Buhok... "Kapag sumabit yang leeg mo sa pinto, isasabit ko talaga yang ulo mo labas. Ilalagay ko "Malandi, huwag tutularan", napaismid ako ng bahagya pang umirap si Nixie dahil saking tinuran. "Tumabi ka nga ng konti," ungot niya bago ako hinawi pakanan. Punyeta na to. "Bakit hindi ka kaya umuwi at tumambay dun sa computer shop niyo? Nakakasikip ka dito sa counter, wala ka namang ganap. Dagdag ka pa sa nakakaagaw sa oxygen dito sa loob," inis kong bulong na hindi naman din niya pinansin. Papaano ay sobrang focus ang mata niya kay Lexo na kanina pa takot na takot lumapit dito sa counter dahil akala mo lulundagin talaga ng makati kong pinsan. Nakakaawa tuloy. Gusto pa naman nun nagfifeeling waiter, sila ni Ulap. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Kanina pa ko nandito sa caf

