lang tumakbo dahil sa hiya! Ramdam na ramdam ko na kung papaanong uminit ang mga pisngi ko.
"Ang babastos talaga ng utak niyo!" I looked away. Napakagat na lang ako sa lumpia ni daddy-- ay jusko! Ayoko na talaga!
Noong nag-ring uli ang cell phone ko ay agad ko iyong kinuha. Nag-reply si Liv sa comment ko!
LIVdmoment glad you loved my lumpia, baby.
Tapos ay tinignan niya uli ako nang may makamundong ngisi! Gusto ko na lang talagang ibato sa kanya lahat ng lumpia niya! Punyemas! Pati ako, kung ano-ano na rin ang naiisip sa comment niya, eh!
I looked away. Nagpaypay ako sa sarili ko habang hindi iniinda ang bahagya niyang pagtawa. Hindi ko na lang siya inintindi dahil alam ko, kapag patuloy ko siyang pinansin ay hindi talaga siya titigil! Kumain na lang ako nang kumain hanggang sa maubos ko iyong lumpia.
"Are you done?" He eyed me as if I am a kid. "May gusto ka pang kainin bukod sa lumpia ko?" Nagpigil na naman siya ng ngiti!
I only gave him a poker face. Kung hindi ka lang talaga gwapo, kanina pa kita sinapak sa ngala-ngala. Shuta ka.
Hindi ko na lang siya pinansin. Inayos ko muna iyong mga pinagkainan ko bago ako tumayo para ibalik iyon sa counter. Tahimik lang na sumusunod sa akin si Liv. Anino kita teh?
Noong makalabas na kami ng cafeteria ay sobrang daming students ang nasa paligid. Some of them are watching us and the rest are passing us by as if they don't know us.
"Hold my hand." Liv suddenly mumbled. Napatingin ako sa kanya. He only gave me a cold stare. "Bakit? May magseselos ba? Magseselos ba iyong pinapag-pagadahan mo?"
Nanatili akong nakatingin sa kanya as if he is a complicated equation. Bagay nga iyong course niya sa kanya. BS Mathematics. Para siyang equation na ang hirap gawan ng formula! Nalilito na ako sa kanya!
"Kung sabihin kong oo, anong gagawin mo?" I challenged him kasi bored ako. Char.
He only mustered, "Tss." then nonchalantly, he held my hand. Just like how he always used to do, he is so swift to intertwine our fingers.
Sa ginawa niya ay sabay akong nabigla at kinilig! Gusto ko na lang talagang higitin siya sa simbahan! Tawagin si Father! Ito na ang oras para mag-I do sa akin itong lalaking 'to?! Nasaan na ang Doctor? Manganganak na ako dahil sa kilig! Bilisan niyo?!
For the whole moment, I was smiling. Parang ito na nga yata ang pinakamatamis na ngiti na nagawa ko sa buong buhay ko, eh. Nababaliw na yata ako. Paki-dala ako sa mental hospital! Nasa puso ni Liv iyong address!
"Sabay na tayong pumunta sa shoot mamaya." He told me noong makarating na kami sa harap ng SHS Building. "Iwan mo na lang dito ang sasakyan mo."
Tumango ako sa kanya. Para akong tanga kung makangiti. Hinatid niya muna ako papasok ng building bago binitawan iyong kamay ko. Nakangiti pa rin ako nang pagkalapad-lapad habang pinapanood siyang lumakad papalayo sa akin.
Liv, ayokong umasa. Ayoko talaga. Pero bakit binibigyan mo ako ng dahilan para magpatuloy?! Shutainamers!
***
Noong matapos ang last subject namin ay mabilis na talaga akong nagpaalam sa mga classmates ko. I was really jumping in happiness when the first thing I saw when I got out of the building is Liv and his red land rover. Nakasandal siya doon sa pintuan. Tahimik na naghihintay sa akin.
At nang magtama ang mga mata namin, sumilay sa kanya ang maliit na ngiti na agad niyang binawi. Lumakad na siya papasok doon sa driver's seat. Hindi manlang ako hinintay na makapasok!
When I finally hopped inside his car, he is quick to maneuver the car away from our school. Tahimik siya sa buong biyahe pero dahil mamamatay talaga ako nang hindi nagsasalita, kinausap ko siya.
"Bakit pala BS Mathematics iyong kinuha mong course? Bored ka ba sa buhay mo kaya gusto mong mahirapan?"
