Sakit... "Are you sure you have everything? Bakit ba tumanggi ka pa nung nagsabi si Mom na bibilhan ka din ng supplies. Puro luma tuloy ang gamit mo," seryosong sita sa akin ni ate. She was waiting for me on the couch int he living room. Tapos na ang sembreak at kahit na anong pilit ko na mag stay kay mama ay hindi siya pumayag. Itatakwil niya daw ako kapag hindi ako umlalis. Feeling ko talaga may tinatago din yung nanay ko na yun e. May boyfriend kaya siya? Bigla akong kinilabutan sa naisip. Hindi naman imposible pero para kaseng hindi ako masasanay agad kapag nagkatotoo "Okay pa naman ang mga gamit ko," sagot habang naglalakad papalapit kay ate. Surprisingly, palagi niya akong kinakausap simula kagabi na umuwi ako. Kahit pa nga medyo seryoso, nakakagulat na siya pa ang kusang na

