#BTSEp6
When I woke up the next day, hindi na talaga natanggal sa mukha ko iyong ngiti ko simula kahapon. Iyong para bang nanalo ako sa lotto. Iyong ngiting parang nagtagumpay akong paghiwalayin ang mga powder sa 3 in 1 Kopiko Brown!
I was really in good terms as I prepare myself for school. For the first time in my entire life nga, nagkulot ako ng buhok! As in! Daming time?! Pero halos madapa-dapa talaga ako palabas ng unit ko nang ma-realize na late na pala ako!
Gosh, mapapagalitan talaga ako ni Mother Lizly nito! Gusto niya kasi, walang makitang mali sa akin ang mga tao. Dahil sweet heart nga raw ang brand ko sa showbiz industry, I always have to be on top academically. I have to be responsible and disciplined just like a Royal Princess.
Noong makarating na ako sa Ateneo De Manila University ay pasado alas-otso na ng umaga. Kaya't noong ma-i-park ko na ang kotse sa tapat ng SHS building ay tumakbo talaga ako nang malala patungo sa classroom namin.
Pucha namang araw 'to! Umagang-umaga pa lang, haggard na ako!
Sa classroom, ang bestfriend kong si Ysabelle ang agad na bumungad sa akin. She is sitting on our usual chair. Sakto namang na-late yata iyong Professor namin kaya mabilis na akong umupo sa upuan ko next to her. At noong marinig ko ang unang sinabi niya bago ako makaupo, gusto ko na lang manampal!
"Ay, beh. Ano ito? May prom pala ngayon? Nasaan ang gown?" She is wiggling my curly hair. "O graduation ito? O baka naman i-advance mo na ang debut mo next month?"
Halatang pinipigilan niya ang mapatawa. "Sabog ka ghorl?"
"I will hit you." I glare at her. Siya naman ay patuloy lang sa pagpigil ng tawa. "Can't you just tell me things like normal people do?"
Siraulo rin kasi talaga itong babaeng 'to!
Lagi na lang siyang may say sa mga choices ko sa buhay. Katulad na lang last month, nagsuot lang ako noong usong dress na umabot hanggang paa ko, sinabihan na agad ako ng madre!
"Nagulat lang ako, beh." Umiling-iling pa siya habang pinipigilan pa rin ang tawa. Ang sarap talagang batukan. Mabuti na lang talaga at dumating na agad iyong Professor namin bago ko pa siya mapatay!
***
"Beh? Anong meron?" Pambungad sa akin ni Hendrix. Artista rin siya. He is a discreet gay, kami lang iyong nakakaalam sa totoo niyang sexuality. "Bakit may pa-kulot? Anyare sa 'yo?"
Seriously, mukha ba akong alien sa ayos ng buhok ko ngayon?! Bakit parang gulat na gulat sila? Bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?!
Bentang-benta talaga sa panglalait nila ang kulot kong buhok ngayong araw, ah! Mga bruhang 'to!
"I told you." Ysabelle is still supressing her laugh. Dapat lang niya talagang pigilan ang tawa niya dahil kung hindi, hahandusay talaga siya sa sahig kapag sinapak ko siya!
Ngayon ay nandito kaming tatlo sa cafeteria. Break time. Katulad ng nakagawian ay sumasabay sa amin si Hendrix na iba ang strand sa amin ni Ysabelle. Ewan ko ba sa bading na 'yan, wala yatang kaibigan sa mga kaklase niya.
"Alam niyo? Keysa ang buhok ko ang puntiryahin niyo, kumain na lang tayo." I rolled my eyes at them.
Tumingin pa muna si Hendrix sa paligid. Sinisiguradong walang makakarinig sa kanya. "Bongga 'yan, girl."
Apakalambot talaga nito! Ibang-iba sa bad boy brand niya sa showbiz! Maloloka talaga iyong mga fans niya kapag nalaman na ganito siya ka-barbie!
