#BTSEp4
"It's a wrap!" The photographer said with so much bliss on her voice. Iyong tono niya, mapapa-sana all, gan'on kasaya ka na lang, eh.
She started to walk towards me. Then she beamed."You did fantastic, Miss Grace. All of your photos are good. For sure, mahihirapan ako nitong pumili."
All throughout the photoshoot, wala talaga siyang ginawa kung hindi ang purihin ako. Syempre, nasa good mood kasi ako! Liv is freaking waiting for me sa lobby!
Ilang minuto pa ng conversation with the photographer, nagpaalam na rin ako sa kanya. I was with my plain white t-shirt and jogger pants when I got out of the studio. Hindi ko pinaalis iyong make-up at ayos ng buhok ko kasi duh, Liv is freaking waiting for me!
Thinking about him . . .
Date ba 'yon?
Niyaya niya ba ako ng date kanina?
Alam kong mali pero gosh, hindi ko mapigilang kiligin! Kung wala lang talagang tao dito sa 9th floor, gugulong talaga ako dito sa kilig pababa ng ground floor!
Nakasemento na sa labi ko iyong ngiti noong pumasok na ako sa elevator. Nakakainis na wala man lang nag-inform sa akin na ito na pala ang best day ever ko! Kahit sign man lang para hindi ako magulat, wala! Kung alam ko lang sana, pumili na ako ng wedding gown para sa kasal namin ni Liv! Charot!
Halos mapunit iyon labi ko sa sobrang ngiti noomg umabot na ang elevator sa second floor. Then finally, sa first floor. And the moment the elevator opened, I changed my face from smiling like crazy to a neutral-looking face.
Ngayon, hindi talaga halatang halos mamatay ako sa kilig kanina pa! Syempre, kailangang dalagang Pilipina pa rin ako kahit isang ngiti niya lang sa akin ay bibigay talaga ako.
Noong lumakad na ako papalabas ng elevator ay siya agad ang bumungad sa akin. He is sitting on the waiting area. Iyong couch na leather. Naka-dekwatro pa ang kuya mo. The vein on his arms is evident while he is landing his hands on his thighs. Pati iyong maskuladong braso niya, nagfe-flex everytime na inaayos niya iyong well-brushed hair niya.
Susko, wala siyang ginagawa ngayon kung hindi ang panoorin ang mga dumadaang tao sa paligid pero bakit parang gusto ko na siyang dambahan na lang?!
Nakakairita na talaga ang s*x appeal ng lalaking 'to!
When his gaze landed on mine, agad na siyang tumayo. Then I really don't know, pero for a moment, I saw a glint on his eyes when our eyes met. Another moment pa nga, para siyang ngumiti nang pa-sikreto!
Lord, ito na ba 'yon?
Ito na ba iyong sign na dapat na akong mag-hire ng family doctor for us? Para masiguradong maayos ang magiging anak namin--
Ano ba, Grace! Ang advance mo!
I tried to shake off those thoughts when he finally came closer to me. At nakakainis na kahit anong pilit kong i-tago ang ngiti ko, kusa pa rin talaga 'tong lumilitaw. Parang tanga.
"You are smiling again."
I playfully roll my eyes. "Masama ba?"
He threw me his usual arrogant face. "Yeah."
"Bakit naman?" May pagtaas kilay pa ako.
"Kasi mukha kang timang."
Halos malaglag talaga ang panga ko sa sahig! Aba!
I glare at him. "Sa ganda kong 'to, mukhang timang?! Doon tayo sa labas, sapakan tayo!"
For the love of god, I was not ready when he tore his gaze away from me. Bago ay sumilip na naman iyong patago niyang ngiti!
Lord, isa pang sign talaga, kukuha na ako ng bahay for us!
Inilagay niya ang mga kamay sa kanyang mga bulsa. Matapos ay nawala na agad iyong ngiti niya. Mukha na naman siyang arogante ngayon na nagsha-shrug. "I am just stating facts."
Stating facts ka diyan. Noong na-fall ba ako sa 'yo, in-state ko ba?! Daming alam!
"Sige, kung stating facts lang din naman ang pinag-uusapan," I pose infront of him, nag-flip pa ako ng ngayo'y kulot kong buhok bago mag-salita, "how do I look?"
"Mukha kang sinapak sa nguso dahil sa pula ng labi mo."
Halos matumba talaga ako sa sahig!
Umayos na lang ako ng tayo. Hindi matinong kausap ang lalaking 'to. I gave him a poker face. "Ang KJ mo talaga."
"What? You basically told me to state facts," sumilay na naman iyong patagong ngiti niya ng for I think, 88.51 milliseconds? Then he threw his hand on my direction, "and that's what I did."
"Hindi ka man lang nagagandahan sa akin? Talagang itong lipstick ko ang pinag-initan mo?" Then I blinked when my mind striked something, hindi ko namalayang nahampas ko pala siya sa braso.
"Why did you focus yourself on my lips? Bakit sa labi ko lang?" I gave him a suspicious look, "Gusto mo 'no?" Ibinangga ko iyong braso ko sa kanya.
"What?" Kumunot na ang noo niya.
"Gusto mo na talaga 'no?"
"Ano nga 'yon?"
"Ayie, gusto na niya." Ngayon, ramdam kong para na akong tanga kung makangiti ngayon. "Gusto mo nang makipag-kissing scene sa akin?!"
Kung confidence at katapangan ang pag-uusapan, nasalo ko yata lahat iyon noong nagpaulan si Lord ng gan'on. "Don't worry, sasabihin ko na kay Mother Lizly na gusto mo na talaga akong maka-kissing scene."
He only scoffed, "In your dreams."
Aba! What if you're my dreams?!
Then walang paa-paalam, naglakad na siya palayo sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit ako nataranta. Agad ko siyang sinundan.
"Hoy, hindi ka na ma-joke!" Kinulbit-kulbit ko siya pero hindi niya talaga ako pinansin. Ang pikon naman nito! "Hoy, asar-talo lang ang peg natin?!"
Pero nagulat na lang ako noong ilang metro na lang ang layo namin sa sa automatic sliding door ng building. Hinawakan ni Liv ang kamay ko. With one swift move, he intertwined our fingers. Iyon ang dahilan kung bakit bigla akong natahimik noong bigla niya akong tinitigan.
"Keep your mouth shut or else, I'll cover your lips with mine." Umiigting ang kanyang panga. But his eyes are telling a genuine definition. "Don't force me to steal your first kiss."
My eyes widened.
Ha?!
Oh my god!
Paano naman niya nalaman 'yan?! Saan-- ano? Sino? Paano?!
Iyon ang naging dahilan kung bakit natahimik na lang talaga ako habang nagpapatianod sa kanya. Before I knew it, nagtitilian na ang fans namin sa labas noong pinagbuksan ako ni Liv ng pinto. Then when he hopped on the driver's seat, I glare at him.
"Just so you know--" I started, pero para siyang baliw. Hindi ako pinapansin, he is maneuvering the car, "walang masama kung virgin pa ang lips ko!" Humugot ako nang malalim na hininga bago iritadong ibinaling ang tingin sa harap namin.
He chuckled for the first time in forever. "I didn't said it's a bad thing."
"So why did you brought that up earlier?" Nakapamewang ako noong muli akong humarap sa kanya. "At saka paano mo naman nalaman 'yon? Hindi naman ikaw iyong tipo ng tao na magiging intersado sa buhay ng iba except sa jowa mo."
Bumalik na uli sa pagiging arogante at antipatiko ang mukha niya. He gave me a side look, "I am driving. Don't distract me."
I only gave him a childish make face. For which rewarded me a poker face from him. "And please, put your seatbelt on."
Like a kid, I did what I am told. Hindi ko alam kung bakit ko siya agad sinunod. Nag-hypnotize ba ako ng lalaking 'to at isang salita niya lang, sunod agad ako?
It was a few moments of silence, binuksan ko uli ang bibig ko. "Saan pala tayo kakain?"
"Saan mo ba gusto?"
"Libre mo?"
That rewarded me a poker face from him again. "Could you just please answer the question like a normal person?"
I disregarded his rude remarks, "Libre mo nga?"
He only nodded at me and my heart jumped in bliss. "Mag-Jollibee tayo!"
Sa sinabi ko ay nakatanggap ako sa kanya ng horrified look, "What are you? A seven-year-old kid?"
Tignan mo 'tong siraulong 'to. Magtatanong-tanong sa akin tapos kapag sinagot naman, manglalait pa!
"But, sure. If that's what you want." Sumilay na naman iyong patagong ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung ba't pinipigilan niya pa 'yan. Pwede naman siyang ngumiti dahil sa akin, wala naman iyong jowa niya ngayon dito. Walang magseselos. Charot!
A few moments came, nakarating na rin kami sa Jollibee na malapit sa condo unit ko. I was so devastated when we saw how crowded the place is. Paniguradong pagkakaguluhan kami ni Liv diyan. Iyong drive thru naman, napakahaba ng pila. Hindi naman pwede iyong magpadeliver kami kasi malalaman nila kung saan ako nakatira. The last thing that I want is to see another man sneaking to my room.
"Ano ba 'yan! Ang malas naman!" Naiirita kong bulalas. "Saan na tayo niyan?"
He look at me. "Yeah, saan na nga tayo nito?"
I pout.
Hindi ako maka-sagot dahil gusto ko talaga siyang sabayan kumain. Masulit ko man lang sana itong araw na 'to, okay na okay na ako!
"Hey," he told me, "ano na?"
The corners of my lips are turning down. Nakakainis talaga! "Maybe, I'll just go home."
Nanatili ang mga mata niya sa akin. Ako naman ay nakabusangot na napapabuntong-hininga na lang.
"I'll cook for you na lang." he told me, why do I feel na ayaw niya ring matapos ang araw na 'to? "Well, if that's what you want."
"Really?" My face lit up.
Then finally, I saw his smile. He freaking smile for me. "Yeah."
Pinilit kong itago ang ngiti at kilig ko. Kahit ang totoo niyan, kaya kong magiba itong kotseng ito kapag nagwala ako sa kilig! "Ano namang lulutuin mo?"
"Pancit canton."
My jaw parched.
What?!
Magpapa-canton siya sa akin?!
Oh my god, I hate my mind . . .