Hindi niya inalis ang tingin sa daan. "My passion is really belong to Mathematics ever since I am a child." He glanced at me. "And it will give me a stable job as the years passed by."
"Right. Wala ka nga palang planong magtagal sa showbiz industry."
Yes, nakwento na niya ito doon sa reality show kung saan siya nanggaling. Gusto niya lang pumasok sa showbiz para matustusan ang hospital bills ng mother niya. For what I can remember, may colon cancer kasi yata.
"Ikaw ba? May plano kang mag-tagal?"
I heaved a sigh. "To be honest, hindi ko alam. Up until now, wala akong plano sa buhay. Naiinggit nga ako sa inyo, eh. Kasi kayo, alam niyo na agad ang gusto niyo sa future. Ako? Nganga."
"You'll find your own purpose soon." He told me before we filled by the silence again. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Napakatahimik. Ganito ba talaga kapag matalino?!
"Vil," I called him.
He only gave me a raise on his eyebrow as he glanced at me, "Don't call me by my real name."
"Vil Dallas Zoberano."
Tinaasan niya uli ako ng kilay. Natatawa talaga ako kapag sinusungitan niya ako nang ganito!
"Pwedeng magpatugtog ng music?" Nagpa-cute pa ako sa kanya.
"No."
I gave him a poker face. "Dali na. KJ naman nito."
Nagpatuloy siyang tahimik pero dahil makulit ako, in-on ko iyong sterio niya nang mabilis. Kaya wala siyang nagawa noong tumugtog na iyong music.
Aking sinta, nabihag mo itong puso ko.
Nakita ka, aking mundo'y tila nagbago.
Napakurap ako. Anong kanta 'to?
Tumingin ako kay Liv, tatanungin ko sana siya kaso alam ko namang hindi niya ako sasagutin! Nagpatuloy na lang ako sa pakikinig.
May isang anghel, bigay ng langit, walang papalit.
Maamong mukha, walang hihigit, sana nga'y iyong dinggin.
Oh my god! Gusto ko na agad 'to! Nakakakilig iyong boses ng vocalist!
I am really smiling wide as I focus my eyes on the road. Ngayon ay binabaybay na namin iyong isang liblib na lugar sa Bulacan. Sa probinsya kasi ang settings namin for tonight.
Panalangin, mapasa'kin
Ang iyong ngiti, ang iyong halik.
Napatingin ako kay Liv. From the sliver of lights brought by the streetlights, he is looking so godly. With his thick eyebrows, natural long eyelashes, proud shape of the nose, sharp jawline and his pinkish lips, he is indeed what other girls would want to throw themselves at.
Ang perpekto lang talaga ng mukha niya. Ang sarap niyang titigan. Iyong para bang pwede mong gawing hobby ang titigan lang siya.
Ang swerte-swerte talaga ni Aless sa kanya. Sobra. Favorite siguro siya ni Lord.
Panalangin, mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing.
Otomatiko akong napahugot ng malalim na hininga.
Before I know it, the song is already screaming out the words I am hiding inside me. Before I realized it, ako na pala iyong kanta. And still, I was here. Not ready to unravel it. I will never be ready to confess my feelings to him lalo na't alam kong may mahal siyang iba.
Mali itong nararamdaman ko. Nakakainis pero bakit hindi ko mapigilan? Bakit ang hirap pigilan?
Noong magtama ang mga mata namin ay agad akong napaiwas ng tingin. Matapos ay bigla niyang in-off ang sterio. And a few moments have passed, huminto ang sasakyan niya.
"We are here." He told me which only rewarded him a nod from me. Masiyadong mabilis ang t***k ng puso ko para dumaldal ngayon!
Nauna siyang bumaba ng sasakyan. Tapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya akong makababa. Then the moment we started walking towards our tent, he intertwined our fingers again. We are holding hands once more.
Hindi ko na mapigilan ang ngiti ko.
Hinawakan niya ang kamay ko kahit na wala naman kaming fans sa paligid.
Totoo na ba 'to?
Lord naman . . .
When we entered the tent, kung gaano ako kasaya ngayong araw ay mabilis naman iyong binawi ng pagkakataon. Bumungad sa amin si Aless. She is smiling at us. And that was the moment Liv suddenly let go of my hand.
Kasabay ng pagbitaw niya sa akin ang unti-unting pag-durog sa puso ko noong niyakap na niya si Aless. Sa mismong harap ko. Sa mismong mukha ko.