Episode 5

1508 Words
#BTSEp5 "Bakit ang bait mo sa 'kin ngayong araw, mamamatay na ba ako bukas?" I asked Liv. Nakaupo ako sa kitchen island. Pinapanood siyang magluto ng napakahirap lutin na pancit canton chili flavor sa tabi ko. Hindi niya ako sinagot. Parang hangin lang talaga iyong kinakausap ko! "Huy," hinigit ko iyong dulo ng manggas niya. He only gave me a cold glance, "nakikinig ka ba sa akin? Ang tanong ko, bakit ang bait mo yata sa akin bigla? May papatay ba sa akin bukas?" "Don't overthink." he mumbled, nakafocus pa rin iyong tingin niya sa niluluto niya. Akala mo naman napakahirap ng ginagawa niya, eh pinapakuluan lang naman iyon! "I am doing this for good will. Gusto ko kasing pinapakain ang mga pulubi sa labas." Halos matumba talaga ako mula sa kinauupuan ko! Ako? Mukhang pulubi? Naka-drugs ba siya?! "Hindi ka ba talaga nagagandahan sa 'kin?" Ang tapang ko talaga ngayong araw. Pero katulad kanina, para akong nakipag-usap sa hangin. Hindi niya ako pinansin noong pinatay niya ang electric stove. Ang bastos talaga ng lalaking 'to! I am murmuring something when I decided to finally sit doon sa lamesa. Nilalagay na niya kasi iyong powder at seasoning sa pancit canton. At one moment, bigla akong natakam sa pagkain noon. "Matagal pa ba 'yan?" I demand. Bigla kasi talaga akong natakam. Pero wala talaga akong nakuhang sagot sa kanya ni isa. Kung hindi lang talaga ako sanay sa lalaking ito, kanina pa ako nag-walk out. He slide the plate infront of me when he came near me. Umupo siya sa harap ko. Matapos ay kinuha niya iyong cell phone niya. "Ako lang ang kakain?" I quizzically stared at him. Iyong plato ko lang kasi ang dala niya noong lumapit siya sa akin. Umiling lang siya. Hindi inaalis ang tingin cell phone. Ako naman ay napapangiwing idinako ang tingin sa plato ko. "Mukha ba akong bibitayin?" His eyes went on my direction. "Alam mo, kaunti na lang, iisipin ko na talagang may papatay sa akin bukas. Kasi ano ito?" I threw my hand on the plate, "last meal of my life pala ito? Preso pala ako? Death sentence ka ghorl?" Kasi naman! Mahigit limang pack yata ng pancit canton iyong niluto niya! Dalawang pack nga lang, hindi ko na maubos, ito pa kayang lima? Ano 'to? Papatayin niya ako sa kabusugan?! Sumilay na naman iyong ngiti sa natural na mapulang labi niya. "Just eat. Ang dami mong sinasabi." "Wow? Kumpara mo naman sa 'yo na parang ang mahal mahal ng salita. Naku pasalamat ka lang talaga kasi ano--" I roll my eyes at him. Sumubo na lang ako, baka kung ano pa ang masabi ko. "Ano?" He asked noong hindi na ako nagsalita pa. Katulad ng lagi niyang ginagawa sa akin, hindi ko siya sinagot. Parang hanging iyong kinausap niya! Hah! I am mentally smirking while he is staring at me with his poker face. Noong muli niyang itinuon ang sarili sa kanyang cell phone ay nag-focus na lang ako sa pagkain. Gosh, ang sarap pala talaga nito! Bakit kaya iba iyong level ng sarap nito ngayon? Dahil ba mahal ko iyong nagluto? Ang landi mo, Grace! Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang ngumunguya. Then there was Liv's voice. "Hey." Agad kong ibinaling ang tingin sa kanyan. Nakangiti pa rin ako nang nakakaloko noong makita kong nakatapat pala sa akin iyong camera ng cell phone niya. Ang before I knew it, the flash started to succumb my face. Nasilaw talaga ako, bes! Siraulo talagang lalaki 'to! I am glaring at him while is smiling as he stare at his cell phone. Matapos ay biglang tumunog ang cell phone ko. Hudyat na may notification ako. Gulat na gulat talaga sa nakita ko! Paanong gulat? Halos mabulunan talaga ako kahit nalunok ko na naman iyong nasa bibig ko. Gan'ong gulat. LIVdmoment tagged you in a post. Mabilis pa sa mabilis iyong ginawa kong pag-open sa notification na iyon. At sa nakita ko, gusto ko na lang maging kriminal! Nasaan ang baril?! That was a photo of me taken just now. Punong-puno iyong bibig ko tapos nakangiti ako na para bang adik sa kanto. Mukha akong tanga dito, swear! May caption pa iyon na pulubi! "Liv! Burahin mo 'to!" I glare at him. For sure, mahihimatay si Mother Lizly kapag nakita niya ito! Gusto niya kasing puro pa-sweet lang ang pictures ko sa social media. Pero hindi na niya ako sinagot pa. Ngayon ay parang siraulo, ngumingiti siya habang nag-se-cell phone! Ang sarap sapakin! Ng kiss? Charot! Dahil alam kong hindi na niya ako