Lumakad na kami patungo doon sa counter. Hindi katulad ng normal na buhay ng mga artista kapag nasa public, hindi kami pinagkaguluhan.
Well, this is a thing for the Ateneans. Sobrang yayaman kasi kaya wala lang talaga sa kanila kung artista man ang nasa harap nila. Which is a good thing kasi atleast, kahit sa school manlang ay makaranas kami ng normal at pribadong buhay.
"Oh, Asia. Mayroon na kami noong hinahanap mo kahapon." Told by Aling Pening. Siya iyong kusinera na naging close ko dahil lagi niyang dinadagdagan iyong ulam ko.
She called me Asia. That was my real name. Asia Grace Samonte. I prefer others to call me Asia. Ayokong tinatawag nila akong Grace kasi I want to separate my personal life to my showbiz life. Gusto ko, kapag walang camera ang nakaharap sa akin, ituring nila akong normal na tao.
"Really po?" I beamed. Kahapon kasi ay nag-request ako sa kanila ng lumpiang toge. Sobrang na-miss ko na kasi iyon.
Tumango siya sa akin bago itinaas baba ang kanyang mga kilay. Kasabay noon ay dinadagdagan niya iyong lumpia na dapat ay tatlo lang. Naging lima iyon kaya iyong ngiti ko? Abot langit, veh!
Sa pamamagitan lang din ng pag-taas baba ng mga kilay ay nagpasalamat ako nang marami kay Aling Pining. Tinawanan niya lang naman ako bago inasikaso sina Ysabelle at Hendrix.
Matapos magbayad, nauna akong bumalik sa pwesto namin. The moment I sit, kinuha ko iyong cell phone ko. Then I took a selfie with my precious lumpiang toge. Pinost ko iyon sa IG stories ko at wala pang ilang segundo ay dinumog agad iyon ng seen mula sa mga fans ko.
Para akong batang nagsimulang kumain noong bumalik na rin sina Ysabelle at Hendrix. At hindi ko alam kung nginuya ba talaga nila iyong pagkain nila! Wala pa kasing ilang minuto ay ubos na ang pagkain nila sa plato. Seriously?!
"Ang tagal mo talaga, beh." Patagong umirap si Hendrix. Si Ysabelle naman ay busy sa pag-re-retouch ng mukha.
"Sabihin mo, hindi niyo talaga alam kung papaano kumain nang maayos." I wince at them. "As far as I know kasi, nginuguya talaga iyong pagkain bago lunukin."
"Whatever." Ysabelle cut me off. Itinago na niya iyong make-up kit. "I'll go first."
I blink at her. "At saan ka naman pupunta, babae?"
"May photoshoot ako ngayon then magwawalwal ako this afternoon." Tumayo na siya. Para siyang nagmamadali noong sinakbit niya iyong chanel bag niya. "Beh, ikaw nang bahalang gumawa ng palusot kay Ma'am, ah?" She winked at me.
Heto na naman siya!
Siya talaga ang dahilan kung bakit nagkakasala ako, eh! Lagi ba naman kasi akong kinukuntiyaba kapag gusto niyang mag-cutting. Ewan ko ba diyan! Ninang kasi si Mother Lizly kaya malakas ang loob na magpasaway!
Ang loka, hindi ako hinintay na makasagot. Ngayon ay mabilis pa siya sa hangin kung maglaho. Bahala siya diyan.
"Beh, uuna na rin ako ah?" Si Hendrix naman.
"Pati ikaw? Ano bang trip niyo ngayong araw? Bagong challenge ba 'to sa Youtube? Iwanan ang kaibigan challenge?"
"Gaga." Umirap na naman siya nang patago. "Pupunta lang ako sa Swimming Area. Balita ko kasi, nagpapractice doon ngayon iyong crush kong Swimmer sa UAAP." Tumingin siya sa paligid. Noong malamang walang tao ang nakatingin sa kanya ay bumungisngis siya nang malala.
"Baklita ka talaga." Lumunok muna ako bago siya inirapan. Dinuro ko siya gamit iyong lumpia na hawak ko. "Mag-ingat ka, hoy. Naka-ilang blind item na iyong maliliyosong journalist sa 'yo."
"I know."
"Ayokong magulat na lang na nasa number one trending list ka na pala ng Twitter. Kaya mag-ingat ka kung ayaw mong saktan kita sa ngala-ngala." I am staring at him with complete concern on my eyes. "Alam mo naman ang mga Pinoy. Mga judgemental, wala naman sa korte."
"Opo, Ma." He gave me a genuine smile.
"Ma-ganda?"
Then his smile faded.
"Ma-talino?" Nag-twinkle eyes pa ako.
Nagpatuloy siya sa pag-poker face. "Ma-rupok ka!"
Halos mabulunan talaga ako! Siraulong 'to! Nasaan ang referee?! May fowl po dito! Fowl ang nguso ng baklitang 'to!
I rolled my eyes at him. Siya naman ay natatawang tumayo. Matapos ay lalaking-lalaki siyang lumakad papalayo sa akin. Walang bahid ng pagka-rainbow sa kanya. Napailing na lang ako habang napapangiti.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Bakit ba kasi nila ako iniwanan?! Hindi pa naman ako sanay nang kumakain nang mag-isa. Kaloka.
Nakabusangot akong pinapapak iyong lumpia nang biglang may maglapag ng tray sa harap ko. Naglalaman iyon ng maraming lumpia at isang mangkok ng sawsawan.
Napapakurap, I started to turn my gaze to the person standing infront of me. At noong umupo na siya sa harap ko, halos mahulog talaga ang panga ko sa sahig! Nalaglag pa nga sa plato ko iyong lumpiang hawak-hawak ko!
He is staring at me with his eye brow arching. He is with his usual arrogant face. Nakasuot siya ng college uniform. Two years older kasi siya sa akin. That is why he is currently a sophomore College student.
"Let me eat here." Came by Liv's manly voice. It was so raspy that I can't help but to savor all of the words from his mouth just by listening to him.
Nabilaukan talaga ako mula sa sarili kong laway! Agad kong inabot iyong tubig ko. Anong ginagawa niya dito?! May sarili silang cafeteria, ah!
Nang matapos na akong uminom ay hindi pa rin niya talaga inaalis ang tingin sa akin.
"Why are you here?" I confusely asked.
"Bawal?"
Tignan mo 'to. Ayaw nang hindi siya sinasagot nang maayos pero heto siya, pinipilosopo ako!
"Sinabi ko?" I banter back.
"So, bakit mo tinanong kung bakit ako nandito?"
Hindi talaga ako mananalo sa lalaking 'to. Hindi na lang ako sumagot pa. Baka kasi may dinaanan lang siya or something? Ayoko nang mag-assume. Okay na ako sa moment namin kahapon. Alam ko namang nagkataon lang 'yon. Ayoko na lang talagang mag-assume kasi ako lang naman ang masasaktan sa huli. Maturity is me, ganiyan.
"Mauubos mo ba 'yang lumpia na 'yan. Iba rin talaga ang trip mo, ano? Pinakyaw mo yata iyong niluto ni Aling Pening." Itinuro ko ang nguso ko doon sa tray niyang puno ng lumpia.
Pero dahil siya si Liv, hindi niya sinagot iyong tanong ko. I was just left dumbfounded at one moment when he asked me, "What's with the hair? Sinong pinapag-pagandahan mo dito?"
His lips . . .
Bakit siya naka-smirk?!
Teka naman, Liv! Kapag talaga ako hindi nakapagpigil, kakagatin ko talaga 'yan. Smirk pa!
×××
Author's Note: I wanna know your thoughts! Predict niyo nga kung ano ang mangyayari kina Liv at Grace as the story continues?