BTSEp3
For the whole drive, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mapangiti. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong nag-peke ng ubo.
Nakalagulantang naman kasi talaga ng mundo itong ginagawa niya!
Imagine, sa Pasay pa iyong condo niya! It was a few hours drive from my unit.
So, what's with him?
Bakit biglang ang bait niya sa akin? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Epekto ba 'to ng alak na nilaklak niya kagabi? May gayuma ko ba iyon?
Teka nga, ang gulo na!
Noong muli kong idinako ang tingin kay Liv ay tahimik siyang nag-da-drive. His lips is naturally pouty and his thick eye brows are on it's usual knit. Noong makita kong nag-taas baba iyong adam's apple niya ay napangiti na naman ako. Agad kong sinundan iyon ng pekeng ubo dahil bigla siyang lumingon sa akin!
"You okay?" He gave me a glance. Hindi na niya inalis pa ang tingin sa kalsada.
I nod at him. "Yes . . ."
"If you're not, I can stop the car and buy you some meds." He gave me a glance again at gusto ko na lang lumabas ng kotse. Doon ko planong magwala dahil sa kilig!
I tried hard to calm down. "No, I am okay." Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko, hindi ko maiwasan ang mapangiti.
"You're smiling."
"Masama?" Nagpipigil pa rin ako ng ngiti.
"Yeah, lalo na kung walang dahilan."
Aba, sumasagot na siya nang pabalang ngayon?!
Napanguso na lang ako then I discreetly murmur whatnots just to mock him. Mabuti na lang at hindi niya iyon pinansin dahil napuno na naman kami ng katahimikan.
Ang awkward nito.
Sobra.
Iyong tipong ako 'yung nahihiya sa katahimikan kasi feeling ko, ako ang dapat mag-insist ng talk between us? Kasi bakit? Kasi ako iyong mas nag-eenjoy dito? Ako iyong tuwang-tuwa?
Lechugas!
Muli kong ibinaling ang tingin sa kanya. "Pwede bang mag-patugtog ng music?"
Nakakahiya naman talaga! Ako iyong may ari ng sasakyan tapos ako itong nagpapaalam sa kanya!
"It's your car. Don't ask for my permission."
Nga naman.
In-on ko na iyong sterio at matapos noon ay tumugtog iyong isa sa mga pinakapaborito kong kanta. Ours by Taylor Swift.
Umupo ako nang maayos. Nakangiti, tinry kong hindi sumabay sa kanta kasi alam ko namang sintunado ako. Baka masipa pa ko ni Liv papalabas ng kotse ko.
Elevator buttons and morning air.
Strangers silence makes me want to take the stairs.
"Ang ganda talaga ng mga kanta ni Taylor, no?" I said with my tapon-pride-way of insisting a talk with him. Minsan lang siyang maging ganito sa akin, bakit hindi ko pa sulitin?
If you were here we'd laugh about their vacant stares.
But right now . . .
"Yeah." Iyon lang ang itinugon niya.
My gosh, so anong isasagot ko sa yeah niya? Yeah yeah bonel? Yeah yeah bonel?!
Nakakainis!
My time is theirs.
"May kanta ka niya sa spotify playlist mo?" Kung hindi ko siya madadaan sa maayos na usapan, dadaanin ko na lang siya sa santong kulitan.
"Yeah, maybe five."
Seems like there's always someone who disapproves.
"Ano-ano 'yon?"
He darted me a glance again. I almost look away! Natakot ako, girl. Parang nakakamatay iyong titig niya. Sa isip-isip siguro nito, ang kulit ko na. Kasalanan din naman niya, eh. Ayaw niya akong kausapin nang maayos. Hindi ko naman siya kakagatin-- well kung gusto niya, why not? Char lang!
They'll judge it like they know about me and you.
He let out a sigh. "Call It Want You Want, Long Live, All Too Well, The Archer, and this song." Ngumuso siya. Itinuro niya iyong sterio sa harap namin.
And the verdict comes from those with nothing else to do.
The jury's out . . .
"Really? Gusto mo rin ang Ours?!"
And my choice is you.
He nod his head. Then sumulyap siya sa akin. Then . . . oh my god! I saw how he flashed a secret small smile noong ibaling niya uli ang tingin sa daan. He is supressing it! Kitang-kita ko iyong dimples niya na bahagyang lumalim!
'Wag kang ganiyan, Liv!
Kahit may totoo kang jowa ngayon, aasa talaga akong nafo-fall ka na rin sa akin!
Lintik ka talaga!
Pero tuluyan niya ring napigilan ang kanyang ngiti noong mag-ring ang kanyang cell phone. Agad niya iyong sinagot. Kasabay ng pag-abot ko sa sterio. In-off ko iyon.
I was staring at the front of us pero ang focus ko talaga ay nasa kausap niya. Sino kaya 'yon?
"Okay." He said. His tone is a lot different from how he talked with me. It's a bit gentle.
"I will. You should too." Pero iyong mukha niya. Ganoon pa rin. Mukha pa rin siyang antipatiko kahit feeling ko, hindi naman niya iyon sinasadya.
For a moment, para siyang nag-aalangan. "Yeah, yeah."
Nacu-curious na talaga ako!
Bakit hindi niya manlang i-loud speaker? Napakadamot naman ng isang 'to.
"I love you too. Take care."
I blink.
Natigilan ako.
Then one moment came, gusto ko na lang takpan ang mga tainga ko para wala akong marinig. Kasi biglang humapdi iyong dibdib ko.
"Yeah, you too. Bye "
Right.
Right, minsan lang naman siyang sumagot sa tawag. No, hindi minsan. Never siyang sumagot sa tawag ng kung sino man maliban lang sa real life girlfriend niya.
Bakit ang tanga ko?
Bakit hindi ko agad nakita 'to?
Kasi umasa ako na baka kapag kami lang, kami lang talaga?
Ay, tanga nga.
Noong ibinulsa niya uli ang cell phone, siya na ang nag-on noong sterio ko. Nanahimik na ako. Wala na akong ganang mag-ingay. Kasi ang tanga lang. Umasa ako kahit wala namang dapat asahan. Napahiya ako sa sarili ko.
So don't you worry your pretty little mind.
People throw rocks at things that shine.
Thinking about Aless-- his girlfriend, she is actually one of those fans na sinuportahan kami noong una pa lang. Lagi siyang nandiyan sa bawat fan meet-ups, mall shows, at kahit shooting, pinapatos niya kaya lagi namin siyang kasama.
Through out my career while being paired up with Liv, she is always at the picture. Lagi siyang nandiyan noong kaunti pa lang ang sumusuporta sa amin ni Liv. Hindi niya kami iniwan hanggang sa nandito na kami, number one loveteam ng Pilipinas.
Kaya noong nalaman kong nililigawan na siya ni Liv, hindi ako nagulat. Kasi maganda naman siya. She can actually enter the chaotic world of showbiz without even trying. Kaso tutol ang parents niya. Kaya sapat na daw sa kanya ito. Iyong makitang natutupad na namin ni Liv ang pangarap namin.
Naging sikreto ang relasyon nila noong maging sila na officially. Kami-kami lang iyong nakakaalam. Ako, si Mother Lizly at iyong ibang fans namin. Bukod sa amin, wala talagang ibang nakaalam ng tungkol sa kanila maliban lang sa paminsan-minsang blind item sa newspapers. Mabuti na lang talaga at malakas ang kapit ni Mother Lizly sa industriya kaya napapatahimik niya agad ang mga journalists sa likod noon.
That time, wala lang sa akin iyong relasyon nila. Hindi ko naman kasi gusto si Liv noon. I only see him nothing but a mere workmate. Kaya labas na ako sa personal niyang buhay as long as hindi iyon nakakaapekto sa noo'y papausbong pa lang na career ko.
But things changed when Mother Lizly decided to level up the LivAce loveteam. It was Aless and Liv's fifth monthsary when she decided to create a big noise for us.
Inutusan niya kaming i-announce sa public na gusto namin ang isa't isa. Kasi that time, nawawala na ang attention sa amin ng public. May bago kasing loveteam.
Liv and I have no choice but to follow her. Okay lang naman din kasi kay Aless. As per her, trabaho lang naman daw. Alam naman niyang professional kami kaya wala daw problema sa kanya.
Well, she was wrong.
I began falling for our little game when days passed by. Hindi ko inakalang unti-unti akong mafo-fall sa pekeng sweet gestures sa akin ni Liv kapag nasa public kami.
Before I knew it, I was falling hard for him.
Iyong akala niyang fake sweet gestures ko sa kanya, naging totoo na.
Iyong kilig ko sa tuwing iniinterview kami at magsasabi siya ng mga nakakakilig na banat sa akin, totoong totoo na.
Lahat ng pinapakita ko right before I knew I was falling deeply and hard were all true.
Kaso, hindi niya alam.
At ayokong malaman niya.
Kasi alam kong mali. Alam kong hindi dapat. Kasi may girlfriend siya. Ako? I am nothing but a workmate for him. Kaya kahit masakit, wala naman akong choice kung hindi ang tanggapin na lang. Na hanggang dito lang ako. Hanggang katrabaho.
"Bakit bigla kang tumahimik?" He asked me all of a sudden. Nasa kalsada pa rin ang tingin niya.
You never know what people have up their sleeves.
I am with pressed lips. Umiling ako. "Wala lang."
"You sure?"
I nod kahit na alam ko namang hindi siya nakatingin sa akin. Then silence started to come between us again until we reach the studio.
Siya ang unang lumabas sa sasakyan. Matapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto. And the moment he hold my hand as I hop off the car, nag-tilian ang grupo ng mga fans namin na pinipigilan ng mga gwardiya na makalapit sa amin.
Just like how I was trained, no matter how painful I am feeling deep inside, I waved and gave them a sweet smile. Artista nga talaga ako. Wala ni isang nakakaalam na nasasaktan na ako sa ganito, eh.
Sa ganito . . . I stare at Liv hands. His fingers are intertwined to mine.
Tanggap ko namang wala kaming chance. Tanggap at naiintindihan ko iyon. Pero bakit? Bakit iyong malaking parte ng puso ko, umaasa pa rin na baka pwede naman? Baka pwede pa naman?
When we reached the lobby, huminto siya paglalakad. Then he faced me. Nakakapagtakang hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kahit na wala namang tao sa paligid. And the moment our eyes met, my heart automatically raced like crazy.
"Can we eat together after your photoshoot?" He asked the most unexpected thing on Earth.