sasagutin ay nag-focus na lang ako sa pagkain. Bahala siya diyang mapagalitan ni Mother Lizly! Looking like a grumpy child, I am glaring at him as I chew the food. May araw ka rin sa akin! When his eyes met my glaring eyes, he tried to supress his smile. "What?" "Whatdog mo maitim!" Before I realize it, wala na. Napakaurap na lang ako kasabay ng pagsilay ng makamundong ngisi ni Liv. "Nakita mo na?" Naubo ako nang bahagya. "Ang ano?" Pa-inosente akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako pinagpapawisan. Sa pancit canton ba o dahil sa smirk niya? O both? "Ang whatdog ko, nakita mo na?" He told me and gosh, pinanghinaan talaga ako bigla noong sinabi niyang, "gusto mo bang makita? Wanna check if maitim talaga?" Sinasabi ko talaga sa 'yo, Liv. Tantanan mo ako sa kakaganiyan mo kung ayaw mong mapalaban sa akin! Kawawa talaga sa akin iyang whatdog mo na 'yan! "Greenminded!" Nakanguso akong sumubo nang sumubo ng whatdog-- este pancit canton! Bago ko siya sinimangutan. And for the first time in forever, narinig ko iyong tawa niya. He is laughing like a kid while watching me eat. He looks so carefree right now. Way far different to the arrogant guy that he always reward us. "Saya ka na niyan? Happy?" Napapangiti na rin ako. Gosh, ganito pala talaga kapag hindi palatawa iyong tao? Parang ang sarap pakinggan ng tawa niya? "Yeah." He is still laughing when he grab something from his pocket. His handkerchief. Matapos ay itinapon niya iyon sa mukha ko. Nag-land talaga iyon sakto sa noo ko. Mukha ba akong basurahan?! "Wipe your sweat." I glare at him once more the moment I grab ahold of his handkerchief. Ipinunas ko iyon sa mukha ko bago sumubo uli nang sumubo sa pancit canton. Before I knew it, mauubos ko na pala iyon! Hala siya? Saan napunta lahat ng 'yon?! Kasya pala iyon sa tiyan ko?! *** Pasado alas-siyete na yata ng hapon noong makauwi ako. Ang lala naman kasi ng traffic sa Manila! Iyong tipong makakaabot na sa ibang probinsya iyong oras na itinagal ko sa lecheng traffic na 'yan. Noong sa wakas ay nakaupo na ako sa sofa ay cell phone agad ang inatupag ko. Ewan ko ba pero ganito lang talaga yata ang Generation Z, iyong social media talaga ang buhay namin. Which quite a privelege for us because our grandparents were called for war while we are called to sit and watch Netflix. Brianna Rubia ka ghorl? Cringe! I was in the middle of just scrolling on my i********: when a notification hits my device. The moment na nakita ko ang username ni Liv ay talagang walang pagaatubili kong pinindot iyon. Naka-get all notifications kasi siya sa akin kaya everytime na may post siya, may notification ako. Gan'on ako ka-dedicated pagdating sa crush.  Oh my god. Liv, kakaalis ko lang ng unit mo pero hindi mo na agad napigilan? Napa-hubad ka agad?! Liv naman. Be professional. 'Wag kang mabilis. Give me space to think. Hinahanap ko pa ang sarili ko. Please lang. Charot! Ngayon, para akong tanga kung makangiti habang pinagmamasdan iyong picture niya. Iyong para bang kinakabisado ko bawat detalye ng katawan niya para ready na ako sa honeymoon namin sa future-- ano ba Grace! Ang advance mo lagi! Nang idako ko naman ang tingin sa caption niya ay naubo ako nang malala. LIVdmoment What? Whatdog mo maitim. Hindi maka-move on sa whatdog na 'yan?! Kapag talaga 'yan, hindi mo tinantanan, kawawa talaga sa akin 'yang whatdog mo na 'yan! Sige ka, 'wag mo talaga akong subukan! Mukhang asong nakangiti, I started to double click the photo. I gave it a heart. Literally and metaphorically. Then I type my comment. AsyaGrasya #whatdog mo ay #mHiNe Para akong tanga kung makabungisngis noong mag-si-reply na ang mga fans namin. Lahat sila ay nagwawala. Lahat sila ay hindi kinakaya iyong comment ko. Hanggang sa mag-reply si Liv. LIVdmoment always At iyon na nga po. Opo. Halos mabaliw ang fans namin. Katulad ko siguro silang napapatalon sa kilig kahit nakahiga! Kung hindi nga lang nakakamatay ang tumalon sa building! Kanina ko pa talaga ginawa dahil sa kilig! Jusmiyo amor ka Liv! Mukhang totoo nga iyong mamamatay ako! Mamamatay talaga ako sa kilig! Kaya mo ba ako pinakain ng marami kanina para kayanin ko 'to? Kasi feel ko, kung gutom ako at walang energy para dito, baka mahimatay na lang talaga ako! Ayoko na talaga! Hulog na hulog na ako, veh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD